<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, October 19, 2006

Jericho Rosales and Heart Evangelista: update

Never naman palang nag-offer ang GMA 7 sa mag-dyowang Jericho Rosales and Heart Evangelista at lalong hindi pina-pirate ng GMA ang dalawa. Mismong si Ms. Wilma Galvante na ang nagkuwento tungkol sa maraming issue tungkol sa sinasabing paglipat ng dalawa.

In fact, ang manager daw nina Echo and Heart na si Ms. Angeli Pangilinan ang ‘naglalako’ sa GMA sa dalawa, dahil si Ms. Angeli raw ang nag-text sa kanya na hawak na niya sina Echo and Heart at puwede na ito sa GMA. So ang unang question daw ni Ms. Wilma ay kung wala na bang sabit in case na bigyan nila ng project ang mag-dyowa. Pero hindi raw makasagot ng diretso si Ms. Angeli. Ang parati raw sagot ay manghihingi muna siya ng sign from the Lord. True enough, binigyan ng sign si Ms. Angeli ng sign, a NO sign. So do’n natapos ang kuwento.

Although open sana ang GMA sa idea na bigyan ng show ang dalawa dahil naniniwala naman si Ms. Wilma na parehong magaling na artista sina Jericho and Heart.

Ms. Wilma also emphasized na never silang nag-pirate. Kung marami mang taga-ABS-CBN na artista nila ngayon, lahat daw ‘yun ay lumipat sa kanila at hindi pirate.

By the way, naka-tsika nga pala namin si Ms. Wilma sa victory party ng GMA Films para sa pelikula nilang Till I Met You starring Robin Padilla and Regine Velasquez.

Medyo natagalan kasing dumating sina Robin at Regine kaya naki-tsika na lang kami kay Ms. Wilma.

Nakuwento rin ni Ms. Wilma na nakikipaghabulan na sa kita ng Moments of Love ang kita ng Till I Met You. Ang Moments of Love ang highest gross ng GMA Films to date.

Anyway, hindi na namin nahintay sina Regine and Robin. Pero balitang naunang dumating si Robin at sinundo nito si Regine sa taping ng Pinoy Pop Superstar. Pero sandali lang daw ang dalawa at hindi na gaanong nakitsika sa nag-attend sa victory party.

By the way, ngayon araw naka-schedule magkaroon ng pocket interview si Heart and hopefully, sagutin niya ang lahat ng issue.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - salve@philstar.net.ph

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites