<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, September 23, 2006

StarStruck 1 Avenger na si Tyron Perez: Twilight Dancers

In all fairness ay nagustuhan namin ang StarStruck 1 Avenger na si Tyron Perez dito sa Twilight Dancers. Para sa isang baguhan ay tamang-tama lang ang akting na ipinakita niya. Alam ni Tyron na siya ang bida ng pelikula pero hindi namin siya kinakitaan ng pressure.

Natural at komportable siya sa kanyang mga eksena, nakadamit man siya o kapirasong tela lang ang suot.

Bagay na bagay sa Tarlac boy na si Tyron ang papel ng bagitong macho dancer na si Dwight dahil nasa mukha niya ang pagiging inosente at vulnerable.

Bukod doon ay ang galing niyang gumiling. Ang kinis ng balat at ang puti ng kutis ni Tyron kaya kaaya-aya siyang panoorin na nagma-macho dancing.

Hindi pinutol ang matinding laplapan scene nila ni William Martinez, ang galanteng bading na si Bruno na OFW galing Saudi.

Mas gusto namin si Tyron sa mga normal at quiet scenes niya kesa sa mga eksenang masyado siyang pinagda-drama. Mukhang marami pang mahuhugot kay Tyron kaya sana ay mabigyan pa siya ng magagandang project pagkatapos nito.

Agaw-eksena sa Twilight Dancers si Direk Joel Lamangan bilang pamhintang warlord na si Mayor Manibog. Kuntodo-mujer ang ayos at outfit niya sa kanyang birthday party scene na sing siya ng ‘Happy birthday to me!’

Ang landi-landi ng Direk Joel sa nasabing eksena na pinaghihipo niya ang mga bukol nina Tyron, Allen Dizon at Lauren Novero na nagsisigiling sa harapan niya. Nag-lips to lips pa sila ni Lauren!

Sa gay bar scenes ay may isang macho dancer na babad ang puwet sa screen. May butt exposure din si Allen Dizon at sa ending ng pelikula ay ibinuyangyang ni Tyron ang kanyang maputi at makinis na puwet!

by Allan Diones

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites