<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, October 25, 2006

Katrina Halili, hipo queen?

Tahasang itinanggi ni Katrina Halili ang isyung hinipuan niya si Paolo Contis kaya sinugod siya ng nobya nitong si Isabel Oli.

"Hindi po totoo ‘yon! Super-close kami ni Isabel at hindi niya ako sinugod! Kahit pagharapin n’yo pa kami ni Isabel, magkaibigan talaga kami. Never kong hinipuan si Paolo!" bulalas ni Katrina nang matsika namin sa presscon ng launching movie niyang Gigil.

Ani Katrina, never nangyari ‘yung napabalita na hinipu-hipo niya ang muscle ni Paolo sa set ng Atlantika, tapos ay umabot ang mga kamay niya sa ‘notes’ ni Paolo.

"Walang nangyaring gano‘n dahil hindi pa kami nagkakasama ni Paolo sa taping ng Atlantika! Mapapatunayan kong hindi totoo ‘yon, kahit tanungin n’yo pa si Paolo!

"At hindi ko gagawin ‘yon na hihipuan ko siya! Hindi ako bading para manghipo ng lalake! Babae ako, bakit ako manghihipo? Huwag n’yo akong gawan ng kuwento na gano’n na parang ang manyak ko naman!" emote pa ni Katrina.

Ayaw niya ng taguri sa kanya na bagong ‘Hipo Queen’ dahil hindi raw niya gawain ang manghipo. Maging si Alfred Vargas na leading man niya sa Gigil ay never daw niyang hinipuan kaya walang dapat ikabahala ang GF nitong si LJ Reyes.

"Meron lang sigurong isang tao na naninira sa akin! Kasi, bakit lalabas ang mga isyung ganyan na wala namang bahid ng katotohanan?

"Wala akong pakelam kung sino man ‘yung taong ‘yon! Hindi ko na siya pag-aaksayahan pa ng panahon. Iisipin ko na lang ‘yung mga project at blessings na dumarating sa akin kesa ‘yung mga intrigang ganyan na walang kuwenta!

"Basta ang masasabi ko lang sa nagsulat no’n at sa nagkakalat ng isyung ‘yon, naniniwala ako na mabilis ang karma!

"Hindi natin alam, baka bukas mabagsakan siya ng poste! Kaya sana magbago na siya!" dayalog pa ni Katrina. link

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites