<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, November 30, 2006

JayR and JAYRS Music: Christmas Away From Home

Nagpamalas ng versatility si JayR sa kanyang holiday album, ang "Christmas Away From Home" na siya mismo ang nagprodyus sa sarili niyang JAYRS Music, kumanta, nag-areglo at gumawa ng layout. Meron din siyang sariling komposisyon sa loob, ang "Tito Reny" at "Spread the Love". Tinulungan siya ng kapatid niyang si Jhing sa paglikha ng mga ito.

Sa halip na R&B na siya niyang forte, jazz ang tipo ng mga awitin sa album. Ginawa niya ito para pahangain ang kanyang mga tiyuhin na pawang mga musikero. Na-appreciate nila ito, agad nila siyang tinawagan para ipabatid sa kanya. Isa sa mga awitin sa loob ay isang tribute sa isang amain na kamamatay lamang.

Wala namang conflict sa Universal Records ang pagpoprodyus ni JayR ng sarili niyang album, per album ang kontrata niya rito.

Tampok sa album ang version ni JayR ng mga awiting "The Christmas Song", "Winter Wonderland", "This Christmas", (featuring Kris Lawrence), "Santa Baby" (featuring Amber), "Little Drummer Boy", at "This Christmas".

May mga instrumental pieces din sa loob ("The Christmas Song", "Winter Wonderland" at "This Christmas").

Continue Reading...

Wednesday, November 29, 2006

Mark Herras at Jennylyn Mercado's secret video

NAKU, nakaloloka naman ang kumakalat na tsika na sina Mark Herras at Jennylyn Mercado raw ang sinasabing mayroong secret vi-deo.

Nagsimula ito sa isang blind item na agad namang nahulaan ng marami dahil halos give-away na ang clues.

Diumano ay nagkatuwaan ang dating mag-sweethearts na mag-video sila ng isang ‘private moment’ nila via their cellphone.

Sinasabi ng kumakalat na tsika na si Mark daw ang kumuha ng video kay Jennylyn in her birthday suite. Sinubukan naming kunin sana ang komento nina Mark, pero dinedma nito ang text message namin sa kanya. Nagtanung-tanong din kami sa mga ilang naka-identify kung nabalitaan na nila ito at positibo ang reak-syon na may tsismis ngang kumakalat tungkol dito.

Naku, malapit pa naman ang birthday ni Mark, parang ang pangit namang birthday gift sa kanya ang mga ganitong tsismis.

At dahil magkasama sila sa Super Noypi ng Regal Films, tiyak na mali-linawan natin ang mga tsikang ganito dahil hindi si-yempre papayag sina Mo-ther Lily Monteverde at Direk Manny Valera na may ganito ka-negang tsika sa mga bida ng pelikula nila.

Malapit na ang Yuletide filmfest kaya marahil, mas darami pa ang mga mang-iintriga! Ha-ha-ha! LINK

Continue Reading...

Lovi Poe wins SOP Music Awards 2006

Tuwang-tuwa si Lovi Poe nang makausap namin sa SOP Music Awards 2006. First time niyang makakuha ng award bilang Breaktrhough Artist (solo) sa SOP Music Award.

Maganda ngayon ang takbo ng career ng dalaga dahil nabigyan ito ng malaking break bilang Kristal sa Bakekang.

Inamin nito na magkaibigan lang sila ni Marky Cielo at pinakamalapit sa kanya ngayon si Cogie Domingo. Malaki ang tsansa na sagutin niya ito.

Tunay na luha ang umaagos sa pisngi nito kapag may madramang eksena sa Bakekang. "Inaalala ko lang po si Daddy ay naiiyak na ako," dagdag pa ni Lovi. LINK

Continue Reading...

Angel Locsin sa bago niyang bahay

May nabiling bahay sa Don Antonio Heights si Angel Locsin. Renovated ito’t 2 storey at mayroong limang kuwarto. Isasama niya ang kanyang pamilya sa napakagandang bahay kaya naman tuwang-tuwa lalo na ang kanyang mahal na ama na si Mang Angelo. Fully-furnished ang bahay at nag-downpayment na si Angel. Kapag lumipat sila sa February ay babayaran niya ito ng buo.

"Mas masaya ang bahay kung marami kayo. Yung condo ko sa Pioneer ay baka parentahan ko na lang. Inspired ako sa trabaho dahil nakikita ko ang lahat ng bunga ng pinagpaguran ko," anang aktres.

Tinatapos ni Angel ang Mano Po 5 at Asian Treasures. LINK

Continue Reading...

Tuesday, November 28, 2006

3rd SOP Music Awards

EXCEPT for some surprises, close to prediction ang mga nanalo sa 3rd SOP Music Awards.

Ang Pupil ng former Eraserheads lead vocal na si Ely Buendia ang nanalong Breakthrough Recording Artist of the Year Group division at si Lovi naman ang nanalo for the Solo Division.

Si BJ Forbes ang nagwagi sa Maximum Dance Blast category for his Cappuccino winning over his three competitors, lahat babae.

Ang Alipin ng Shamrock ang nagwagi sa Favorite GMA TV Series Theme Song, the song being used sa Korean soap na Jewel In The Palace at ang Huling El Bimbo ni Rico Puno ang nanalo sa Revive 06 category.

All five winners, mga expected winners lalo na si Lovi who won over Jinky Vidal, Amber and Ritchie Paul Gutierrez. With the popularity of Jewel In The Palace na nananalo pa rin hanggang ngayon sa ratings kahit replay, expected din itong manalo at ngayon pa nga lang, ini-expect na rin na ang Shamrock muli ang mananalo sa said category next year when their Nandito Lang Ako na theme song ng Captain Barbell gets qualified.

It is actually the 6Cyclemind, big winner ng both Artist of The Year and Song of the Year ang surpise although deserving pa rin naman ha.

Tinalo lang kasi nila ang Kamikaze and one of the biggest songs of the year, ang Narda. LINk

Continue Reading...

Cristine Reyes update

TOTOO palang may alok ang Dos kay Cristine Reyes para lumipat sa kanilang network. Pinag-iisipan niya itong mabuti dahil may dumarating namang magagandang offer sa kanya ang GMA. Next year pa matatapos ang contract niya rito.

May offer ang GMA 7 sa kanya para gumanap ng isang pivotal role sa Asian Treasures. Ma-kakasama niya sina Ro-bin Padilla at Angel Locsin.

“May inaalok na role sa akin sa Asian Treasure. Pinag-iisapan ko pa kung tanggapin ko ang role.”

Samantala, kasama si Cristine sa cast ng Pitong Dalaga na istorya ng pitong dalagita na sabay-sabay na nag-suicide.

Continue Reading...

14 finalist ng Philippines’ Next Top Model

Kagabi umalis ng bansa si Ruffa Gutierrez-Bektas pabalik ng Istanbul, Turkey.

Bago umalis, nag-guest co-host muna sa S-Files si Ruffa.

Inusisa namin si Ruffa kung okey na ba sina Gretchen Barretto at Dawn Zulueta, na nagkaroon ng gap dahil sa shooting ng Pantene hair products.

"They’re not okey yet, pero ayokong makialam sa isyung ‘yan. Basta, friends ko sila. I’m close to Dawn, pero I’m closer to Gretchen.

"Si Gretchen kasi, palagi kong nakakasama dahil ninang siya ni Lorin (ang panganay na anak ni Ruffa).

"I hope maayos din kung anumang problema nila.

"Kung may hindi man sila pinagkakasunduan, I’m proud to say na magkakasundo kaming apat (kasama si Angel Aquino) sa paggamit ng Pantene hair products.

"Diyan sa bagay na ‘yan, walang problema sa aming apat!" madiing pahayag ni Ruffa, na panay ang promote sa bagong commercial nila nina Gretchen, Dawn at Angel.

Babalik ng ‘Pinas si Ruffa ngayong Disyembre para sa announcement ng 14 official finalist ng Philippines’ Next Top Model na ipalalabas sa RPN 9 sa susunod na taon. LINK

Continue Reading...

Monday, November 27, 2006

Sunshine Dizon's car

Iniiwasan ni Sunshine Dizon na pag-usapan ang tungkol sa kotse niya na nasunog nu’ng Huwebes ng gabi.

Wala raw dapat pag-usapan pa dahil wala na siyang magagawa at sunog na sunog na ang kanyang road trek na ibabalik na sana ng kanyang mekaniko pagkatapos ipaayos ang aircon nito.

Kuwento ni Mommy Dorothy, papuntang Antipolo siya nang dumaan ng Boni Serrano at na-trap ito sa trapik.

Nakita raw nilang may nasusunog na kotse sa kalyeng iyun na naging sanhi ng pagsisikip ng mga sasakyan.

Habang papalapit daw ito sa nasusunog na sasakyan, sinabihan pa raw niya ang kanyang driver na parang kamukha ‘yun ng kotse nila.

Nakita ng driver niya ang mekaniko nila at doon nila nalamang ang kotse na pala nila ang nasusunog.

Maaring na-short circuit daw iyun kaya nasunog ito. Wala na lang nagawa si Mommy Dorothy na nangangatog na raw ang kanyang tuhod at pinapawisan na raw nang malapot.

"Dalawang taon akong naghanap ng magandang camper na gagamitin ni Sunshine para sa shooting at taping. Nang makita ko ‘yan, gustung-gusto ko na dahil parang hindi pa gamit na gamit na road trek, kaya binili ko na agad para sa kanya. Pagkatapos masusunog lang pala," panghihinayang ni Mommy Dorothy.

Ipinaayos lang daw nila sa mekaniko ang aircon ng kotseng iyun at ibabalik na raw sana sa kanila, at tsaka nangyari ang aksidenteng iyun.

Ayaw na lang daw magsalita ni Sunshine tungkol diyan dahil lalo lang sumasama ang loob niya sa nangyari sa kanyang kotse.LINK

Continue Reading...

Richard Gutierrez lightens up

How times have changed! When Regal Films shot its Metro Manila Filmfest entry Mano Po 2 years back, Richard Gutierrez’s was a so-so role – that of Lorna Tolentino’s son. The role was so forgettable people hardly noticed the then nondescript future Captain Barbell.

But now, three years later, the tables have turned. Mother Lily is producing Mano Po 5: Gua Ay Di for the Metro Filmfest. And this time, Richard is no longer a mere bit player. He plays a major role as a simple, middle-class veterinarian who doesn’t have a single drop of Chinese blood in his veins. But he falls in love with the wealthy Angel Locsin, a pretty Chinoy who responds to his overtures. Then, their you-and-me-against-the-world story begins. The culture clash, the love triangle (with Christian Bautista as the third party) and others make the plot curioser and curioser.

The main come-on for Richard this time is the comedy part. It will be his first time to make moviegoers laugh and he can’t wait to get his feet wet in this genre.

And just what is the lighter side of Richard? He just smiles and gives you that you’ll-soon-find-out-for-yourself look.

No one can really tell until the movie is shown for the coming Christmas season. But one thing’s sure, the comedy will be situational. It will stem from two opposite cultures trying to put one over the other.

The director, Joel Lamangan, may be known for his heavy, heart-tugging movies. But trust him to come up with such ribticklers as Ako Legal Wife, So Happy Together and another upcoming Metro Filmfest entry, Zsa Zsa Zaturnnah, Ze Moveeh.

Like the rest of the Mano Po 5 cast, Richard must learn how to speak Fookien. But not to worry: a Chinese consultant on the set will take care of that.

Richard has no need to worry at all about other things in his career. He has been shuttling from one set to another (read: lagare) so often it has become a lifestyle of sorts. No wonder, even if he might have to tape GMA 7’s Captain Barbell and shoot Mano Po 5 at the same time, Richard remains unfazed.

Besides, the possibility of working again with Angel excites him.

Needless to say, he feels comfortable with her.

Richard has many other things to look forward to next year. One of them is a horror movie with Sharon Cuneta to be produced by GMA Films. A Valentine movie with Captain Barbell leading lady Rhian Ramos is another.

Still, Richard would rather not count his chickens before they’re hatched.

Richard need not say it. But by living in the present, he is showing another side of him. This guy would rather keep his feet firmly planted on the ground rather than dream of things that may or may not be. LINK

Continue Reading...

Sunday, November 26, 2006

Rufa Mae Quinto update

Bukod sa bahay niya sa isang exclusive village somewehere in Quezon City, naghahanap pa ng ibang properties na mabibili si Rufa Mae Quinto.

"Para investment din," sabi niya sa amin.

Wala raw katotohanan na kaya siya naghahanap ng iba pang properties ay dahil naghahanda na siya sa balak niyang pakikipag-live-in sa boyfriend niyang si Erik Santos.

"Friend, wala naman ‘yon sa mga plano namin ni Erik sa relasyon namin," sey ni P-chi (palayaw ng sexy comedienne).

Sa ngayon, bukod sa boyfriend, career, pamilya at mga business niya ang priorities ng sexy comedienne.

"Alam naman ni Erik na importante siya sa akin, pero saka na muna ‘yang live-in. Malay natin, baka hindi lang pala live-in ang bagay sa amin ni Erik.

"Baka maisipan din namin na magpakasal.

"Pero sa ngayon, wala pa talaga ‘yan sa mga plano namin," dagdag pa niya.

Samantala, no’ng mag-guest kami sa Hokus Pokus (Ibang Level Na ‘To) ay inamin sa amin ni P-chi na nag-worry siya nang mabalitaan niyang may sakit si Bong Revilla.

"Pero I’m glad at okey na naman daw si Bong. Siyempre, nag-worry ako dahil kaibigan ko naman talaga ‘yung tao. May pinagsamahan kami, kaya ganoon!" sey niya. link

Continue Reading...

Tanya Garcia at Gov. Mark Lapid

Inamin ni Tanya Garcia na kasama sa pelikulang Matakot Ka Sa Karma na wala pa silang relasyon ni Gov. Mark Lapid.

"Wala kaming commitment although exclusively on dating kami. Okay naman siya. Matiyaga siya at di ako pwersado na sagutin siya. Tuwing luluwas siya ng Maynila, dinadalaw niya ako. Pero kapag nagdi-date kami ay may mga kasama naman kami. Sa ngayon, ayaw ko pang magka-bf dahil gusto kong mag-concentrate muna sa pag-aartista," aniya.

May pasalubong sa kanyang singsing si Mark noong manggaling ito ng Hongkong. Isa itong 2-K diamond ring na suot ni Tanya sa presscon ng Matakot Ka Sa Karma. LINK

Continue Reading...

Marky Cielo update

Hindi kami magtataka kung sa kalipunan ng mga kabataang aktor (Starstruck 3) ay mabilis na nakagawa ng pangalan si Marky Cielo. Paborito kasi siya ng mga direktor dahil professional at never na naging sakit ng ulo.

Maaasahan din ito sa pag-arte lalo na sa ipinakikita niyang karakter bilang si Michael sa Bakekang, bilang masugid na manliligaw ni Kristal (Lovi Poe). LINK

Continue Reading...

Vic Sotto at Pops Fernandez: Kay Susan Tayo

Sina Bossing Vic Sotto at Pops Fernandez ang bisita ni Susan Enriquez ngayong 10:30NU sa kanyang programang Kay Susan Tayo na nagdiriwang ng kanyang 3rd anniversary.

May 2-Part Japan Special ang programa pero bago ito, bubusisiin ni Susan ang pagkatao ni Vic.

Malalaman din sa programa ang mga pinagkakaabalahan nina Crystal at Charming tulad ng bilyar kay Crystal at sungka naman kay Charming.

At si Pops, ipakikita ang husay niya sa pagmi-make-up. Nagbabalak pa siyang negosyuhin ito. LINK

Continue Reading...

Saturday, November 25, 2006

Ogie Alcasid denies issue

Muling dinenay ni Ogie Alcasid sa taping ng Bubble Gang ang ’di mamatay-matay na isyu sa kanila ni Regine Velasquez.

Ang mahalaga, anang singer-comedian, ay alam nila ang totoo.

Kaaliw nga pala ang portion ni Ogie sa sitcom noong Friday, ang Huling Hiling, kung saan lumabas siya bilang si Don Anselmo, isang mayamang malapit nang mamatay.

Ang kanyang dying wish ay makita ang dalawang kaibigang sina Tonio (Antonio Aquitania) at Boy 2 Quizon, parehong kurakot at magnanakaw. Gusto raw niyang bago bawian ng buhay ay mapagitnaan ng dalawang magnanakaw, tulad ni Lord.

Continue Reading...

Richard Gutierrez at Angel Locsin in Hihintayin Kita Sa Langit

Super-duper excited na sina Richard Gutierrez at Angel Locsin sa remake ng Hihintayin Kita Sa Langit dahil napakagandang pelikula raw iyon nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Ayon sa leading man ni Chard sa Mano Po 5, "Naku ikamamatay ko tiyak ang shooting n’yan kasi kakarerin ko talaga dahil sobrang ganda ng pelikulang ‘yun.

"E, paano ko pa kaya magagawa yun kung pang Valentine offering yun, e, nagte-taping pa kami ng Asian Treasures? Ang hirap-hirap ng taping namin ni Robin (Padilla) kaya goodluck talaga sa akin," nakangiting sabi ng aktres.

Hindi pa alam nina Richard at Angel ang working title ng pelikula basta ang alam nila ay inspired ito sa Hihintayin..

At base sa pagtatanong namin sa taga-GMA ay The Promise ang final title ng movie at ang kakanta ng theme song ay si Regine Velasquez.

Samantala, excited din si Angel sa movie nilang Mano Po 5 dahil sa love story nila ni Richard naka-focus at parang true-to-life story ito dahil ipinaglaban niya ang lalaking mahal niya sa magulang niyang sina Lorna Tolentino at Tirso Cruz III na ayon din sa aktres na halos ganito rin ang father niya sa umpisa na hindi boto sa mga naging boyfriend niya but later on, nagkakasundo na rin. LINK

Continue Reading...

Friday, November 24, 2006

DINGDONG Dantes and Karylle

DINGDONG Dantes says the rumor that he and Karylle have split up is simply not true. “Kami pa rin,” he says. “Pinaplano na nga namin to see her mom’s filmfest entry, ‘Zsazsa Zaturnnah’ to show our support. Ba’t kaya gusto naman kami paghiwalayin ng ibang tao?”

Dingdong looks leaner now after his hard work on “Atlantika.” “Talagang sobrang pagod ako rito, but it pays off as GMA7 is very happy with the high ratings.

"Anywhere I go now, people call me Aquano, my name in the show. The reception is like when I did ‘Sana Ay Ikaw Na Nga’ and everyone called me Carlos Miguel.”

Since he now sports a hunkier figure, he even gets to appear topless in "Atlantika". This is the first time he consented to remove his shirt. “It’s needed kasi in the scene. I had a fight scene with a monster, Alupina, played by Joanne Quintas, at nasugatan ang chest ko, so I had to show it.”

“Atlantika” gets even more exciting this week as Dingdong and Iza Calzado as Cielo return to Atlantika where it might be discovered that he’s still alive and not dead like what Atlantikans think. Paolo Contis as Piranus also sees Katrina Halili as Helena being transformed and displaying her superpower. This means she could be a princess of Atlantika. Meantime, Desiree del Valle as Azita becomes the mistress of Ariel Rivera as Barracud, neglecting his wife Jean Garcia as Celebes.

Continue Reading...

Katrina Halili, not good in kissing?

Inamin ni Katrina Halili makatapos ang premiere showing ng kanyang launching movie na Gigil na "Hindi ako marunong humalik" bagaman at wala namang nakitang kaasiwaan ang mga nakapanood ng kanyang pelikula, lalo na sa mga halikan nila ni Alfred Vargas. Ang talagang ipinakita ng direktor ay ang kagandahan ng kanyang katawan sa maraming bikini na isinuot nito sa pelikula na hindi naman nag-require ng masyadong acting mula sa kanya. Ni hindi nga siya na-threaten nang isa ring bikini-clad in the film na si Say Alonzo na balitang mamahalin ang mga two-piece swimsuits. Maganda silang tandem sa istorya, isang kikay at isang seryoso, naipakita nila ang contrast ng kanilang characters. Link

Continue Reading...

Jolina Marie Reyes on Bakekang

Ten-year-old GMA Artist Center talent Jolina Marie Reyes is making a mark as a dramatic child star.

She convincingly played the role of young Kristal on GMA 7’s teleserye Bakekang which made televiewers clamor for her extended appearance together with the young Charming (Eunice Lagusad) and young Lorraine (Joyce Ann Folloso) recently.

Clinching the young Kristal role is no easy task for Jolina as queuing with 200 kids aspiring for the role needs a lot of patience. She was luckily chosen in the third batch of aspiring Bakekang stars on the set of the show in Fairview, QC.

"Jolina was chosen in the morning of the audition and by afternoon she started taping for her part," mom Bernadette shares.

Her effective portrayal of the role created such an impact that even if her stint in Bakekang has ended, people who see her off-screen still call her Kristal. Thus, Kristal became Jolina’s screen name.

Her acting stint began when Jolina’s aunt enrolled her at GMA acting workshop. This led to a bit role in the afternoon soap Pinakamamahal topbilled by Oyo Sotto and Marian Rivera.

"It overwhelms me that I’m now acting on TV. Before, I just imitated Danaya (Diana Zubiri of Encantadia) by wrapping a blanket around my shoulder as costume when playing with my sister at home," Jolina says.

Bulacan is home to Jolina where she still plays with her sister and neighborhood friends when not busy with tapings or guestings. She also takes care of her little brother whom she bought diapers and toys for when she got her first paycheck.

"I also bought a pair of Converse shoes that I really love and some clothes to wear for guestings and pictorials," she says.

Her mom says they bought clothes for Jolina as she owns only a few. They also have a hard time getting costumes for her.

Jolina’s dad, Ace York, works as a bellboy at Richmonde Hotel and his income is just enough to support the family’s basic needs. He is happy at how things are going for his daughter. He will support her as long as Jolina is happy but won’t force her to continue when the time comes that her daughter gets tired of acting.

But getting tired is far from her mind now as Jolina enjoys the work, the people and the exposure. It overwhelms her when someone asks for an autograph and she gets instant recognition off-screen.

Although busy with work these days, the Grade IV student of Grace Christian Academy still maintains good grades and is in the Top 10.

"I have tutorials on weekends and catch up on lessons by reading books," Jolina replies when asked about her studies.

After being an actress, Jolina wishes to become a nurse. She wants to help people who cannot afford to see a doctor when minor injuries arise. "Di ba po kaya ng nurse gamutin ang mga sugat para di na sila magbabayad?," she asks, showing her compassion for the less privileged.

Another goal is to buy a car from her talent fee.

"I also want to have a hotel so my dad will not travel far anymore to get to work," she says, showing how much she loves her dad.

For now, she enjoys the glare of the klieg lights and wants to follow in the footsteps of Jolina Magdangal and Angel Locsin.

The little Jolina also plans to take up voice lessons and become another Jonalyn Viray.

Jolina will show once more how she can cry a river in another GMA soap, Princess Charming with Eunice Lagusad.
LINK

Continue Reading...

Thursday, November 23, 2006

Katrina Halili, new “Pantasya ng Bayan”

Walang dudang si Katrina Halili na ang bagong “Pantasya ng Bayan” ngayon. Ito’y pinatunayan niya sa launching movie na Gigil, na showing na sa mga sinehan ngayon.

Would you believe, pati mga bading, sumisigaw at kinikilig sa tuwing umaapir ang kaseksihan ng young actress sa big screen?

’Yung isa nga, biglang naging lalaki at sumigaw pa ng: “I love you, Katrina!”

May mga naaliw sa bakla, meron din namang hindi.

Agaw-eksena si Say Alonzo sa pelikula at ’di nagpatalbog sa kaseksihan ni Katrina.

In fairness sa dalawang lead stars ng Gigil (Katrina at Alfred Vargas), naibigay nila ang hinihingi ng istorya. ’Yun nga lang, karamihan sa mga nakapanood na’y disappointed dahil bitin sa pagpapaseksi ng dalawa.

Sana raw nagsuot na lang ng trunks si Alfred, tutal naman ay sa beach ang karamihan ng eksena nila. link

Continue Reading...

Enteng Kabisote 3: box-office hit again?

WILL “Enteng Kabisote 3” once more reign supreme at the box-office in next month’s Metro Manila Film fest? Or “Zsazsa Zaturnah” from Regal Entertainment, another fantasy entry take over? There are those who are betting on “Super Noypi,” another science fiction/adventure fantasy megged by Quark Henares.

As usual, “Shake, Rattle & Roll 8” is in the line-up. Horror films always have a special place for moviegoers in this season of joy. With episodes on Yaya, 13F and LRT from directors Rahyan Carlos, Topel Lee and Mike Tuviera, the audience is in for a real good scare on Christmas day.

Another horror offering is Canary’s “Matakot ka sa Karma” with Gretchen Barretto making a screen comeback after 12 years of absence. It is about an antique store which offers different surprises for clients. It is written and directed by Jose Javier Reyes.

The Lapid clan, Lito and his two sons Mark and Maynard, star in “Tatlong Baraha” which is also a blend of fantasy and horror plus action.

For something light and romantic, “Kasal, Kasali, Kasalo” with Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo is the movie to watch.

And finally, there is CM Films’ “Ligalig,” a suspense thriller produced, written, directed and starring Cesar Montano. He is supported by Celia Rodriguez, John Regala, Gwen Garci, Katya Santos, Bayani Agbayani, Alvin Anson, Johnny Delgado and Sunshine Cruz.

As you can see, the annual MMFF is an entertainment galore aimed for the entire family especially for the kids. link

Continue Reading...

My Music Station - MMS

Sure ako na sa November 25 ay sangkatutak na fans ang dadayo sa SM Mall of Asia, dahil sa first anniversary ng MMS. Aba, bongga naman kasi ang pakulo nilang MMS Pinoy Music Fest, ha!

Sa mga host pa lang, bongga na dahil magkakasama na sina Raymond Gutierrez, Jay-R, Mark Herras at Alessandra de Rossi, ha!

Eh, sasamahan pa sila ng mga sikat na banda ngayon tulad ng The Dawn, Freestyle, Sandwich, 6Cyclemind, Shamrock, Stone Free, Itchyworms, Callalily, Imago, Rocksteddy, Session Road, at ni Barbie Almalbis.

Hindi pa tapos ‘yan, dahil join din sa kanila sina Ogie Alcasid, Pops Fernandez, at The Company. At may bonus pa, dahil bibirit din sa kantahan at hatawan sina Nina, Sofia, Kim Flores, Jonalyn Viray, Gerald Santos, Brenan Espartinez, Michael Garcia, Harry Santos, Pop Star Kids winners at Marky Cielo.

Dahil papasok na sila sa ikalawang taon nila sa TV, mas magiging Pinoy na Pinoy ang gimik nila. Ngayon nga ay panay Original Pinoy Music (OPM) ang ipu-promote nila. Feel nga nila na mas mamahalin ng mga Pinoy ang ating sariling awitin.

Kaya naman, iibahin na rin ang meaning ng MMS. Kung dati ay My Music Station sila, ngayon ay Music Mo Sikat na sila.

Hindi lang puro kantahan ang magaganap sa Saturday, dahil may art exhibit, games, fireworks display, at booths pa sa paligid, na mula sa iba’t ibang record labels na magbibigay ng animo’y isang Music Fair Environment para sa lahat ng dadalo.

Bawat record label booth ay magbibigay ng discount sa kanilang mga CD at regalo sa mga dadalo. Kasabay din nito ang autograph-signing ng mga iniidolong banda at iba pang performers.

At para todo na ang pabongga, may fashion show rin sila ng mga respetadong designers tulad nina Frederick Peralta, Randy Ortiz, Rajo Laurel, Jojie Lloren at Jun Escario.

Ang MMS PINOY MUSIC FEST ay isang pasasalamat ng MMS sa lahat ng sumusubaybay sa kanila.

Well, free po ito para sa mga gustong manood. So, go na kayo sa Music Hall ng SM Mall of Asia, ‘no! link

Continue Reading...

Wednesday, November 22, 2006

Ruffa Gutierrez lip gloss

NEXT year ay lalabas na ang Ruffa’s Lips, isang brand ng lip gloss na may pouting effect sa mga nagnanais maging ala-Jlo ang labi.

Isa ito sa mga bagong raket ni Ruffa na kanyang ilalagay sa kanyang beauty store na magbibenta ng mga kikay na gamit pambabae.

“Hindi naman ako ma-kikipagkumpetensya sa ini-endorse kong beauty services ng Calayan Medical Center. Hindi rin ako magbibenta ng mga beauty products na mayroon ang Calayan. Puro accessories at mga kikay props and kits lang. Panglandi kumbaga,” ang pahayag ni Ruffa na kamakailan ay nag-renew ng kontrata sa Calayan bilang endorser nito.

Sinasamantala ni Ruffa ang pagkakaroon ng ma-gandang mood lately ng asawang si Ylmas Bektas na ayon pa sa kanya ay ti-la mas nainlab sa kanya ngayon.

“He gave me more freedom now and that he trusts me so much. Ayokong sirain ‘yun. Kaya naman kahit nandito ako, sinusunod ko ang strict compliance ko sa oras na ibinibigay niya sa akin to fulfill my showbiz commitments while I’m here.

“Imagine, mula alas-6 lang ng umaga until seven ng gabi lang ako puwede mag-work, mag-bond sa friends, etc. Sa sistema nga naman nila, more than enough freedom na ‘yun. Talagang tsini-check niya ‘yun everyday,” paliwa-nag pa ni Ruffa.

Pero, smart din si Ruffa dahil ang personal ni-yang ‘yaya’ ang kusa ni-yang iniwan sa Turkey, para bantayan at i-monitor ang asawa.

“And so far, he is behaving so well. Kung ano ang oras ko rito ay siya ring oras niya run,” kuwento pa ni Ruffa. link

Continue Reading...

Rochelle Pangilinan update

Medyo nalungkot kami sa "sana" na sagot ni Rochelle Pangilinan sa tanong namin kung type niya at mga kasama sa Sexbomb na mag-promote ng kanilang "Daisy Siete: V-Day" album sa Eat… Bulaga. Pero, malabo raw itong mangyari sa ngayon.

Sinundan pa ito ni Jopay Paguia sa wish na i-guest sana uli sila ng GMA-7 sa mga show para madagdagan daw ang kanilang kita. Ang Daisy Siete na lang ang regular TV show nila at ‘di na raw sila masyadong nakakasayaw na nami-miss nila ng husto.

Continue Reading...

Nadine Samonte update

Kailan lamang nag-artista si Nadine Samonte pero, nakapagpagawa na pala ito ng isang 7-bedroom house, in a 190 sq. m lot in Sta. Rosa, Laguna.

"Ito po yung iniintriga na ipinagawa raw para sa akin ng boyfriend ko (anak ng may-ari ng Pingping Lechon). Unfair dahil pinagtrabahuhan ko ang ipinagpagawa ko nito," sabi ng magandang aktres na isa sa Pitong Dalagita ng Canary Films na nagtangkang magpakamatay ng sabay -sabay. Siya si KC na dating mayaman at para maipagpatuloy ang kanyang luho ay nagnanakaw. She survived the suicide.

Continue Reading...

Tuesday, November 21, 2006

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo team-up on Dangal

MAGPAPATULOY ang Jennylyn Mercado and Dennis Trillo team-up after Now and Forever “Dangal.”

Last two weeks na lang ang last season ng Now and Forever — ang next dito na Princess Charming will not be under the umbrella of Now and Forever, but we will go into that later — na part ng GMA Drama Rama Sa Hapon but since nag-click ang tambalang Jennylyn and Dennis, isusubok naman sila this time sa primetime. Sila pala ang magbibida sa bagong soap ng GMA-7, ang Ma-gic Twins. Magsisimula na ang taping nito this week, some days following the other Kapuso soap na si-nimulan na rin, ang Asian Treasure nina Robin Padilla, Angel Locsin, Marvin Agustin and Diana Zubiri.

Tila going separate ways na nga sina Jennylyn and Mark after their Super Noypi sa Regal Films ‘no? Si Mark kasi, ipa-pares naman kay Jackie Rice sa Princess Charming bilang main teen stars na pagbibidahan ni Eunice ‘Charming’ Lagunsad together with Carmina Villarroel and Zoren Legaspi.

Kapag nag-click din ang tambalang Mark and Jackie, what will stop GMA-7 na bigyan din sila ng primetime soap just like Jennylyn and Dennis di ba? If it happens, matagagalan nga bago makita ulit ng mga fans nina Jennylyn and Mark na mag-kasama ang idols nila.

For the time being, may Dennis muna si Jennylyn na nagsisimula na nga sa Now and Forever and soon, may Jackie na si Mark. link

Continue Reading...

Iwa Moto on FHM magazine

KUMPIRMADO ang balitang lalabas na sa cover ng FHM magazine ang StarStruck 3 first princess na si Iwa Moto.

Ito ang ibinalita sa atin ng FHM Philippines’ number one sexiest girl na si Katrina Halili sa presscon ng launching movie niyang Gigil under Regal Entertainment na showing na this week sa mga sinehan.

Siyempre pa, nahingan ng komento si Katrina sa pagpayag ni Iwa na mag-pose nang sexy and do the cover para sa sikat na male mag dahil kapwa sila mga Kapuso at both are StarStruck products.

“Ang maipapayo ko lang kay Iwa, maging mabait sa lahat ng tao at maging professional,” pahayag ni Katrina.

Alam kasi ni Katrina na sa paglabas ni Iwa on the cover, eh marami itong maririnig na mga komento — positibo man o negatibo — oras na lumabas na sa market ang cover mag niya by January yata.

“Siguradong marami siyang masamang maririnig, hindi lang puro papuri,” say ni Katrina, kaya sana raw ay ready ang young actress na harapin ang feedbacks na ito constructively.

“Hindi mo kasi mapi-please lahat ng tao, eh,” dagdag pa ng bida ng Gigil na maski hanggang ngayon ay pinanggigigilan ng mga kalalakihan. link

Continue Reading...

Monday, November 20, 2006

Marian Rivera update

Hindi pinababayaan ng GMA-7 si Marian Rivera kaya, kahit wala muna siya sa soap ng TAPE, ‘di pa rin siya nababakante ng trabaho. Kabi-kabila ang guesting nito at sa natitirang three episodes ng Hoooo U? siya na ang mapapanood. Siya ang ipinalit kay Princess Violago na kinailangan daw alisin dahil nag-inarte.

Nagulat lang si Marian dahil nang mag-report siya sa taping, si Mark Herras ang nabungaran na guest pala that time. Curious kaming malaman kung ano ang pinag-usapan ng dalawa. Remember, matagal ding nanligaw si Mark sa dalaga.

Si Marian din ang napili ng Ch. 7 na ipareha kay Alfred Vargas sa mini-series na Muli. Hindi na pumunta sa Malaysia ang dalaga’t, dito kukunan ang kanyang mga eksena sa January next year. Okey lang sa kanya ang role na asawa ni Alfred at mother ni Renz Valerio. link

Continue Reading...

StarStruck Metro Manila

Nagkita-kita na ang mga napiling contestant ng StarStruck mula sa iba’t ibang probinsiya at maging ang galing sa Metro Manila.

Ito bale ang ika-4th batch ng reality search ng GMA Network.

Mahigitan kaya ang tagumpay ng bagong batch ang mga naunang produkto ng StarStruck? At malampasan kaya ng mga mapipiling winner ang kasikatan at talino nina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Katrina Halili, Jackie Rice, Iwa Motto at iba pang kabataan na hataw ang career na galing sa StarStruck.

Sana mas higit pang maging exiciting, maintriga at maging makulay pa ang bagong batch ng StarStruck. Higit sa lahat, maka-discover na naman sana ang GMA ng bagong set ng kabataan na may talino at magiging huwaran ng mga teenagers natin ngayon. link

Continue Reading...

Bakekang update

Malaki na ang ipinagbago ni Bakekang dahil kung inaapi-api siya nun ngayon ay palaban na ito. Nawala na rin ang kaibigan niyang matalik na si Marta (Manilyn Reynes) kung saan ang anak nito na si Michael (Marky Cielo) na may gusto kay Kristal (Lovi) ay minata rin nito.

Tumira na sina Bakekang at Kristal sa isang subdivision. Umibig na rin si Bakekang kay Direk Manfred (Marcus Madrigal) na kabit naman ni Valeria (Sheryl Cruz).

Kaabang-abang na kung matutuloy ba ang pagpaparetoke ni Bakekang para gumanda siya nang dahil sa pag-ibig sa direktor.

Continue Reading...

Saturday, November 18, 2006

Rosanna Roces, back in GMA 7?

Tuluyan na bang nagbabalik sa GMA 7 si Rosanna Roces? Well, ‘yan ang usap-usapan ngayon dahil sunod-sunod ang guestings niya sa GMA 7. After sa Startalk last Saturday, heto at mapapanood naman siya sa Showbiz Stripped ngayong gabi hosted by Ricky Lo.

Aba, ano kayang reaction dito ni Nay Lolit Solis? Nangangamoy reconcilation na ba sa pagitan nilang dalawa?

Well, wait and see na lang tayo. link

Continue Reading...

Richard Gomez for senator?

May plano pala ang opposition kay Richard Gomez na isama sa line up ng tatakbong senador sa darating ng election. Actually, mas nauna nang nag-confirm na tatakbong governador sa Bulacan si Goma, pero kung magkakaroon daw ng serious offer ang opposition, open ang possibility sa actor.

Ang confirmation ay nanggaling mismo kay Goma after the launching ng scents by Richard & Lucy ng Bench na ginanap sa Mall of Asia Music Hall last Thursday night.

Sa part ni Ms. Lucy, all out ang magiging support niya sa anumang magiging decision ng kanyang husband.

Anyway, available na sa lahat ng Bench store ang scents by Richard & Lucy.

By the way kasama pang nag-attend ng nasabing launching ang father ni Ms. Lucy Torres. link

Continue Reading...

Miriam Quiambao in Palaban

Ginawa nang once-a-month ang dating weekly TV program nina Paolo Bediones at Miriam Quiambao na Pinoy Meets World pero hindi dapat malungkot ang mga tagasubaybay ng dating Miss Universe 1st runner-up dahil bukod sa Pinoy Meets World ay linggu-linggo naman siyang napapanood sa bagong public affairs program ng GMA Network, ang Palaban kung saan niya kasama sina Winnie Monsod at si Malou Mangahas, isa sa mga nagtatag ng Philippine Center for Investigative Journalism. Ang programa ay nag-pilot nung nakaraang November 8, Miyerkules pagkatapos ng Saksi nina Arnold Clavio at Vicky Morales.

Simula naman sa November 26 (Linggo) 11NG sa QTV-11 ay mapapanood din si Miriam sa isang weekly drama anthology na pinamagatang Dahil Sa Iyong Paglisan... Pamilyang OFW na tumatalakay sa buhay ng mga OFW (Overseas Filipino Workers). Ang nasabing programa ay magkatulong na pinamamahalaan nina Gina Alajar at TV at theater director/actor na si Soxy Topacio na isa rin sa mga tumatayong producers ng Segments & Clips, Inc. kasama ang kanyang mga business partners na sina Phil Noble at Jojo Sanchez.

Ang unang episode ng Dahil Sa Iyong Paglisan..Pamilyang OFW ay pinamagatang Barakong Maybahay na tinatampukan nina Alfred Vargas, Christian Vasquez, John Feir Bellyflory. Ang pangalawang episode ay pinamagatang Pintor, Japan na kung saan naman tampok na mga bituin sina Ana Capri, Goyong, January ‘Lumeng" Isaac at Renz Valerio. Ang pangatlong episode ay pinamagatang Cook, Beirut kung saan naman featured sina Bing Loyzaga, Nonie Buencamino, Sheena Halili at Gigette Reyes.

Continue Reading...

Friday, November 17, 2006

Camille Prats binasted si Marky Cielo?

Nagulat si Camille Prats sa bagong isyung inahas niya ang bagong manliligaw (o boyfriend?) ng bestfriend na si Angelica Panganiban na si Derek Ramsey.

“Ako at si Derek Ramsey nagkakamabutihan? May boyfriend po ako at walang intension na mang-agaw ng boyfriend ng may boyfriend. Alam kong idinenay na ni Angelica na may relasyon sila ni Derek. Ano ba ’yan? Pinag-aaway na naman ba nila kami ni Angelica?” tanong ni Camille sa taping ng Ganda ng Lola Ko.

Tungkol naman sa tsikang binasted niya si Marky Cielo, hindi na nasorpresa rito ang dalaga at inamin pang totoo ngang binasted niya ang binata dahil mukha raw itong retarded.

“Naku, teka muna, baka seryosohin ninyo ang sinabi ko. Guest namin si Marky sa GNLK at puporma siya sa akin, pero ’di ko siya type dahil mukha siyang retarded. Siya si Bobot, ang lalaking didiskarte sa akin sa sitcom ngayong Biyernes ng gabi sa QTV 11.

“Marky is a good actor, friendly at may ibubuga sa pag-arte. Magaling siya at hindi ako magtataka kung one of these days ay bigyan siya ng parangal,” paglilinaw ni Camille. link

Continue Reading...

Ruffa Gutierrez at Liz Almoro, magkaibigan

DALAWANG taon na palang magkaibigan sina Ruffa Gutierrez at Liz Almoro, estranged wife ng controversial TV host-comedian na si Willie Revillame.

Sa loob ng panahong ’yon, ang assessment ni Ruffa kay Liz ay isang intelihente’t disenteng babae.

Alam daw niyang hurt si Liz sa failed marriage, pero wala raw siyang magagawa kundi makinig lang sa kaibigan dahil usapang mag-asawa na ito.

Gaya ng sabi ng iba, mahirap pumagitna sa ganitong away, dahil bandang huli, baka magkasundo ang dalawang kampo at ang kaibigan ang kadalasang naiiwan sa laban.

Kuwela naman ang kuwento ni Ruffa tungkol sa isang insidente kung saan sinabi diumano ni Liz na naiinggit siya rito dahil sa kanyang “charmed life.”

Balik naman sa kaibigan ng unica hija ni Annabelle Rama, talagang ganu’n lang ang buhay-may-asawa, natural na may ups and downs. Kahit daw sila ni Yilmaz (Bektas) ay nagkakaroon din ng problema paminsan-minsan, pero they try to make their marriage work.

Good boy naman daw si Yilmaz, ani Ruffa, pero sadyang may mga babae talagang natsa-challenge sa mga lalaking taken o married na.

Kaya raw siya, diet pa rin at regular exercise para ’di tumingin ang mister sa iba. Malaki raw ang pasasalamat niya’t endorser siya ng Calayan Surgicenter, particular na ang tenor laser, para ma-maintain ng seksing pigura.

November 3 dumating ng ’Pinas si Ruffa in time for her mom’s birthday at para mag-renew na rin ng 18-month contract with the Calayans. Early next month naman ang alis niya for Turkey, dahil tinapos pa niya ang shampoo TV commercial nila ng Desperadas co-stars na sina Gretchen Barretto at Dawn Zulueta at may screenings na raw na gagawin ang show niyang Philippines’ Next Top Model sa RPN 9.

December din niya balak i-launch ang bagong negosyong itinayo, na tinawag niyang Skin Essentials by Ruffa, na puro kakikayan ang mga produkto. link

Continue Reading...

Thursday, November 16, 2006

Jolina Magdangal won Serviam Award

How nice to come home from a back-breaking concert tour of Europe and find an award waiting for you.

That’s what happened to Jolina Magdangal when she flew back from Europe – she bagged the coveted Serviam Award, a special citation given by the CMMA (Catholic Mass Media Awards) to "individuals in mass media who have given much of their lifetime to endeavors that help alleviate the plight of the less fortunate and the helpless, and inspire others to uphold the Christian values."

"I’m overwhelmed," Jolina told Funfare.

The citation reads:

The Catholic Mass Media Awards Foundation elevates Ms. Jolina Magdangal as a Paragon of a Socially-Conscious Performing Artist for consistently making herself a model of responsible behavior and her active participation in humanitarian projects benefitting the youth, the needy and the hopeless.

Jolina turned 28 last Nov. 6.

"I consider it a lifetime achievement award," said Jolina. "It’s one of the most important awards I’ve ever received, probably the best birthday gift I’ve ever received."

Inspired by the award, Jolina has just launched a project (recently "scooped" by Funfare) that seeks to help cancer patients by donating cut hair to an entity that makes wigs for cancer patients.

"Cutting my hair was difficult decision for me," admitted Jolina who nurtured her locks for 20 years before she agreed to have 14 inches of them cut. "Now that my treasured hair has been cut, I want it to be meaningful by launching this project. I’m encouraging women out there to donate their cut hair. Ten inches are the maximum length. Anyway, short hair is now the fad. It’s more practical and easier to maintain."

Meanwhile, Jolina described the four-city European concert tour as "tiring but fulfilling." Dubbed as Kumustahan 2006 (and produced by Star Events, Inc.), the tour served as an outreach program for OFWs in Europe. The entourage also included Nanette Inventor, Rico J. Puno, Francis Magalona and Bituin Escalante.

First stop was Amsterdam where the concert was held at the Pepsi Stage along Arena Blvd., attended by Romeo Arguelles, Philippine Ambassador to Amsterdam, and other VIPs.

"The place boasts of old buildings and modern and traditional windmills," said Jolina who took a quick sight-seeing in Amsterdam.

Next stop: Vienna. The concert was held at the Matsumae Budo Center at Guthail Schroder Gasse, followed by a cocktail-dinner hosted by Ambassador Linglingan Lacanale. During her free time, Jolina visited the breathtaking hills of Vienna and some of its historic sites, such as old churches (the St. Leopold’s Church among them), and art museums.

Third stop: London where, Jolina noted, "There are many Filipinos who speak with a British accent." The concert was held at the Battersea Events Arena. There was hardly a dry eye in the audience when Jolina sang her parting song, Sana Ngayong Pasko. Jolina’s dad, Jun Magdangal, took shots for a Jolina music video at the Buckingham Palace and the Big Ben in Central London.

Last stop: Milan where the concert was held at the Mazda Palace. It was in Milan where Jolina turned sentimental when her co-artists and the production staff gave her a surprise birthday bash. Prior to the finale, the lights were put off and only cellphones and flashlights were left on. And then the mostly young audience sang Happy Birthday and smothered the Birthday Girl with flowers and cakes on stage.

"I again celebrated my birthday on the Gulf Air flight from Milan to Manila," said Jolina. "The flight stewardesses and crew gave me a blowout, complete with a cake and champagne."

And then, barely shaking off jetlag, came the CMMA special award.

"Could I ask for more?" asked Jolina. link

Continue Reading...

Wednesday, November 15, 2006

Walk of Fame sa Libis

Masayang ibinalita sa amin ni Kuya Germs (Moreno) na magdiriwang ng ika-isang anibersaryo sa darating na Nobyembre 30 (Huwebes) 5NH ang Walk of Fame sa Libis. Bukod sa entertainment numbers na inihanda, magkakaroon ng 28 na karagdagang pangalan sa naunang 44 ng mga kilalang personalidad sa larangan ng cinema.

Ang mga bagong pangalan na madadagdag ay sina Mona Lisa, Paraluman, Chiquito, Judy Ann Santos, Alicia Vergel, Cesar Ramirez, Romeo Vasquez, Aga Muhlach, Jaime dela Rosa, Lito Lapid, Edna Luna, Lorna Tolentino, Maricel Soriano, Cesar Montano, Jinggoy Estrada, Robin Padilla, Vic Vargas, Bong Revilla, Lea Salonga, Eddie Gutierrez, Rudy Fernandez, Zaldy Zshornack, Tessie Quintana, Richard Gomez, Phillip Salvador, Gloria Diaz, Marlene Dauden at Manuel Conde. link

Continue Reading...

Kapuso movie vs Your Song

One point na lang ang lamang ng Kapuso movie sa Your Song nina Diether Ocampo at Kristine Hermosa.

Bukod dito ay iilan lang ang load ng pelikula ng Siete kung ikukumpara sa Love Spell at Your Song na parehong overloaded na at umabot na sa 17 minutes ang ads.

At curious ako kung ano ang ipangtatapat ng GMA sa laban ni Manny Pacquiao at Eric Morales sa Linggo, November 19?

Continue Reading...

Tuesday, November 14, 2006

Gerald Santos, "A Day On The Rainbow"

Parang kabuti mang nagsulputan ang mga singers ngayon, malaki ang paniwala ni Gerald Santos, 2nd champion ng Pinoy Pop Superstar na may bentahe pa rin siya.

Isa sa ibidensya ni Gerald ang kanyang carrier single na "A Day On The Rainbow" na naririnig na sa radio na walang bakas sa boses na 16 yrs old lang ang kumakanta nito.

Pero sa edad ni Gerald, mga tipong classic songs ang hilig nito na ipinamalas niya sa mga awitin ng kanyang album tulad ng "Isa Pang Pagkakataon," at "Puso Ko, Buhay Ko."

Pero tinitiyak ni Gerald na magugustuhan hindi lang ng mga bagets na kasing edad niya ang mga kanta sa kanyang album, kundi maging ng mga oldies dahil sa magandang paghagod nito ng mga tipong pop ballad na effect.

Ang "Gerald Santos: A Day On The Rainbow" ay release ng GMA Records. – LANIE MATE

Continue Reading...

Cinemanila International Film Festival

Sosyal ang ginanap na awards night ng Cinemanila International Film Festival ngayong taon. Sa Malacañang lang naman ang awards night last Saturday night kasabay ng pagbibigay ni PGMA ng Presidential Medal of Merit kina Mr. Federico Aguilar Alcuaz, Oscar de Zalameda, Mauro Malang Santos and Manuel Conde.

Si Presidente GMA ang personal na nag-abot ng mga trophy sa mga nanalo sa Cinemanila ngayong taon na napapanood sa Mall of Asia Centerstage and Greenbelt theater hanggang sa November 15.

Kasama sa mga nanalo ang Kubrador bilang grand prize sa International Film Category in Competition - Lino Brocka Award. Nakaka-walong taon na ang Cinemanila at ngayon lang nagkaroon ng Tagalog film na grand winner.

Maging ang producer ng Kubrador ay nagulat sa resulta, si Atty. Joji Alonso. "Si Gina (Pareño) lang ang ini-expect kong mananalo as best actress," sabi ni Atty. Joji after ng awarding ceremonies sa Malacañang Saturday night.

Anyway, kasama sa mga nanalo sa international category ang mga sumusunod: Special Jury Prize: Everlasting Regret/Stanley Kwan (Hongkong); Lee Young-Ae/Park Chan Wook’s "Sympathy for Lady Vengeance (South Korea); Best Actor: Alexei Chadov in Fyodor Bondarchuk’s 9th Company (Russia/Ukraine/Finland); Ishmael Bernal Award for Young Cinema: Jobin Ballesteros’ Ballad of Mimiong’s Minion Best Short Film: Janus Victoria’s Hopia; Express Best Documentary: Tomer Heymann’s Paper Dolls; Digital Lokal Competition: Best Picture: Manoro/Dante Mendoza; Best Director: Dante Mendoza for Manoro, Grand Jury Prize: Khavn Dela Cruz’ Squatter Punk; Best Actress: Maricel Soriano in Numbalikdiwa; Best Actor: Archie Adamos in Raket ni Nanay. Sayang lang nga at hindi masyadong na-play up ang ibang pelikula sa Cinemanila. May mga entry pala ang malalaki nating artista. Like ‘yung kay Maricel.

Ang best picture na Hopia Express ay starring si Mark Anthony Fernandez. link

Continue Reading...

Manilyn Reynes at Keempee de Leon: Shake, Rattle & Roll 8

Ibinabalik ng Regal ang loveteam nina Manilyn Reynes at Keempee de Leon sa LRT episode ng Shake, Rattle & Roll 8. Former lovers ang role nila rito na tunay nilang estado ngayon. Maganda ang paghihiwalay ng dalawa kaya heto, friends sila at pwedeng magtrabaho.

Pang-limang SR&R na ito ni Manilyn dahil kasama siya sa part 2, 3, 4 & 5. Expect na sobrang katatakutan ang episode na ito sa direksyon ni Mike Tuviera. Ayaw magbigay ng spoiler ng actress kung ano ang mangyayari sa kanya at sa ibang pasahero ng LRT, basta ang tiniyak, sisigaw sa takot ang moviegoers sa episode na ito.

Samantala, on hold ang planong pagma-migrate nina Manilyn at asawang si Aljon Jimenez at ang dalawa nilang anak sa Amerika. Walang rason para umalis sila ngayon dahil maganda ang takbo ng kanyang career. Bukod sa pelikula, kasama siya sa Bakekang at gusto ng tao ang role niyang si Marta na bestfriend ni Bakekang.

Magkaaway pala sila ngayon ni Bakekang dahil ayaw nito sa anak niyang si Michael (Marky Cielo) para kay Kristal (Lovi Poe). Kaya, nang sabihin naming ikumusta kami kay Sunshine Dizon, umoo sa una pero, nang maalalang war sila sa teledrama, binawi’t ‘di raw niya ito kakausapin. link

Continue Reading...

Katrina Halili, FHM magazine’s 2006 No. 1 sexiest

In showbiz, there are "king" and "queen" titles (for whatever they’re worth, if any), among them Denial King/Queen (self-explanatory), Tuhog King/Queen (one who goes to bed with two or more siblings), Bukol King (vested on somebody with the biggest bulge, which could be, uh, "padded"), Casino King/Queen (one who wallows in the casino and emerges from it shirtless, empty pockets turned inside-out), Taray Queen (a woman who can kill with the venom of her tongue), Durogista King/Queen (hooked on prohibited drugs) and Umbag King (a man who turns his girlfriend or wife into a punching bag).

And then there’s the Hipo Queen (one who catches a guy unaware by touching, as in hipo, his private part), said to be – drum roll, please! – Katrina Halili, FHM magazine’s 2006 No. l sexiest and the star of Gigil, the new sizzler from Regal Films. She earned that "title" when she reportedly "touched" Paolo Contis on the set of Atlantika (the GMA 7 fantaserye they’re starring in), prompting Paolo’s girlfriend, Isabel Oli, to pull Katrina’s hair.

Flattered by the "title"?

"Of course, not!" said Katrina in a one-on-one with Funfare. "Why would I do that? When that rumor came out, Paolo and I had not even shot together for Atlantika. Isabel and I are friends."

Katrina is wondering who’s behind what she called "a smear campaign" against her.

"Somewhere out there," she added, "somebody is out to destroy me. What he or she doesn’t know is that instead of being discouraged, it challenges me to improve myself and prove him/her wrong. Doing your best is the best defense, isn’t it?"

Some people accuse her of spreading the rumors to generate publicity and gain public sympathy.

"Huh!?! Why would I do that? If I were to create an issue about me, why be a Hipo Queen?"

She’s also tagged as the Iyak Queen with Eat, Bulaga!’s Sugar Mercado as co-"title"-holder) because she sheds tears even without provocation. Crocodile tears?

"I really cry easily," admitted Katrina. "If somebody comes to me and says, ‘Uy Katrina, ganyan ka raw!’ I would say, ‘Hindo po!’ and if he/she insists, ‘Hindi, ganyan ka raw, eh!’, hayun, maiiyak na ako. Watch NUTS Entertainment (next Wednesday, Nov. 22, on GMA 7) and you will see what I mean. They teased me and I couldn’t stop crying."

More rumors: That she has lesbian tendencies. Victim: Sandara Park.

"I did kiss Sandara but I was just teasing her," explained Katrina. "If you know Sandara, she is super kulit. She’s like a child. So I teased her that she’s my ‘type’ and I kissed her."

Is somebody "out there" envious of her because of her being FHM’s No. 1 sexiest (she’s also the star of the new Tanduay Rhum commercial)?

"Maybe. I believe in karma so whoever is behind all this should watch out."

But Alfred Vargas, leading man of Katrina in Gigil (directed by Jun Lana, where she plays a call center girl dumped by her boyfriend on their wedding day, an incident that made her wild), swore that Katrina is all-woman.

"We have several kissing scenes in the movie," said Alfred who plays a dive master, "and she reacted like a real woman should. In our longest love scene, shot for almost three hours, we got so carried away that we didn’t realize we were undressing little by little."

That’s the farthest Katrina would go – so far.

"I’m not ready to bare all," said Katrina who posed in transparent clothes in the FHM 2006 calendar. "Not even my butt." link

Continue Reading...

Mark Herras, nangangatwiran pa rin

Tapos na ang principal photography ng Super Noypi ng young director na si Quark Henares, the artist son ni Vicki Belo.

Para kay Quark, all’s well that ends well. Kahit may mga angal siya (sa budget) kay Mother Lily, nalimutan na niya. Masaya siyang kausapin tungkol sa problematic days niya noon sa movie set.

Tila hindi malilimutan ni Mark Herras ang mga nangyari sa kanya sa movie set ni Direk Quark. Una, ginupitan siya mismo ni Direk para mapilit siyang magpagupit ayon sa hinihingi ng role.

Pangalawa, dahil minsan ay pinahintay niya ang lahat for hours dahil rumaket pa siya sa probinsya. Dalawang araw yata ang paghihintay sa kanya para isu-shoot ang kanyang mga eksena.

Hanggang ngayon, nangangatuwiran si Mark na hindi siya nagpagupit dahil may continuity scenes pa siya sa soap na ginagawa niya.

Sa tardiness niya, may show raw siya at binilisan na niya ang pagpunta sa set mula sa pinanggalingan iya.

Kung magsasalita si Mark, parang naniniwala siya na tama ang ginagawa niya -- huwag magpagupit, ma-late sa siyuting.

Sana, kung hindi niya kaya, hindi na lang niya tinanggap ito. Aba, may bahay at mga kotse na siya.

Time na siguro to follow rules at huwag maglalagare at the expense of others including the production at ng director. link

Continue Reading...

Lani Misalucha, "Christmas Won’t Be The Same Without You"

It’s back to Flamingo sa Las Vegas, Nevada para kay Lani Misalucha pero itinuloy ng Universal Records ang paglabas ng kanyang Lani Misalucha album this week.

May hinahabol kasi sila -- ang last song ng kanyang 14-track album ay ang kantang Christmas Won’t Be The Same Without You.

Nakakagulat dahil kahit wala pang promo blitz, topnotcher na ito sa mga music charts. Tila ito ang pumalit sa Kami nAPO Muna na koleksyon ng mga APO songs na naging gold record (15,000 units sold) sa first five days pa lang.

Ang mga kanta nina Natalie Cole, Lani Hall, Diana Ross, Maureen McGovern, Stevie Wonder at Michael Jackson na paborito namin ay kasama sa fast-selling CD ni Lani.

Syanga pala, narinig namin na naghahanda ang Universal Records na isa pang APO album early next year. Iyan ang ganda sa APO. Kahit apat na album, pwedeng makagawa out of their popular songs of the past.

Hindi natin masasabi iyan sa grupong Hotdog. Konti lang ang popular at tumagal nilang kanta. link

Continue Reading...

Sunday, November 12, 2006

Lani Misalucha album "Christmas Won’t Be The Same Without You"

Nari-remember pa rin ng mga Pinoy si Lani Misalucha. Katunayan, kahit wala ito rito para mag-promote ng album niya ay nangunguna pa rin ito sa music charts.

Naririnig na ang "Christmas Won’t Be The Same Without You", isang cut sa album na ipinamamahagi ng Universal Records. At kahit na ang 14 na awitin na nakapaloob sa album ay hindi mga original at kinanta na ng iba ("Very Special Love", Maureen McGovern, "I Just Wanna Stop", Gino Vannelli, "I Live For Your Love", Natalie Cole, "Love Me Again", Lani Hall, "Come In From the Rain", Diana Ross, "Someone in the Dark", Michael Jackson, "A Certain Sadness", Astrud Giberto, to name a few), gusto pa rin itong pakinggan ng mga kababayan niya rito na marahil ay nami-miss na siya ng husto o di kaya naman ay feeling victorious sa tagumpay niya sa Las Vegas. link

Continue Reading...

Saturday, November 11, 2006

Mo Twister on Lolit Solis

Aliw si Lolit Solis sa guesting niya sa radio show ni Mo Twister last Wednesday.

Hopefully, ’di galit sa kanya si Maribeth Bichara na kinumpirma niyang lesbo. Si Kris Aquino raw ang biggest drama queen at si Nora Aunor ang pinaka-plastic na artista. Worst actor sa kanya si Onemig Bondoc at worst actress si Via Veloso.

Si Jackie Estevez daw ang female celebrity na dapat umaming nagpa-plastic surgery dahil sa nose job nito.

Sina D.E. at C.A. daw ang talent manager at talent na nagkarelasyon before. Si Angeli Valenciano ang talent manager who uses dirtiest tactic para sumikat ang talents.

Worst TV show ng GMA-7 for her ang Atlantika.

Sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia ang celebrity couple na para sa kanya’y ’di magtatagal ang relasyon dahil in love pa ang dalaga kay Mark Herras. Ayun, kinumpirma ni Lolit ang idinidenay na relasyon ng dalawa.

Bading si Andrew Wolff para kay Lolit dahil madaldal, at pahada naman daw si Alvin Aragon.

Hahaha!

Inamin din nitong two years na siyang ’di nagsusulat ng kanyang columns, pero itinangging nagkaroon sila ng affair ni Nur Misuari noong student days nila sa UP.

Bago mag-guest sa radio show ni Mo Twister, na-interview ito ni Lolit para sa 11th anniversary ng Startalk mamaya.

Si Rosanna Roces naman ang naka-one-on-one ni Butch Francisco. Guests din ang mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago, Polo Ravales, Alfred Vargas, Paolo Paraiso, Cristine Reyes at ang child star na si Eunice Lagusad. link

Continue Reading...

Startalk 11th anniversary

Ipagdiriwang ng Startalk ang ika-11 anibersaryo nito ngayong hapon sa GMA 7.

Ang Startalk na ang longest running showbiz-oriented talk show in Philippine history.

Maraming nakatapat na programa ang Startalk sa 11 taon nito, pero nanatili itong matatag at patuloy na tinatangkilik ng mga manonood.

Sa pamamagitan ng epektibong kumbinasyon ng apat na hosts nito na sina Lolit Solis, Butch Francisco, Joey de Leon at Lorna Tolentino — kasama ang ‘Tigbak Authority’ trio nina Steve Kvetko, Pepita Smith, at Fayatollah — naging viewing habit na ang Startalk tuwing Sabado.

Sa 11th anniversary episode ng Startalk ngayong hapon, mapapanood ang paghaharap nina DJ Mo at Lolit Solis, at ang eksklusibong interbyu ni Butch Francisco sa dating Startalk host na si Rosanna Roces.

Tampok din ang dalawang nasirang relasyon: ang istorya ni Liz Almoro sa paghihiwalay nila ni Willie Revillame, at ang panig ni Paolo Paraiso sa paghihiwalay nila ni Mylene Dizon. link

Continue Reading...

Friday, November 10, 2006

Iwa Moto update

MASAYA ang lovelife ni Iwa Moto. Sobrang in love ang hitad sa boyfriend of five months na si Yexel Sebastian.

So far, smooth naman daw ang takbo ng kanilang relasyon, ayaw nilang paapekto sa mga katsipang intriga tulad ng siya (Iwa) mismo ang naghahanp ng project para sa boyfriend, at ang ipinagagawa niyang bahay ay preparasyon sa nalalapit nilang pagpapakasal.

Tigas ang pagtanggi ni Iwa sa dalawang isyu, at mahabang litanya ang pinakawalan tungkol sa bahay.

“’Yung bahay, pundar ko ’yun for my mom. Gusto ko, may investment sa kita ko. Sobra naman ’yung ako ang magpapagawa ng titirahan namin ni Yexel. Dapat siya, ’di ba?

“Besides, 18 lang ako, siguro kung mag-aasawa ako, after 10 years pa. Career muna ang priority ko. Saka na ’yang marriage,” pagtatapos ng isa sa mga bida ng Pitong Dalagita ng Canary Films.

Ang iba pang kasama ni Iwa sa movie ay sina Angelica Panganiban, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, Valerie Concepcion, Cristine Reyes at Jay-R Trinidad.

Enjoy si Iwa sa kanyang role sa PD as Tisha, the bombshell who’s always the object of fun dahil sa katangahan.

“Parang ako mismo, hahaha!” biro ng hitad.

By the way, may good news si Iwa sa male fans, dahil by next year, desidido na siyang magpa-sexy. Hindi na niya ipagdaramot ang “perfect figure.”

“Siyempre, if you have the body, show it!” aniya. link

Continue Reading...

Hooo U? and Marvin Agustin

Nakarating sa amin na nairita ang staff ng Hooo U? kay Marvin Agustin dahil nagpasabi raw itong mali-late ng dating sa taping dahil dadalo sa debut ni Pauleen Luna.

Ang eksaktong tsika sa amin, "Lahat ng cast, nag-adjust dahil sa kanya, e, after lunch dapat ang call time ng lahat, pero naging alas otso ng gabi dahil nga kay Marvin.

Hindi na namin babanggitin ang name ng taong super na nagreklamo sa ginawang adjustment ng taping dahil tiyak na gulo na naman ito, pero ang say ng taong ito, "Bakit, siya ba ang pinakabida rito sa Hoooo U? Heto na naman siya, pa-importante na naman tulad ng ginagawa niya noon sa Dos."

Kung pamilyar si Marvin sa ugali at kung paano magsalita ang mga katrabaho niya sa Hoooo U ay tiyak na matutumbok na niya kung sino ang nagsalitang ito. link

Continue Reading...

Thursday, November 09, 2006

Katrina Halili at Alfred Vargas kissing scene

Ang passionate kissing scenes nina Katrina Halili at Alfred Vargas ay tumagal ng mahabang oras at kinunan sa iba’t ibang anggulo. Mga tatlo hanggang apat na oras ito inabot at kinunan habang umuulan sa Boracay.

Umaasa si Alfred na hindi ito mapapanood ni LJ Reyes dahil siguradong magseselos ito.

Sa kabilang banda, naospital si Alfred ng apat na araw dahil sa tonsillitis. Sa loob ng panahong ito ay si LJ ang buong pag-aalalang nag-alaga sa kanya.

Hindi natuloy ang pag-alis ni Alfred for Malaysia last November 5 dahil kailangan niyang tumulong sa promosyon ng Gigil na launching movie ni Katrina. link

Continue Reading...

Wednesday, November 08, 2006

GMA Network wins TV household ratings in Mega Manila

Nangunguna pa rin ang GMA Network sa TV household ratings sa Mega Manila, batay sa recent data na inilabas ng official industry provider na AGB Nielsen Media Research Philippines para sa 3rd quarter ng 2006, kung saan 17.6% ang total day rating ng GMA 7 samantalang 13.8% lamang sa ABS-CBN 2.

Ang kabuuang lamang ng Siyete sa Dos para sa 3rd quarter ng 2006 ay 3.8%.

Hindi kasama sa 3rd quarter 2006 figures ang mga petsang Setyembre 28 (walang ratings na inilabas ang AGB Nielsen dahil sa bagyong Milenyo), at Setyembre 29-30 (kung saan itinuring na abnormal ang ratings dahil sa erratic electricity and cable connection sa maraming lugar).

Narito ang Overall Top 30 Programs para sa 3rd quarter ng 2006:

Captain Barbell 37.7%, Majika 35.0%, Bakekang 31.5%, I Luv NY 30.0%, Super Inggo 30.0%;

24 Oras 29.9%, Bituing Walang Nigning 29.9%, Sa Piling Mo 28.9%, Kapamilya Deal Or No Deal 28.5%, Bitoy’s Funniest Videos Yari Ka! 27.1%;

Kapuso Mo Jessica Soho 26.8%, Imbestigador 25.6%, Love Story in Harvard 25.2%, Love of the Condor Heroes 25.0%, Eat Bulaga 24.2%;

My Girl 23.1%, TV Patrol 22.9%, Maalaala Mo Kaya 22.7%, Pinoy Pop Superstar Year 3 22.4%, Rated K 21.9%;

Crazy for You 21.7%, Mel & Joey 21.5%, XXX 21.2%, All Star K! 20.5%, Pinoy Meets World 20.1%;

Ghost Fighter 19.3%, John En Shirley 19.2%, Daisy Siete 19.0%, Quizon Avenue 18.9%, House Husband 18.7%.

Sa 30 programang iyan, 18 ay mula sa GMA 7 at 12 ay mula sa ABS-CBN. link


Continue Reading...

Tuesday, November 07, 2006

Marvin Agustin on Asian Treasures

Ang suwerte ni Marvin Agustin dahil may primetime show na naman siya sa GMA-7 after I Luv NY. Kasama siya sa cast ng Asian Treasures at kahit next year pa ang airing nito, kapalit ng Captain Barbell, this November na ang simula ng taping.

Tamang-tama ang pasok ng AT dahil mawawala ang Hoooo U? na filler ng StarStruck 4 The Next Level. Kung sina Angel Locsin at Robin Padilla ang magiging magka-pareha sa action-adventure, safe kayang sabihing si Diana Zubiri ang magiging love interest ni Marvin?

Nakita pala namin ang poster ng ‘Wag Kang Lilingon and in fairness, maganda ang billing ni Marvin, above the title nga at nasa baba ng pangalan ni Cherry Pie Picache. Kahit wala siyang litrato, okey na rin at sabi naman ni direk Quark Henares, sa kanila ni Anne Curtis naka-focus ang story ng Uyayi. link

Continue Reading...

Angel Locsin on Asian Treasures

Kinarir na talaga ni Angel Locsin ang pagiging expert sa martial arts. Sa training pa lang ng Muay Thai boxing ay nabugbog na ang katawan nito. Nagkaroon din siya ng injury sa balakang pero, tiniis ang sakit dahil talagang gusto niyang matuto para maging magaling sa aksyon na kailangan sa Asian Treasures. Si Robin Padilla na kapareha niya ang matiyagang nagtuturo sa kanyang mga action scenes na ginawa sa ULTRA.

Sa kabilang banda, tinanong namin si Angel kung ano ang reaksyon niya at pinalitan na ni Lorna Tolentino si Dina Bonnevie na gaganap na nanay niya sa Mano Po 5: Gua Ai Di.

"Okey naman Tita dahil after ako sa health ni Tita Dina at gusto kong maging maganda ang kalusugan niya. Masarap namang katrabaho si Ms. Lorna na nakasama ko noon sa Mano Po 2," anang aktres. link

Continue Reading...

Richard Gutierrez, Annabelle Rama

Hindi kami nagtataka kung bakit matagumpay na artista si Richard Gutierrez. Napaka-propesyonal nito at di iniinda kahit magdamagan ang maging syuting niya. Dahil dito ay di siya nakadalo sa birthday party ng kanyang inang si Annabelle Rama noong nakaraang Sabado.

"Wala na rin akong time ngayon sa gimikan dahil kulang na kulang ang oras ko sa dami ng trabaho. Bukod sa Mano Po 5, nagti-taping pa ako ng Captain Barbell, promotional tour ng produktong iniindorso ko, kulang na kulang ako sa tulog," aniya.

Sinabi rin ni Richard na sa kaarawan nila ni Raymond sa Enero 21, 2007, gagawin nilang bongga ang selebrasyon, 23 years old na sila.

"Pero gagawin ko itong January 20 (Sabado) para mas maraming dumalo," sey pa ng guwapong aktor.
link

Continue Reading...

Monday, November 06, 2006

Sunshine Dizon in Star Studio Magazine

Labas na ang November issue ng Star Studio ng ABS-CBN Publishing kung saan, featured si Sunshine Dizon. Pinayagan siya ng GMA-7 na mag-pictorial sa magasin ng karibal na network. Inayos ang schedule nito at nang malibre sa taping ng Bakekang, natuloy ang pictorial.

Hindi pa namin nababasa ang accompanying article ng pictorial dahil sa Internet lang namin ito nakita. Naka-post ito sa forum ni Sunshine na gawa ng avid fan niya. Nabasa namin ang posted message ni Sunshine thanking her fans sa suporta sa teledrama. Matutuwa ito ‘pag nalamang patuloy ito sa pagtaas ng rating at baka ma-extend na naman.

Nakakatawa pala ang tsismis na walang commercial load ang teledrama dahil mahirap daw ibenta. On the contrary, puno ito ng ads and between 11 to 15 ang ads every gap. link

Continue Reading...

Sunday, November 05, 2006

Yayo Aguila at William Martinez: update

ALAM na namin kung bakit sina Yayo Aguila at William Martinez ang kinuha ng Focus E, Inc. para sa Season 13 ng Daisy Siete, ang Moshi Moshi Chikiyaki: Bagay sa mag-asawa ang ginagampanan na biktima ng mga mayamang nagpapahirap sa kanila.

Ang galing ni Yayo habang inaaway si William nu’ng nakawin ang titulo ng lupa nila para isangla dahil may utang sa sugal.

Nakipagsabayan si Rochelle Pangilinan ng acting kay Yayo. Parehong maganda ang timbre ng boses nila, kaya tuwing magbabatuhan ng dialogue ay feel na feel mo ang init ng eksena.

Lumalaban din ng acting si Sunshine Yapchingco. Ditto Louise Bolton, na napupuri ni Joy Cancio because matiyaga sa kanyang pag-aartista.

Binigyan ni Joy ng break si Mike Vergel, younger brother ni Ace Vergel, sa Moshi Moshi Chikiyaki.

Si Joy yata ang fairy godmother ng mga artistang magagaling pero hindi nabibigyan ng break.

Isa si Darius Razon sa mga kinuha ni Joy dati para sa Daisy Siete. Same with Lyn Tamayo, Brando Legaspi at iba pa.

link

Continue Reading...

Jennylyn Mercado on Cherie Gil

GOING places na talaga ang beauty ni Jennylyn Mercado. Wala na siyang pakialam sa mga intriga, na drawing lang naman daw. Instead, ang hinaharap niya ay ang matinding acting.

Sa Now and Forever, walang takot si Jennylyn na nakipagbatuhan ng dialogue, kesehoda pang Cherie Gil ang kaharap. Kahit wala pa siyang awards na gaya ng mga napanalunan ni Cherie, walang pakialam ang young star na hindi nagpasapaw.

“Kapag pala magaling ang kaeksena mo, gagaling ka rin,” kuwento ni Jennylyn.

Hindi nagkamali ang GMA 7 sa pagkuha sa kanya para sa matitinding drama nila ngayon.

Nagawa pa nga ni Jennylyn na magluka-lukahan sa teleserye. Pinipilit kasing palitawin ni Desiree del Valle na baliw si Jennylyn, para layuan ito ni Dennis Trillo. Kaso, bistado naman ni Polo Ravales na false alarm ang akusasyon na naluluka si Jennylyn. link

Continue Reading...

Saturday, November 04, 2006

Teri Onor sa Lagot Ka, Isusumbong Kita

Mapapanood na sa Lunes (Nobyembre 6) ng gabi ang pagbabalik ni Teri Onor sa Lagot Ka, Isusumbong Kita ng GMA-7.

Masayang-masaya si Mamita (Pilita Corrales) dahil responsable ang mga anak niya. Kahit busy sa trabaho, nakukuha pa rin nina Tsong (Joey Marquez) na tumulong sa gawaing-bahay.

Laking gulat ni Mamita nang biglang dumating si Romeo galing Japan. Bad trip si Romeo dahil walang sumundo sa kanya sa airport.

Hindi raw alam nina Tsong kung sino sa kanila ang dapat sumundo. Dahil dito, nagtampo si Romeo…

May kumalat na balita sa Kuli-kuli. Dysfunctional family raw ang Pamilya Javier. Kinakawawa raw nila si Romeo. Pineperahan lang daw nila ito.

Aabot ang kaguluhan sa isang public apology!

Kanino galing ang tsismis na ito?! link

Continue Reading...

Philippine TV Ratings: GMA 7 at ABS-CBN 2

Narito ang overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 noong MARTES (Oktubre 31):

Gokusen 11.5% vs. Wansapanataym 13.7%;

SiS 12.7% vs. Homeboy 11.8%;

Yellow Handkerchief 17.8% vs. Game Ka Na Ba 19.6%;

Eat Bulaga 23.8% vs. Wowowee 23%;

Daisy Siete 19.4%, Pinakamamahal 12.6% at Now and Forever 11.3% vs. Kapamilya Cinema 18.2%;

Into the Sun 10.3% at Jewel in the Palace 15.2% vs. Pangako sa ‘Yo 14.1%;

24 Oras 26.2% vs. TV Patrol World 26.3%;

Captain Barbell 31.2% vs. Deal or NO Deal 26.8%;

Atlantika 31% vs. Super Inggo 27.8% at Maging Sino Ka Man 26.4%;

Bakekang 32.7% vs. Pinoy Dream Academy 18.6%;

A Rosy Life 22.7% vs. Crazy For You 15.7%;

Bahay Mo Ba ‘To 15.5% vs. Bandila 9.9%.

MIYERKULES (Nobyembre 1):

Gokusen 12% vs. Wansapantaym 15.3%;

SiS 9.7% vs. Homeboy 17.2%;

Yellow Handkerchief 14% vs. Game Ka Na Ba 20.8%;

Eat Bulaga 22.8% vs. Wowowee 20.4%;

Daisy Siete 16.2%, Pinakamamahal 11.6% at Now and Forever 10.1% vs. Kapamilya Cinema 14.2%;

Into the Sun 9.3% at Jewel in the Palace 17.2% vs. Pangako sa ‘Yo 14.2%;

24 Oras 27.5% vs. TV Patrol World 24%;

Captain Barbell 29.8% vs. Deal or No Deal 24.9%;

Atlantika 28.8% vs. Super Inggo 25.6% at Maging Sino Ka Man 23.7%;

Bakekang 31.6% vs. Pinoy Dream Academy 19.9%;

A Rosy Life 24.4% vs. Crazy For You 15.2%;

Nuts Entertainment 15.6% vs. Bandila 10.6%.
link

Continue Reading...

Ara Mina at Polo Ravales: update

Magkasamang nagbakasyon nitong nakaraang Undas sina Ara Mina at Polo Ravales sa Tagaytay kaya malabo ang isyung nagkahiwalay na sila.

Dapat ay sa Thailand silang dalawa pero dahil sa dami ng schedule, dito na lang muna sila.

Nagi-guilty si Ara dahil sa dami ng mga out of the country shows niya, bihira na lang sila nagkikita ni Polo at hindi niya masisisi ang aktor kung mawalan na ito ng gana sa kanya.

Pero ang sabi ni Polo, lalo niyang minahal si Ara kapag matagal silang ‘di nagkikita kaya bonding sila nitong nakaraang bakasyon sa Tagaytay.

Bukas ay guest si Ara sa Startalk at sasagutin na niya ang tunay na kalagayan nila ni Polo at kung ano ang nangyari sa kanilang bakasyon.

Bago sila umalis ay nag-usap pa sina Ara at Manay Lolit. Pinagbilinan ni Manay Lolit si Ara na huwag na huwag niya munang isuko ang kanyang virginity kay Polo. Napahalakhak nang malakas si Ara.

Sasagutin na rin ni Ara kung papasukin na rin ba niya ang pulitika. Kinakausap na pala siya ng kanyang Daddy dahil sa marami ng pulitiko ang nanliligaw sa kanya na sumali sa kanilang partido. link

Continue Reading...

Enteng Kabisote: Vic Sotto at Kristine Hermosa

Masuwerte si Kristine Hermosa dahil sa ikatlong pagkakataon ay muli siyang kapareha ng box office king na si Vic Sotto sa ikatlong serye ng Enteng Kabisote sa pinamamahala pa rin ni Tony Y. Reyes. Ang nasabing pelikula ay isa sa mga entries ng Metro Manila Film Festival sa taong ito at inaasahang ito na naman ang mangunguna sa takilya tulad nung mga nakaraang version ng Enteng Kabisote.

"Hangga’t may Enteng Kabisote, mananatiling si Kristine ang kapareha ni Vic," ani Direk Tony.

Balik sa G Tongi sa papel na Ina Magenta na kanyang ginampanan sa Part 1 ng Enteng Kabisote.

Ayon kay Direk Tony, maraming mga nakakatuwang eksena ang Enteng Kabisote 3 na wala sa naunang dalawang version bukod pa siyempre na may special participation ang lady-love ni Bossing (Vic) na si Pia Guanio.

Speaking of Pia, wala itong problema pagdating sa mga anak ni Vic lalo na kina Danica at Oyo Boy na pareho niyang kasundo. Tanggap na rin nina Danica at Oyo si Pia para sa kanilang daddy.

Dahil mailap pa rin si Vic sa pagpapakasal matapos siyang mahiwalay sa kanyang ex-wife na si Dina Bonnevie, humantong kaya sa altar ang relasyong Vic at Pia? link

Continue Reading...

Friday, November 03, 2006

Cogie Domingo at Lovi Poe

Nilinaw ni Leo Dominguez sa amin na hindi galit kay Cogie Domingo ang alaga niyang si Lovi Poe.

May isyu kasing nagalit si Lovi kay Cogie nang totohanin ng binata na halikan siya sa lips sa finale ng Love To Love.

"Nagulat lang si Lovi nang ituloy ni Cogie ang paghalik sa lips niya. Ang instruction kasi ng director, smack lang. Pero tahimik lang naman si Lovi. Hindi siya nagsalita ng kahit ano against Cogie.

"Pero I’m sure, next na may kissing scene sila, kunwari sa Bakekang, mag-aalangan na si Lovi," sey pa ni Leo.

Ano ang reaksyon ng nanay ni Lovi na si Rowena Moran (dating commercial model) sa bagay na ‘yon?

"Hindi kasi mahilig sa showbiz ang nanay ni Lovi. Baka nga hindi rin nagbabasa ng mga tsismis ‘yon, kaya I’m sure, hindi niya alam ang bagay na ‘yon," dagdag pa ng manager ni Lovi.

Ngayong Sabado ang simula ng mall tour ni Lovi para sa first album niya na The Best of My Heart at sa SM Clark magki-kick-off ‘yon.

Guest sa mall show ni Lovi sa SM Clark si Cogie. link

Continue Reading...

Ogie Alcasid: Japan Kapuso fans ng GMA-7

Last weekend ay nasa Japan si Ogie Alcasid para sa isang Kapuso show sa bansang ‘yon.

Kahit sobrang hectic ang schedule ni Ogie sa Japan, nagawa pa rin niyang puntahan ang Takeshi’s Castle, isang theme castle sa bansang ‘yon.

Kuwento ng manager ni Ogie, si Leo Dominguez, patakas lang ang pagpunta ni Ogie sa Takeshi’s Castle.

Wala raw ‘yon sa dapat na puntahan nila, pero pinakiusapan ng singer/comedian ang driver ng service van nila na pumunta sila sa lugar na ‘yon.

Okey naman daw ang show ni Ogie para sa Kapuso fans ng GMA-7.

Noong Lunes ay balik-‘Pinas na sila, pero walang pahinga si Ogie dahil sumugod naman siya sa Lipa City, Batangas para sa mall show ni Regine Velasquez para sa soundtrack ng Till I Met You na prinodyus ng IndiMusic na pag-aari nilang dalawa.

"Grabe si Regine. Talagang superstar siya. Monday na Monday, pero punumpuno ang SM Lipa. Hindi mahulugang-karayom ang lugar sa rami ng mga taong nanood," kuwento sa amin ni Leo.

Continue Reading...

Thursday, November 02, 2006

Jennylyn Mercado, Mark Herras and Patrick Garcia

Hindi naman siguro pinagseselos lang ni Jennylyn Mercado ang ex-boyfriend’ ng si Mark Herras dahil sa harap nito’y panay ang pisil sa pisngi at hinihipo ang muscles ni John Prats habang break-time sa pictorial ng SuperNoypi. Nagbiro na nga si John na tsinatsansingan siya ni Jennylyn pero, ayaw pa ring tumigil ang dalaga’t nakyu-kyutan daw siya sa actor.

Pangiti-ngiti lang si Mark habang nakatingin sa dalawa. Wala nga naman siyang karapatang magselos at alam na taken na si John. Nasa pictorial nga ang non-showbiz girlfriend nitong si Miakka Lim na kilala raw ng mga kasama’t dumadalaw din sa shooting nila.

Dedma rin si Mark sa narinig na sinabi ni Jennylyn na between them, ang dalaga ang unang naka-move on after their break-up. Pansin lang namin, hindi sinagot ni Jen kung may kapalit na ang ex sa puso niya at kung si Patrick Garcia ‘yun.

Sina Jen at Mark pa rin ang magka-loveteam sa SN pero, ang ikinatutuwa ng dalawa’y hindi focus sa loveteam ang istorya ng pelikula. Hindi rin daw kailangan ang kilig scenes kaya, 3 percent lang nito ang meron. Ang focus ng movie ay kung paano nila isi-save ang mundo sa masasamang tao gamit ang kani-kanyang powers.

Continue Reading...

Wednesday, November 01, 2006

Alfred varga wants to become a Versatile Actor

Naitanong namin kay Alfred Vargas sa pelikulang Gigil kung di ba siya nailang sa kissing scene niya kay Rustom Padilla sa Zsa Zsa Zaturnnah.

"Trabaho lang yun at ginagampanan ko lang ang role kong mabuti. Gusto kong maging versatile actor. Natutuwa nga ako dahil iba’t ibang papel ang ginagampanan ko sa pelikula at TV," aniya.

Hindi nga niya sukat akalain na makapasok sa magulong daigdig ng showbiz gayong isa siyang Ateneo graduate.

"Nakaka-enjoy naman sa showbiz dahil makulay ito at exciting kaya di naman ako nagsisisi na pinasok ang larangang ito," sey pa nito. link

Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites