<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, November 18, 2006

Miriam Quiambao in Palaban

Ginawa nang once-a-month ang dating weekly TV program nina Paolo Bediones at Miriam Quiambao na Pinoy Meets World pero hindi dapat malungkot ang mga tagasubaybay ng dating Miss Universe 1st runner-up dahil bukod sa Pinoy Meets World ay linggu-linggo naman siyang napapanood sa bagong public affairs program ng GMA Network, ang Palaban kung saan niya kasama sina Winnie Monsod at si Malou Mangahas, isa sa mga nagtatag ng Philippine Center for Investigative Journalism. Ang programa ay nag-pilot nung nakaraang November 8, Miyerkules pagkatapos ng Saksi nina Arnold Clavio at Vicky Morales.

Simula naman sa November 26 (Linggo) 11NG sa QTV-11 ay mapapanood din si Miriam sa isang weekly drama anthology na pinamagatang Dahil Sa Iyong Paglisan... Pamilyang OFW na tumatalakay sa buhay ng mga OFW (Overseas Filipino Workers). Ang nasabing programa ay magkatulong na pinamamahalaan nina Gina Alajar at TV at theater director/actor na si Soxy Topacio na isa rin sa mga tumatayong producers ng Segments & Clips, Inc. kasama ang kanyang mga business partners na sina Phil Noble at Jojo Sanchez.

Ang unang episode ng Dahil Sa Iyong Paglisan..Pamilyang OFW ay pinamagatang Barakong Maybahay na tinatampukan nina Alfred Vargas, Christian Vasquez, John Feir Bellyflory. Ang pangalawang episode ay pinamagatang Pintor, Japan na kung saan naman tampok na mga bituin sina Ana Capri, Goyong, January ‘Lumeng" Isaac at Renz Valerio. Ang pangatlong episode ay pinamagatang Cook, Beirut kung saan naman featured sina Bing Loyzaga, Nonie Buencamino, Sheena Halili at Gigette Reyes.

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites