<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, September 26, 2006

'Atlantika' malaking challenge kay Dingdong Dantes

KAPAG ang isang artista ay nagkakapangalan na, marami na siyang pangarap na papel na gustong gampanan. Matatandaang noong papasikat na ang Star for All Seasons na si Vilma Santos, minsan rin niyang pinangarap na gampanan ang isang madre. Natupad ito ni Ate Vi sa pelikulang Sister Stella L.

Kahit ang premyadong aktor na si Christopher de Le-on, nangarap din na gampa-nan ang mga papel ng kanyang idol na si Eddie Garcia, natupad ito ni Boyet at nga-yo’y isa na siyang de-kalibre at multi-awardee actor.

Sa bagong henerasyon ngayon, marami rin sa kani-la ang nangangarap na gampanan ang iba’t ibang papel sa pelikula at telebisyon.

Tulad na lamang ng aktor na si Richard Gutierrez, matagal din niyang inasam na gampanan ang paborito niyang character na si Captain Barbell, natupad ito kaya hanggang ngayo’y ang ta-wag sa kanya ng mga bata ay Captain Barbell.

“Inaamin ko, nanghina-yang ako na hindi sa akin na-punta ang papel ni Captain Barbell. Noon kasing nagsi-simula pa lamang akong mag-artista, inasam ko na sa-na’y gawin ito ng GMA at sa akin ibigay ang role na ‘yon. Ginawa nga nila ito, pero hindi sa akin ibinigay ang role kundi kay Richard.

“Magmula noon, nawa-lan na ako ng pag-asa na ga-gampanan ko ‘yon dahil alam kong hindi na ito mauulit pa. Nangarap na lang ako na balang araw may ibigay sa aking papel na hindi ako makalilimutan ng tao.

“Sa awa ng Diyos, eh, nangyari nga ito sa pelikulang Moments of Love na pinagtambalan namin ni Iza Calzado. Matapos itong mag-klik, sinundan pa ng isang pelikula na si Iza uli ang ka-pareha ko, ito ‘yung Eternity na nag-hit uli. Bale ang da-lawang pelikula ito ang naging kapalit nang pinanghinayangan kong Captain Barbell na hindi sa akin na-punta,” dirediretsong pagku-kuwento sa amin ni Dong.

Dahil sa success ng dala-wang pelikulang ginawa ni Dingdong, bigla siyang ipinatawag ng GMA management para gawing bida sa pi-nakabagong telefantasya ng Kapuso Network, ang Atlantika.

Mula ito sa mga lumikha ng Encantadia, phenomenal at pinakaengrandeng production ng GMA-7 ang Atlantika na siguradong aabangan ng viewers dahil ngayon pa lamang sila makakakita ng isang telefantasyang sa ilalim ng tubig maglalaban ang magkakaaway na characters tulad nina Dindong, Paolo Contis at marami pang iba.

“Malaking challenge para sa akin ang Atlantika,” wika ni Dingdong du-ring the presscon ng nasa-bing telefantasya. “Mara-ming aktor ang puwedeng lumabas dito, pero ako ang napili. Isang malaking ka-rangalan para sa akin ito, kaya naman ang lahat ay gagawin ko para rito. Titiisin ko ang lahat na hirap, ang ilang oras na pagbabad sa karagatan para makipaglaban sa ilalim ng tubig sa mga kaaway, ito’y para lang mapaganda ang mga eksena namin kung kaya ginawa naming perpekto ang bawat tagpo.

“Dahil ako ang bida rito, kumuha pa ako ng trainor, mga scuba divers para maging makatotohanan ang underwater scenes ko.

“Ayoko kasing mapahiya sa mga director ko. Kinuha akong bida rito dahil ini-expect ng GMA na ako ang pag-asa ng Atlantika.

“Sa akin nakapokus ang istorya nito, at siyempre dahil ako ang pangunahing tauhan rito, aabangan nila ang bawat tagpo para i-judge nila kung papasa ako,” ani Dingdong.

Sa trailer pa lang ng At-lantika ay mababakas na agad na ambisyoso ito.

Talagang binusisi at pinaganda ang paggawa nito ng apat na direcktor na sina Mark Reyes, Mike Tuviera, Zoren Legaspi and Dingdong mismo. Ito ay mula sa konsepto nina Jun Lana at Renato Custodio, Jr.

“Ang lihim ng karagatan ay magsisimulang mapanood sa October 2.

“Ito ang oras para sa pag-ahon ng panibagong daigdig.

“Mag-handa na kayo sa pag-angat ng Atlantika at siguradong gugulatin ka-yo nito,” panghuling mensahe ni Dingdong para sa televiewers.
People's Taliba
9/26/2006 18:19 PM

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites