<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, December 04, 2006

Jennylyn Mercado and Mark Herras, sex video?

Iritado si Mark Herras nang matsika namin sa presscon ng Super Noypi dahil sa tsismis na meron silang sex video ng ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado.

Dati ay nadawit na rin si Jennylyn sa nude video scandal (na si Mark umano ang kumuha) at mariing pinabulaanan noon ni Jen na siya ang babaeng nakahubad sa banyo na kinukunan ng video.

Ngayon naman ay may sex video raw sila na kuha sa isang hotel.

"Okey lang na mang-intriga sila pero sana ‘yung totoo, di ba? Actually, bawal kaming sumagot tungkol doon, pero kampante ako sa sarili ko na hindi totoo ‘yon!

"Kung totoo ‘yon, pinagalitan na sana ako ng GMA at nagsalita na ako kung saan-saan para ipagtanggol ang sarili ko!

"Ang pangit pa roon, nakahihiya kay Jen dahil siya ‘yung babae. Sa pagkakaalam ko, sa kabilang istasyon nanggaling ang isyung ‘yan kaya disappointed talaga ako.

"Dati na kasi silang gumagawa ng isyu pag may movie kami ni Jen, eh! Basta ang masasabi ko eh, hindi talaga totoo ‘yon!" bulalas ni Mark.

Nakita na ba niya ang kopya ng sinasabing sex video raw nila ni Jen?

"Hindi ko na kailangan pang makita kasi, wala naman akong ginawang ganu’n, eh! At gaya nu’ng sinabi ko before nu’ng unang maglabas sila ng (nude) video, ganu’n ba akong klaseng tao para gawin ko ‘yon?

"Ano ako, gago? At buti sana kung kami ni Jen eh, nagkagaguhan lang kami, di ba? Minahal ko ‘yung tao, so konting respeto naman!

"Hindi ako gagawa ng ganu’ng kababuyan sa sinumang tao! Hindi ko ibi-video ng ganu’n ang girlfriend ko o kahit na sinong babae, kahit hindi ko girlfriend!

"Ang sabi pa, nagmo-modeling daw si Jen doon sa video tapos, pumayag daw siyang i-video ko siya na nagmo-model nang nakahubad. Di ba, malaking kagaguhan?

"Katarantaduhan na naman nila ‘yan! Hindi ako magdedemanda pero ang masasabi ko lang eh, mga gago sila! Mga gago!!!

"Unang-una kasi, ang pangit ng isyung ‘yon para roon sa babae, di ba? Pangalawa, nagmumukha lalo akong masama sa tingin ng mga tao. Kasi, kilala na nga ako na bad boy daw, playboy... tapos, maglalabas sila ng isyung gano’n?

"Kaya gusto kong i-clear ‘yung name ko dahil pangalan ko na ang nakataya rito! Kami ni Jen, hindi na namin kailangang pag-usapan pa ‘yon dahil alam naming hindi totoo.

"At kung may ilalabas sila, ilabas nila! Pero alam kong wala silang mailalabas! Malakas ang loob ko dahil alam kong wala akong ginawang gano’n!" dire-diretsong litanya ng bad trip na si Mark.

Bakit kaya ginagawan siya ng mga ganoong isyu?

"Ewan ko sa mga gagong ‘yun! At saka napipikon din ako pag may mga kakilala ako na nagtatanong sa akin tungkol doon. Ang sinasabi ko, ‘Gago ka ba? Naniniwala ka roon?’ Kahit sino naman, mapipikon, di ba?!"

***

Maging si Jennylyn ay hindi malaman kung bakit siya idinadawit sa bagong sex video issue...

"Actually, ang unang reaksyon namin ni Mark eh, na-shock kami dahil hindi namin alam na may sex video pala kami! Ayokong mag-comment about it kasi, hindi naman totoo and God knows kung ano talaga ang totoo!

"Kung meron mang ganoon, sana ipakita nila sa amin at ipakita nila sa mga tao kung talagang ako at si Mark nga ang nandu’n! Basta ako, alam ko sa sarili ko at alam ni God na wala kaming ginawang gano’n!" bulalas ni Jen, na muling katambal ni Mark sa Super Noypi.

May version din ng tsismis na kesyo si Jeremy Marquez ang kasama ni Jen sa nasabing sex video...

"Ha?? Natawa na lang ako kasi, may mga tao talagang naninira at hindi nakukuntento. Wala akong masabi kasi, hindi talaga totoo ‘yun, eh!

"Pagkatapos ni Mark, si Jeremy naman? Sino naman kayang susunod? Meron din kami ni Patrick (Garcia, napapabalitang boyfriend niya) o ni John Prats o ni Polo Ravales (co-stars niya ang dalawa sa Super Noypi)?

"Siguro, may mga tao talagang wala lang magawa at gusto lang mag-imbento ng mga ganyang istorya about me. Sana, tigilan na nila dahil hindi ito healthy for myself and for my career!

"Nakahihiya rin sa GMA! Para sa akin, hindi ko gawain ang ganu’n, eh! Dahil ayokong babuyin ang sarili ko.

"Alam kong makakasira ‘yon sa personality ko, sa pagkatao ko, so hindi ako gagawa ng mga bagay-bagay na ikasasama ko!" mariing dayalog ni Jen.

Mabuti na lang at nandiyan si Mark na handa siyang ipagtanggol...

"Dapat lang pong ipagtanggol niya ako dahil wala talaga kaming ginagawang masama ni Mark. At saka wala akong time for negative issues...

"Siguro may mga gumagawa lang talaga ng mga ganyang klase ng paninira. Kaya ako, gusto kong makita ang video na ‘yon dahil curious din ako about it.

"Pero nagulat kami ni Mark dahil may ginawa pala kaming sex video na hindi namin alam! Isa pa, matagal na kaming wala at kahit nu’ng kami pa, wala kaming ginawang ganu’n!

"So, parang nag-usap kami na protektahan at ipagtanggol namin ang isa’t isa for the sake of our friendship.

"Wala akong balak magdemanda pero kung talagang hindi ko na kakayanin at below the belt na ang mga paratang sa akin, siguro that’s the time para gumawa na kami ng aksyon para matigil na ang mga panini-rang ‘yan!" seryosong sambit ni Jennylyn. LINK

1 Comments:

Anonymous chuba said...

putangina

5:24 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites