<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, October 04, 2006

Dennis Trillo update

Ipinagmamalaki ni Dennis Trillo ang horror flick ng Regal at APT Entertainment na TXT dahil ibang klase raw ito sa mga pelikulang nagawa niya. Dayalog sa amin ni Dennis sa presscon ng TXT sa penthouse ng Imperial Palace, kahit paulit-ulit ipagawa sa kanila ang mga eksena nila sa pelikula ay okey lang sa kanila.

At nang panoorin na nila ito, hindi raw sila nagsawang ulit-ulitin ang mga eksena dahil hindi ka talaga bibitaw pag tinutukan mo ito, kaya siya mismo ay excited nang mapanood ang buong pelikula.

Totoo bang sinapawan siya ni Oyo sa pelikula?

"Magaling si Oyo rito. Magaling talaga siya. Kailangan n’yong mapanood. Pero bigayan kami, hindi kami nagsasapawan. Kasi, tatlo kaming bida rito, magsasapawan pa ba kami? Pantay-pantay naman ‘yung roles namin at masaya kami na may kanya-kanya kaming highlights sa movie!"

Pero totoo bang kahit nagkasama na sila ni Oyo sa TXT at maging sa Majika ay parang may ilangan pa rin sila at hindi talaga silang naging close?

"Hindi naman. Okey kami ni Oyo. Kung makikita mo lang kami sa Majika, ‘yung mga pinagkukuwentuhan namin, wala talaga kaming gap!

"Hindi rin kami naiilang sa isa’t isa ni Oyo. Okey naman kami. At saka kaklase ko dati ‘yung pinsan niya na si Gian (Carlo Sotto, brother ni Ciara)," sey ni Dennis.

Siyanga pala, inamin nina Dennis at Angel Locsin na nagkaroon sila ng magandang pagtitinginan noon bago pa pumasok sa eksena si Oyo Sotto. Gaano katagal ba silang naging mag-MU ni Angel?

"Siguro mga wala pang limang buwan. Kasi, ‘yun ‘yung mga panahon ng Love to Love namin, eh. Nag-Click din kami ni Angel, tapos Mulawin. Lumalabas kami noon pero kasi, ang pine-pair sa kanya that time eh, si Richard (Gutierrez). Kaya parang may mga nagsasabi sa amin na huwag daw kaming lumabas at hindi raw kami puwedeng makitang magkasama," esplika niya.

So, ang nangyari ay bumalik siya kay Carlene Aguilar? Tama ba ‘yon?

"Ahmmm…parang gano’n!" kaswal na pag-amin niya.

Nanghihinayang ba siya na ‘pinakawalan’ niya si Angel?

"Ayoko namang sabihin na naghinayang ako. Kasi, nagkaroon di naman kami ng time together. Nakilala ko naman siya. Siguro, hindi lang kami laan para sa isa’t isa sa ngayon. Sa ngayon kasi, ayoko ring magsalita nang tapos, di ba? Mahirap magsalita nang tapos."

So, hanggang ngayon ay sila pa rin ni Carlene?

"Lumalabas kami. Magkasama kami palagi…"

Pag lumalabas at magkasama palagi, ibig sabihin noon ay sila pa rin!

"Special siya sa akin."

Pag sinabing special, ibig sabihin sila!

"Hindi naman," mabilis na kontra niya.

Bakit ba kasi ayaw pa niyang aminin? Meron bang nagbabawal sa kanya?

"Hindi, wala naman kasi talaga, eh! Wala ring nagbabawal. Sarili naming desisyon ‘yon na huwag munang magkaroon ng commitment.

"Pero anytime, puwedeng maging kami ulit. Pinili lang namin na huwag muna ngayon. Kasi siyempre, ngayon lang talaga ako nagiging busy. Ayoko namang sayangin ‘yung mga opportunities na dumarating.

"Ayoko rin namang mag-commit ako tapos, wala rin akong maibibigay na oras sa kanya."

Paano kung may makapasok na iba at maagaw sa kanya si Carlene?

"Nasa kanya na ‘yon. Pero kung kaya niyang maghintay. Ngayon kasi, okey naman kami, eh! Masaya kami pag magkasama. Lumalabas kami, nanonood kami ng mga celebrity boxing matches. Ha! Ha! Ha!"

Nu’ng presscon ng TXT last Wednesday ay nabanggit ni Dennis sa mga kausap na press na ang next movie niya ay ang Mano Po 5: Gua Ai Di ng Regal, pero three days after ay biglang nagpa-storycon ang MP5 at hindi na si Dennis ang katambal dito ni Angel kundi si Richard Gutierrez na!

Mula sa simula ng nasabing project ay alam ni Dennis na sila ni Angel ang bida sa Mano Po 5, kaya hindi kami magtataka kung dahil sa nangyari ay nasaktan (o nagdamdam) si Dennis at ang manager niyang si Popoy Caritativo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites