<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, December 01, 2006

Raymond Gutierrez vs. JayR

Sa press launching kahapon ng Star-Struck 4 ay hindi umiwas si Raymond Gutierrez sa mga nagtanong sa kanya tungkol sa gusot nila ni JayR.

Inamin ni Raymond na hindi pa siya handang kausapin ang co-host niya sa MMS (Music Mo Sikat, QTV 11, Lunes-Biyernes, 4:30-5:30 PM).

Wala naman daw problema sa taping nila ng MMS dahil magkaiba sila ng episode.

"Ganoon na lang muna. Siguro, darating din ang araw na magiging okey na kami," pahayag ni Raymond.

Tungkol kay DJ Mo, wala raw siyang balak na mag-guest sa radio program nito kahit pa nag-guest doon ang iba pang celebrities na ‘nasagasaan’ nito.

"No need!" maikling sagot ng binata.

Okey raw kay Raymond ang pag-a-apologize on air sa kanya ni DJ Mo.

"Noong nakarating kasi sa akin ‘yung balitang may ganoon silang sinabi, hindi ako nagalit. Nagulat lang ako dahil si DJ Mo ‘yung involved sa isyung ‘yon.

"Kaibigan siya ng pamilya namin dahil bestfriend siya ni Donita Rose, na bestfriend ni Ate (Ruffa Gutierrez-Bektas).

"Noong bumalik kasi si DJ Mo rito sa Philippines, nagkausap pa kami, ‘tapos the next thing na nabalitaan ko, may sinabi na siya sa akin sa radio program niya.

"Pero nag-sorry na naman siya, kaya ayoko na ring pag-usapan pa ang tungkol doon," pahayag ng binata.

At tungkol sa intriga sa kanyang kasarian, hindi pinapansin ‘yon ni Raymond dahil alam daw niya sa kanyang sarili kung ano ang totoo.

"I’m not really affected. I don’t even have to explain dahil alam ko sa sarili ko kung ano ako," pahayag ni Raymond.

Anyway, excited ang kambal ni Richard Gutierrez sa second year niya as host ng StarStruck.

Napansin din ng binata na mas marami ngayon sa mga sumali sa StarStruck ang may personality na kaagad.

"Marami ang may dating, pero once pa lang kami nag-taping, kaya hindi ko pa masasabi kung sino ang personal favorite ko," sabi pa niya.

Sa Lunes (Disyembre 4) na magsisimula ang StarStruck 4 sa GMA 7.LINK

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites