<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, December 18, 2006

Sexbomb, lumuha sa 'Eat Bulaga'

Noong Sabado ay tuluyang natuldukan ang gusot sa pagitan ng SexBomb Girls at ng ilang taga-Eat Bulaga.

Nag-guest nga sa noontime show ng Siyete ang mga alaga ni Joy Cancio.

Pati sina Mia Pangyarihan at Sugar Mercado na nagkaroon ng matinding away noon ay nagkaayos na rin.

Ang karamihan sa SexBomb Girls ay napaiyak sa eksenang ‘yon.

Matagal-tagal na kasing gusto nilang maayos ang gusot sa pagitan nila at ng mga taga-Eat Bulaga.

Sabi ni Joy, hindi nila pwedeng ikaila na malaki ang naitulong sa kanila ng programa.

"Sa Eat Bulaga nagsimula ang SexBomb, kaya ang luwag-luwag na ng pakiramdam ko ngayong naayos na ang gusot na ito. Very thankful ako at tinanggap ni Ma’am Malou (Choa-Fagar) ‘yung pag-a-apologize namin.

"Malaking tulong sa amin si Tito Joey (de Leon). Basta, thankful kami at nakatuntong na naman ang SexBomb sa Eat Bulaga!" sabi ni Joy.

Samantala, nilinaw ni Mia ‘yung intriga na noong unang makipag-ayos sila kay Tita Malou ay hindi siya sumang-ayon.

Masama raw kasi ang loob niya kay Sugar, kaya hindi siya sumipot sa Broadway Centrum studio ng Eat Bulaga noong unang puntahan nina Joy at SexBomb girls si Tita Malou.

"Actually, nagulat din ako sa intrigang ‘yan. Kasi may iba pang nang-iintriga.

"Ang totoo, pumunta ako ng Broadway Centrum, pero na-traffic ako. Pagdating ko roon, pababa na ang SexBomb Girls at pati si Ate Joy.

"May iba pa kaming commitment, kaya isinama na nila akong umalis. Hindi na ako nakapasok pa ng studio ng Eat Bulaga.

"Pero ‘yung sabihing ayoko kasing makipagbati dahil may galit ako kay Sugar, that’s not true.

"Bakit naman ako magkokontrabida pa? Saka sa Daisy Siete lang naman ako kontrabida, sa totoong buhay, tahimik lang ako.

"Ayoko na rin ng away, na kaya natutuwa ako na okey na ang lahat.

"Masaya ako na pati kami ni Sugar, eh, okey na rin talaga," sabi ni Mia.

Sa ngayon ay gusto nila na tuluyang kalimutan ang naging gusot nila noon ni Sugar at ng iba pang mga taga-Eat Bulaga. visit link.

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites