<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, January 17, 2007

Anjo, iiwan ang ‘Eat Bulaga’ ’pag inasinta ang pagka-mayor

IT’S definite, tuloy na ang pagtakbo ni Anjo Yllana bilang vice mayor ng Parañaque City, sa ilalim ng tiket ni incumbent Mayor Jun Bernabe.

Kinumpirma ito ng re-electionist TV host-comedian, nang matiyempuhan namin sa taping ng Ganda ng Lola Ko sa QTV 11, nu’ng isang araw.

A day before, napanood namin sa isang talk show ang deklarasyon ni Alma Moreno, na ang tatakbuhin niya sa darating na May poll ay bilang konsehal na ng isang distrito sa Parañaque, taliwas sa unang napabalitang makatutunggali niya bilang bise alkalde si Anjo.

Naitanong namin sa huli kung ano’ng reaksiyon niya rito. Alam kasi namin na bagama’t marami nang nagawa at napatunayan si Anjo sa unang term niya bilang vice mayor ng lungsod, hindi maiiwasan ang magkaroon ng konting problema, lalo na’t magkalabang partido sila.

Kasabay ng pasasalamat kay Ness, nabanggit din ni Anjo na kapag parehong pinalad sa eleksiyon, siya, bilang second-termer vice mayor, at si Ness, bilang konsehala, kahit magkaiba ng partido, aalalayan niya si Ness sa abot ng makakaya sa mga panukala nitong proyekto.

Nabanggit din namin kay Vice Anjo ang lumabas na balita sa diyaryo kamakailan tungkol sa agam-agam ng ilang taga-Parañaque na baka ilaglag daw siya ni Bernabe sa vice mayoralty bid, since makakalaban niya ang isang “bata” ni mayor, bilang independent candidate naman.

“Hindi naman siguro,” nangingiting tugon ni Anjo. “Nu’ng makausap ko si mayor tungkol du’n, nangako siyang walang mangyayaring laglagan, hindi naman siguro sisirain ni mayor ang pangako niya sa akin.”

Binanggit din ni Anjo kung bakit sa kabila ng maraming naghihikayat sa kanyang takbuhin na ang mas mataas na posisyon, as in, pagka-mayor na ang asintahin, minabuti niyang maging bise alkalde muli.

“Sampung beses ko nang pinag-isipan ’yan,” aniya. “Eh, ang nangyari, wala pa akong makitang sign. Ganito na lang muna (vice mayor), tutal bata pa naman ako. Isa pa, ’pag nag-mayor ako, dahil mas malaki nang responsibilidad, tiyak magri-resign na ako sa Eat Bulaga.

“Sa ngayon, ang sinasabi ng puso ko ay ang manatiling vice mayor muna, sa pamamagitan, siyempre, ng suporta ng mga taga-Parañaque.” LINK

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites