<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, October 07, 2006

Robin Padilla , gigil na gigil kay Angel Locsin

Aminado si Robin Padilla na siya mismo ang nag-request sa GMA na si Angel Locsin ang maging kapareha niya sa primetime series na nakatakda niyang gawin sa Kapuso Network na may tentative title na Asian Treasures.

Sinubaybayan niya raw noon ang telefantasyang Darna dahil sa ganda at kaseksihan ng bidang si Angel.

"Wala namang lalakeng hindi nanood ng Darna dahil sa kaseksihan ni Angel, eh! Gago ‘yung lalakeng hindi nanood no’n dahil si Angel ay talaga namannn!!!" nakangiting bulalas ni Robin na para bang nanggigigil sa alindog ni Angel.

"Isang karangalan na makatrabaho ko si Angel Locsin. Kasi, panahon nila ngayon, eh! Sila ang mga hari at reyna ngayon. Siyempre, isang karangalan na kilala pa pala ako ng mga bata na ‘yan! Ha! Ha! Ha!" tawa ni Binoe.

Aniya, ang Asian Treasures ay parang National Treasure (ni Nicolas Cage) na mala-Indiana Jones (ni Harrison Ford). Ayaw raw niya ng show na may superpower siya o may mga magic-magic.

"‘Yun ang aking ipinaglalaban, na maipakita naman namin ‘yung galing sa martial arts at sa baril. Hindi ‘yung tuturo ka lang, may mangyayari na! Naku, ayoko ng ganu’n!

"Hindi pa kami nagkakasundo ng GMA, mga 80% pa lang na sure. Kasi, gusto nila may magic-magic, eh! Pero ayoko talagang pumayag na may kapangyarihan ako. Malabo ‘yon! ‘Yung kalaban ko, kung gusto niya may kapangyarihan siya, okey lang. Pero ako, ayoko!" mariing sambit niya.

Nabanggit din ni Robin na naikuwento raw sa kanya noon ng manager niyang si Betchay Vidanes na nu’ng minsang mag-stunt si Angel sa Darna na may blasting, nakunan daw ng kamera ‘yung dayalog nito habang pa-exit na, "Anong sinabi ni Robin Padilla?!"

Kaya nang makarating ‘yon kay Binoe, ang reaksyon niya ay, "Aba, hinahamon ako nito, ah?"

Magkakaalaman daw sila pag nagkasama na sila sa seryeng pagtatambalan nila.

"Kaya nga ang gusto ko, hindi fantasy! Pag fantasy kasi, walang stunt ‘yon, pare! Puro peke ‘yon! Gusto ko totohanan!"

Eh, kung si Angel lang ang may magic, okey ba sa kanya ‘yon?

"Eh di, dinadaya niya ako no’n? Ang gusto ko, sabay kaming nakikipaglaban! Hindi puwede ‘yung ganu’n kapatid!" hirit pa niya.

Liligawan din ba niya si Angel tulad ng ginawa niya sa leading lady niya sa Till I Met You na si Regine Velasquez?

"Naku, kapatid, masyado namang bata! Maganda pa ang kinabukasan no’n! Sa katayuan niya ngayon at sa tagumpay na dinaranas niya, hindi pa siya dapat mag-asawa! ‘Yung boypren nga, dapat hindi muna niya iniisip ‘yun, eh!

"Kanya munang samantalahin ang biyayang binibigay ng Panginoon. Dahil alam mo naman sa pelikula, pag dumating ang suwerte eh, hindi na muling dumarating. Mas mainam sa kanya kung wala siyang boypren. Pero may boypren na, eh! Wala na tayong magagawa du’n!" natatawang pakli ni Binoe.

Bukod kay Angel, ang iba pa raw kabataang aktres na crush ni Robin sa showbiz ay sina Anne Curtis, Kristine Hermosa (kaya lang daw ay nag-asawa na ito) at si Iza Calzado na nakasama niya sa digital film na Blackout (pero isang araw lang daw silang nagkaeksena).

Happy ba siya sa pagiging Kapuso?

"Oo naman! Wala pa naman silang hindi ibinigay sa mga hiningi ko, eh! Lalo na sa pelikula namin ni Regine, lahat ng sinabi ko sa istorya, ibinigay nila. Gaya nu’ng kabayo, pinilit ko talaga ‘yon! At saka marami pa!"

Ngayong gabi ang invitational screening ng Till I Met You sa Podium Cinema. Malalaman na namin kung totoo ang ibinulong sa amin na ‘kakaiba’ raw ang ending ng pelikulang ito ni Direk Mark Reyes. Hindi umano ito ‘yung tipikal na ending ng mga romantic movies at sana raw ay magustuhan ng audience ang nasabing ‘surprise’ ending!



Allan Diones
Abante Tonite

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites