<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, December 21, 2006

Tanya Garcia and Governor Mark Lapid update

Itinanggi ni Senator Lito Lapid na kontra siya kay Tanya Garcia para sa anak niyang si Pampanga Governor Mark Lapid.

Sabi niya kahapon sa solo presscon niya sa Dulcinea para sa filmfest entry niyang Tatlong Baraha, walang katotohanan ‘yon dahil hindi niya pinakikialaman ang lovelife ng kanyang mga anak.

Medyo nagulat din siya nu’ng may magbanggit na inamin na ng bunso niyang si Maynard na nobya nito ang young star na si Jill Yulo.

Ani Sen. Lito, hindi niya alam ang tungkol doon at nabasa na lang niya ito sa diyaryo.

Hindi niya maiwasang mapangiti kapag tinatanong siya ng press tungkol kay Melanie Marquez.

‘Kaaliw ‘yung hirit niya na nakaapat na asawa na si Melanie, pero hanggang ngayon ay palaging siya pa rin ang itsinitsismis dito samantalang ang tagal nang tapos ng kabanata nila.

Ngumiti lang din si Sen. Lapid sa suggestion na mag-aral din siya ulit gaya ni Melanie na gumradweyt kamakailan ng cum laude.

May tatlong taon pa siya sa kanyang termino bilang senador pero wala nang atrasan ang pagtakbo niya bilang alkalde ng lungsod ng Makati.

Ayon kay Sen. Lito, may pribilehiyo ang mga senador na bumalik sa puwesto nila sakaling hindi magwagi sa anumang posisyon na tatakbuhan nila sa local elections.

Aminado ang actor-turned-senator na kahit anong gawin niya ay hindi siya makasabay sa mga kasamahan niya sa Senado dahil isa lang siyang hamak na high school graduate.

Aniya, trak-trak na libro yata ang inaral ng mga kapwa niya senador, samantalang siya ay nagmula sa mundo ng pelikula.

Nu’ng mga panahong nagpapakadalubhasa ang mga ito sa pag-aaral ay ‘yun ang panahon na sumisirku-sirko siya sa kanyang mga pelikula, kung saan nakilala siya at naging sikat na action star.

Local governance aniya ang kanyang linya kaya nais niyang maging mayor ng Makati, na ayon sa kanya ay hawak dati ng mga Yabut na Kapampangan din katulad niya. Wala raw siyang problema sa residency dahil matagal na silang may bahay sa Magallanes Village.

Si Lito at ang mga anak na sina Mark at Maynard ang mga bida sa Tatlong Baraha na dinirehe ni Toto Natividad.

Si Sen. Lito si Leon Guerrero, si Mark si Julio Valiente at si Maynard si Zigomar, na pawang nagmula sa mga karakter na pinasikat noon ni LL.

Kahit maaksyon at may mga baril-barilan ay pambata raw ang Tatlong Baraha dahil hinaluan nila ito ng fantasy element para bumagay sa Pamaskong pestibal. LINK is here.

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites