<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, September 28, 2006

Regine Velasquez, not a virgin anymore

IN the mood si Regine Velasquez nang humarap sa press para sa promo ng pelikulang Till I Meet You kung saan balik-tambalan silang dalawa ng Bad Boy ng Philippine Cinema na si Robin Padilla.

Magiliw ang Songbird sa pagsagot sa mga tanong na ipinupukol ng press. Ke personal o tungkol sa kanyang showbiz career. Game siya sa pagsagot. Pero higit na interesado ang press sa kanyang lovelife.

“We live in a world, like I said, you know, akala mo ito na ‘yung para sa iyo. Biglang may makikita kang iba pala. Iniiwasan ko na parang makita ko ‘yung madami. Hindi pala ‘yun ‘yon. That’s why I want to make sure,” umpisang kuwento ng Asia’s Songbird.

Common knowledge sa showbiz na pagkatapos ng relasyon niya kay Ariel Rivera, wala na ta-yong narinig tungkol sa kanyang lovelife. May mga isyu sa kanila nina Ogie Alcasid at Janno Gibbs at kung kani-kanino pa pero tila wala namang makapagpatunay kung totoo ba ito o gawa lang ng imahinasyon.

She made sure ba after Ariel, ‘yung guy na makikilala niya will be for keeps at magiging forever na ang relasyon niya rito?

“’Yun na ‘yon,” agad na sagot nito. “Kasi parang ang hirap to keep moving on, to keep… parang mag-start ka na naman uli from scratch. Di b a parang ang hirap nu’n? Tsaka feeling ko kasi parang lugi, parang may nawawala sa iyo. Hindi ko alam.”

Masyado bang mataas ang standard niya sa pagpili ng lalaking iibigin niya? Ito rin ba ang rason kung bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang boyfriend?

“Eh, bakit ninyo naman nasabi na wala pa akong boyfriend?” lahad niya. “‘Yun lang ang alam ninyo. Seriously, I’m very happy. I hope, kayo naman naiintindihan n’yo naman ako kapag hindi ako nagsasalita. Sinasabi ko sa inyo na hanggang dito lang ‘yung kaya ko pang sabihin kasi meron akong mga reason how public my life has been.

“You all know my story. And the very little privacy that I have, parang I wanna treasure. Just keep it for myself. Tutal hindi n’yo naman ako nakikitang… nagde-deny, pero I’m flirting around or what. Or I’m kissing somebody in public, di ba?

“Hindi naman ako ganu’n eh. I’m very discreet naman pagdating diyan. I think ‘yun naman ang ayaw ninyo, ‘yung deny nang deny tapos nakikita ka naman in public,” pagtatapat ni Regine.

* * *

SERYOSO si Regine sa pagsasabing, “Hindi na virgin ang lolah ninyo!” At sinundot ito ng follow-up question kung talaga bang seryoso ang Songbird sa sinabi niya.

Inulit muli niya ang sagot. “Hindi na virgin ang lolah ninyo! Dapat may lolah, bakla!”

Apat na taon nang itinatago ni Regine ang lala-king nagpapatibok ng kanyang puso. Isang non-showbiz guy na ayaw na niya munang sabihin ang totoong identity nito.

“Medyo matagal-tagal na rin kami. Magaling lang talaga akong magtago ng secret. Kasi nga parang gusto ko naman na parang sa akin na lang muna ito. I’m sure naman na maiintindihan ninyo ako eh. “One day, I will definitely announce whom the guy is. Ganu’n lang naman ‘yon. At alam ko namang nirerespeto ninyo ako,” paliwanag ng singer-cum-actress.

So kailan ba ang announcement?

“Mga 10 years from now,” biro ni Regine. “Basta, ang alalahanin na lang ninyo, hindi na virgin ang lolah ninyo! May experienced na. Hello?” at nagkatawanan uli.

Nagtapat nga si Regine na itong “secret boyfriend” niya ang nagpapasaya at nagbibigay inspirasyon sa kanya sa ngayon.

“And this person that I am right now is making me so happy. He’s making my life so colorful. Masarap naman talaga na you have somebody to share whatever success you have. To share life with him, di ba?” pahayag pa ni Regine.
HOT SOURCES
by : Lito Mañago

People's Taliba
9/28/2006 16:58 PM

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites