<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, November 17, 2006

Ruffa Gutierrez at Liz Almoro, magkaibigan

DALAWANG taon na palang magkaibigan sina Ruffa Gutierrez at Liz Almoro, estranged wife ng controversial TV host-comedian na si Willie Revillame.

Sa loob ng panahong ’yon, ang assessment ni Ruffa kay Liz ay isang intelihente’t disenteng babae.

Alam daw niyang hurt si Liz sa failed marriage, pero wala raw siyang magagawa kundi makinig lang sa kaibigan dahil usapang mag-asawa na ito.

Gaya ng sabi ng iba, mahirap pumagitna sa ganitong away, dahil bandang huli, baka magkasundo ang dalawang kampo at ang kaibigan ang kadalasang naiiwan sa laban.

Kuwela naman ang kuwento ni Ruffa tungkol sa isang insidente kung saan sinabi diumano ni Liz na naiinggit siya rito dahil sa kanyang “charmed life.”

Balik naman sa kaibigan ng unica hija ni Annabelle Rama, talagang ganu’n lang ang buhay-may-asawa, natural na may ups and downs. Kahit daw sila ni Yilmaz (Bektas) ay nagkakaroon din ng problema paminsan-minsan, pero they try to make their marriage work.

Good boy naman daw si Yilmaz, ani Ruffa, pero sadyang may mga babae talagang natsa-challenge sa mga lalaking taken o married na.

Kaya raw siya, diet pa rin at regular exercise para ’di tumingin ang mister sa iba. Malaki raw ang pasasalamat niya’t endorser siya ng Calayan Surgicenter, particular na ang tenor laser, para ma-maintain ng seksing pigura.

November 3 dumating ng ’Pinas si Ruffa in time for her mom’s birthday at para mag-renew na rin ng 18-month contract with the Calayans. Early next month naman ang alis niya for Turkey, dahil tinapos pa niya ang shampoo TV commercial nila ng Desperadas co-stars na sina Gretchen Barretto at Dawn Zulueta at may screenings na raw na gagawin ang show niyang Philippines’ Next Top Model sa RPN 9.

December din niya balak i-launch ang bagong negosyong itinayo, na tinawag niyang Skin Essentials by Ruffa, na puro kakikayan ang mga produkto. link

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites