<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, January 28, 2007

Dennis Trillo at Mother Lily Monteverde, mend wounds

Nagkaayos na sina Dennis Trillo at Mother Lily Monteverde noong Miyerkules nang gabi sa Imperial Palace Suites penthouse (Morato Ave., QC).

Tahimik na nagpapamasahe si Mother Lily sa may poolside nang biglang dumating si Dennis (pasado 12:00 AM) dala ang isang pumpon ng bulaklak para sorpresahin ang Regal producer.

Hindi agad nakabangon si Mother dahil pataob siyang minamasahe at laking gulat niya nang pagbaling ng mukha niya ay nasa likod na niya si Dennis at inaabutan siya ng bulaklak.

Touched na touched si Mother at mangiyak-ngiyak siya sa sobrang kagalakan. Niyakap niya agad at hinalikan si Dennis, na kasunod ang manager nitong si Popoy Caritativo na niyakap at hinalikan din ni Mother.

Matatandaang sumama ang loob ng kampo ni Dennis kay Mother Lily nang mapunta kay Richard Gutierrez ang role sa Mano Po 5: Gua Ai Di na originally ay para kay Dennis.

Naging very vocal ang manager ni Dennis na nasaktan ito sa nangyari at nagtampo ito sa Regal produ pero si Dennis ay nanatiling tahimik tungkol sa isyu.

Huling nakausap nina Popoy at Dennis si Mother noon pang Oktubre 2006, pagkatapos ng huling presscon ng pelikulang TXT (nina Dennis, Angel Locsin at Oyo Sotto) doon din sa Imperial Palace.

Noon pa maraming nagtatangkang pagbatiin sina Mother at Popoy pero walang nakakumbinsi kay Popoy, na tila naghihintay lang pala ng tamang pagkakataon.

Ayon kay Popoy, walang pumilit sa kanila ni Dennis na magpunta roon para makipag-peace kay Mother, kusa nilang itong ginawa dahil gusto na nilang maayos ang lahat.

"New Year, kaya new start!" nakangiting sey ni Popoy, na aminadong na-miss ang kaibigang producer.

Sambit naman ni Mother, pareho niyang na-miss nang husto sina Dennis at Popoy at humingi na umano siya ng tawad kung anuman ang nagawa niyang pagkakamali sa dalawa.

"Heaven ang feeling ko! I’m so happy!" teary-eyed na bulalas ni Mother na animo’y nabunutan ng tinik sa dibdib.

Ani Popoy, isa ang close friend niyang si Kris Aquino sa mga nagpayo sa kanyang makipag-ayos na siya kay Mother.

Malaki rin ang naging papel ni Tita Malou Fagar na palaging hingahan ng sama ng loob at tagapayo ni Popoy.

Bago naganap ang nasabing pagbabati ay nakipagmiting na si Popoy sa anak ni Mother Lily na si Roselle Monteverde-Teo para pag-usapan ang susunod na movie project ni Dennis sa Regal. LINK to post.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites