<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, December 31, 2006

Enteng Kabisote 3, not worthy for Best Picture?

Hindi nakadalo ang mga alaga ni Tita Becky Aguila sa ginanap na 32nd Metro Manila Film Festival Awards night sa Aliw Theater nung Biyernes ng gabi.

Ayon mismo sa staff ng GMA-7 ay may sakit si Angel Locsin at kasalukuyang naka-confine sa St. Luke’s Hospital kaya’t mag-isang dumating si Richard Gutierrez bilang isa sa representative ng Mano Po 5, Gua Ai Di.

Samantalang si Jennylyn Mercado naman ay nilalagnat na at gustong pumunta sa nasabing event, pero nanlalambot kaya’t nagpatingin din sa St. Lukes’ Hospital at na-diagnose siyang may broncho pneumonia at kailangang magpahinga ng isang buong linggo bukod pa sa bawal magpuyat kaya raw on and off ang fever ng isa sa bida ng Super Noypi.

Samantala, tsika ng mga TV reporter na naghahanap kay Angel sa awards night ay, "Iba-ibang kuwento ang narinig namin, sabi dinamdam ang break-up nila ni Oyo Boy Sotto kaya hindi dumalo, may nagsabi namang naka-confine nga kasi hindi nakayanan ang nangyari at ‘yung isa, ayaw daw kasing makita si Oyo kaya hindi dumalo, e, wala rin naman si Oyo, hindi rin dumating."

Anyway, lovers’ quarrel daw ang nangyayari ngayon kina Oyo at Angel at ang ikinatataka namin ay bakit nadadawit ang name ni Bing Loyzaga, bilang third party?
* * *
As expected, maraming kumuwestiyon kung bakit nanalong Best Picture ang Enteng Kabisote 3 ni Vic Sotto sa nakaraang 32nd Metro Manila Film Festival Awards Night dahil ni wala raw itong napanalunang minor awards kaya’t paano siya lumusot bilang best picture?

Dagdag din ni Celia Rodriguez na nagpahayag ng "You can quote me on this, I’ve seen all the movies and I can say that they’re all basura except our movie Ligalig," na ikinaloka ng mga nakarinig.

Maging si Star Cinema producer Malou Santos ay nagpahayag ding karapat-dapat na ang Kasal, Kasali, Kasalo ang Best Picture, pero nasa second place lang.

At maging ang mga taga-MMFF ay either Ligalig, Kasal, Kasali, Kasalo at Mano Po 5 ang hihiranging Best Picture, "Nagulat din kami, hindi rin namin ini-expect na Enteng ang winner, nagkatinginan nga kaming lahat, eh. Pero may criteria raw, ibinase sa boxoffice, e, di ba number one ang movie ni Vic Sotto, pangalawa kina Judy Ann (Santos) at Ryan (Agoncillo) at pangatlo ang Shake, Rattle and Roll 8?"

"So far sa Best Picture lang naman nagkaroon ng kuwestiyon, the rest of the winners ay deserving naman, di ba?" balik-tanong sa amin ng taga-MMFF. LInk to original post.

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

kwento naman ng enteng kabisote 3 pls.....

1:59 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites