<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, November 23, 2006

My Music Station - MMS

Sure ako na sa November 25 ay sangkatutak na fans ang dadayo sa SM Mall of Asia, dahil sa first anniversary ng MMS. Aba, bongga naman kasi ang pakulo nilang MMS Pinoy Music Fest, ha!

Sa mga host pa lang, bongga na dahil magkakasama na sina Raymond Gutierrez, Jay-R, Mark Herras at Alessandra de Rossi, ha!

Eh, sasamahan pa sila ng mga sikat na banda ngayon tulad ng The Dawn, Freestyle, Sandwich, 6Cyclemind, Shamrock, Stone Free, Itchyworms, Callalily, Imago, Rocksteddy, Session Road, at ni Barbie Almalbis.

Hindi pa tapos ‘yan, dahil join din sa kanila sina Ogie Alcasid, Pops Fernandez, at The Company. At may bonus pa, dahil bibirit din sa kantahan at hatawan sina Nina, Sofia, Kim Flores, Jonalyn Viray, Gerald Santos, Brenan Espartinez, Michael Garcia, Harry Santos, Pop Star Kids winners at Marky Cielo.

Dahil papasok na sila sa ikalawang taon nila sa TV, mas magiging Pinoy na Pinoy ang gimik nila. Ngayon nga ay panay Original Pinoy Music (OPM) ang ipu-promote nila. Feel nga nila na mas mamahalin ng mga Pinoy ang ating sariling awitin.

Kaya naman, iibahin na rin ang meaning ng MMS. Kung dati ay My Music Station sila, ngayon ay Music Mo Sikat na sila.

Hindi lang puro kantahan ang magaganap sa Saturday, dahil may art exhibit, games, fireworks display, at booths pa sa paligid, na mula sa iba’t ibang record labels na magbibigay ng animo’y isang Music Fair Environment para sa lahat ng dadalo.

Bawat record label booth ay magbibigay ng discount sa kanilang mga CD at regalo sa mga dadalo. Kasabay din nito ang autograph-signing ng mga iniidolong banda at iba pang performers.

At para todo na ang pabongga, may fashion show rin sila ng mga respetadong designers tulad nina Frederick Peralta, Randy Ortiz, Rajo Laurel, Jojie Lloren at Jun Escario.

Ang MMS PINOY MUSIC FEST ay isang pasasalamat ng MMS sa lahat ng sumusubaybay sa kanila.

Well, free po ito para sa mga gustong manood. So, go na kayo sa Music Hall ng SM Mall of Asia, ‘no! link

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites