<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, October 17, 2006

Sheryl Cruz and Sunshine Dizon: Bakekang

KUNG kailan nag-kaasawa’t nagkaanak si Sheryl Cruz saka naman naging isang magaling na aktres. Hindi tulad noong dalaga pa siya’t kasama ng youth-oriented show na That’s Entertainment ni German Moreno, wala si-yang kalatuy-latoy umarte!

Ngayon ay matatawag nang “aktres” si Sheryl. Tatlo sa mga teleserye ng GMA-7 ay hinangaan siya sa makatotohanang pagganap. Tulad na lamang dito sa walang ka-singgandang teledrama ng walang kasing pangit na bida sa telebisyon na napapanood ngayon sa GMA Telebabad na nilikha ni Direk Carlo J Caparas, ang Bakekang na ginampanan ni Sunshine Dizon.

“Kailangang pagbutihin ko ang pag-arte dahil marami akong kakumpetensiya,” bungad ni Sheryl.

“Okey lang sa akin na ma-typecast ako bilang kontrabida. Kung dito ako magkiklik bakit nga hindi? I don’t mind kung magalit sa akin ang fans, ang importante may trabaho ako.

“Tapos na naman ako sa mga sweety-sweety roles, naranasan ko na rin ang maging bida noon sa pelikula, nakatambal ang malala-king actor, at ngayo’y magtataray naman ako sa teleserye.

“Subukan nilang panoorin ang Bakekang kung paano ko laitin at pahirapan du’n ang bidang si Sunshine,”dagdag ni Sheryl na sa totoong buhay ay mabait naman.

Kung hinahangaan man bilang kontrabida sa Bakekang itong si Sheryl, mas higit itong si Sunshine. Natural ang pag-atake niya sa kanyang papel, kahit nga ang author ng nasabing teledrama na si Direk Carlo J Caparas ay hanga sa aktres.

“Walang ibang puwedeng gumanap sa papel na ‘yan kundi si Sunshine lang. Siya lamang ang puwedeng itapat kay Nora Aunor, ang orig na Bakekang. Iyun ngang eksena niya kung saan nanganak siya ng kambal, akala mo totoong nanganak siya kahit arte lang iyon.

“Dalagang tao si Sunshine pero nai-portray niya nang husto ang kanyang papel. Sanay na sanay siyang umiri kahit hindi pa siya nakakaranas manganak. Eh si Guy, naipanganak na n’ya nu’n ang kanyang panganay na si Ian nang gampanan ang Bakekang.

“May karanasan na siya nu’n sa panganganak pero si Sunshine wala pa. Eh, sino ngayon ang mas mahusay mag-emote sa dalawa, di ba si Sunshine?”

Dahil sa lalaki halos ilampaso ni Sheryl sa akting si Sunshine! Paano ba naman, asawa ni Sheryl (bilang Valeria) si Jay Manalo (bilang si Christoph), tapos biglang nabaleng ang simpatiya nito kay Bakekang kaya nagwala si Valeria.

Noong makulong si Bakekang, pakiramdam ni Valeria’y wagi siya. Pero nang malaman ito ni Christoph, pinyansahan niya si Bakekang. Nang malaman ito ni Valeria, inaway-away niya ito, pinagsalitaan ng “pangit, pangit! si Bakekang hanggang sa lait-laitin ito kasabay ang mga dayalog na, “Mang-aagaw ng asawa!”

“Honestly, magaling umarte si Sunshine, pero ayokong magpatalbog sa kanya kaya ilalampaso ko siya! Ako na nga ang naapi, asawa ko si Christoph tapos aagawin sa akin? Siyempre ipaghihiganti ko ang aking kaapihan.

“Kaya nang sabihan ako ni Direk Khryzz Adalia na gawin ko ang lahat nang masasakit na salita kay Sunshine ay ginawa ko talaga. May eksena pa kami, sa tindi ng galit ko kay Bakekang, gumawa ako ng paraan para hindi makasali sa audition ng diaper ang kanyang anak na si Kristal.

“ But in the end, si Kristal pa rin ang napili kaya sa inis ko, gagawan ko uli sila gulo, ito ay mapapanood sa susunod na episode ng Bakekang kaya abangan nila,” ani Sheryl
link

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites