<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, December 29, 2006

Top 20 ng StarStruck 4 The Next Level

Ipinakilala na sa press ang Top 20 ng StarStruck 4 The Next Level, hosted by Dingdong Dantes and Jolina Magdangal with Raymond Gutierrez.

Ang masuwerteng nakapasok ay 10 girls at 10 boys, aged 16-21: Aljur Abrenica of Pampanga, Chad Burden of Cebu, Chariz Solomon of Pasay, Dave Valentino of Marikina, Dex Quindoza of Manila, Hazel Uy of Cebu, Jan Manuel of Laguna, Jean de Castro of Mandaluyong;

Jesi Corcuera of Pasay, Jewel Mische of Bulacan, Kiko Junio of Pampanga, Kris Bernal of Quezon City, Lizzy Pecson of Pampanga, Lui Perez of South Cotabato, Mart Escudero of Cavite, Paulo Avelino of Baguio, Prince Stefan of Iloilo, Renee Lascuna of Davao, Rich Asuncion of Bohol and Stef Prescot of La Union.

Sila ang maglalaban-laban para makapasok sa Final 14. This early, maingay na sina Lizzy, Prince, Jesi at Dave dahil may mga issue at intriga na sa kanila.

Si Prince, pagpasok pa lang ay kontrobersyal na, dahil sa claim na anak siya ng Prince ng Saudi Arabia. He mentioned the name of his father, pero super-haba at mahirap tandaan. Isyu ito, dahil marami ang duda kung totoo ang claim niya.

Napaiyak siya sa presscon habang ini-interrogate tungkol sa ama and honestly, hindi pa rin namin alam kung paniniwalaan siya o hindi.

Si Lizzy naman, ang issue sa kanya’y ang pag-i-endorse ng condom na, aniya, ay last year pa. Ang explanation niya rito, nanalo siya sa isang beauty pageant at part ng premyo ang nasabing endorsement.

Pero wholesome raw talaga ang gusto niyang linyahan, kaya pumasok sa StarStruck.

Si Jesi naman, after Aiza Seguerra, ang pangalawang babae sa showbiz na umaming lesbiana. Si Dave, carbon copy ni Sam Milby ng PBBCE ng ABS-CBN. Kung tutuusin, younger version siya, pero magkahawig na magkahawig pati sa boses.

Sa Dec. 31, magkakaroon ng elimination. Gaganapin ito nang live sa Raja Sulayman Park sa Baywalk. Puwedeng mass elimination ang mangyari, kung saan ay anim ang matatanggal at ang matitira’y automatic na Final 14. Puwede rin namang dalawa o apat ang matsutsugi.

Bukod sa mga boto ng council na sina Lorna Tolentino, Louie Ignacio at Douglas Quijano, puwede ring bumoto ang publiko via text.

To vote, just text StarStruckname of survivor and send to 2344 (Globe and Touch Mobile) and 367 (Smart and Talk ’N Text).LINK is here.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites