<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, December 16, 2006

Janno Gibbs and Cristine Reyes, update

Isa pang patuloy na nauugnay ang pangalan kay Janno Gibbs ay ang younger sister ni Ara Mina na si Cristine Reyes.

Noon pa nagsimula ang tsismis tungkol sa dalawa at pareho na rin silang nag-deny, pero hanggang ngayon ay tila hindi pa rin ito mamatay-matay.

Malamang mabuhay na naman ang isyu sa pagitan ng dalawa dahil kasama ngayon ni Ara si Cristine sa show nila ni Janno sa Europa.

Nu’ng nasa Barcelona (Spain) sila ay tinext kami ni Cristine at nakikibalita siya rito sa ‘Pinas. Medyo nilalagnat ang dalaga nu’ng time na ‘yon dahil sobrang lamig daw doon pero ang sarap-sarap at ang ganda-ganda.

Nabanggit namin sa kanya ‘yung tsikang nasagap namin sa bakuran ng GMA na may nakahuli raw sa kanila ni Janno na naghahalikan sa dressing room ng SOP.

Text back ni Cristine, "Talaga, serious? Kumusta naman ‘yun?! Ha! Ha! Ha!"

Kinulit-kulit din namin ang bagets kung may relasyon ba talaga sila ni Janno. At alam na nga niyang natsitsismis sila, sumama pa siya sa Europe…

"Hindi, ‘no! Ang dami ngang guwapo rito, eh! At saka kasama naman namin si Ate. Wala talaga, swear! Nu’ng sinabi sa akin ni Ate na isasama niya ako sa Europe, hindi niya agad sinabi na kasama si Janno. Kaya late ko na nalaman na kasama pala siya. Promise!

"Hindi nga kami naghihiwalay ni Ate rito, eh! Promise, good girl ako rito! At saka sila nga ni Ate ang madalas magkasama, eh! Haay, naku!" text pa ng StarStruck girl.

Inamin din sa amin ni Cristine na nag-back out siya sa Asian Treasures dahil mas pinili niyang sumama sa Ate Ara niya sa Europa.

After Barcelona ay tumuloy sila ng Amsterdam (Netherlands) kung saan nag-show rin sina Ara at Janno.

Sa text sa amin ni Cristine kahapon ay nabanggit niyang pagod na pagod silang lahat dahil super-ikot sila the day before sa Paris (France).

Pagkatapos ay dumiretso sila ng Belgium na two hours daw ang biyahe. Sa Brussels ang third and last show nina Ara at Janno sa Europe. Sa Disyembre 19 daw ang balik nila rito, sabi ni Cristine. LINK

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites