<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, January 04, 2007

Dumarami ang nai-involve sa hiwalayang Angel/ Oyo

Dahil ‘di guilty, diretsong sinagot ni Bing Loyzaga ang isyu sa kanila ni Oyo Sotto. Paulit-ulit na "No, no, no, no!" ang sagot nito kung totoong involved siya sa break-up ng actor at ni Angel Locsin. Pareho raw niyang kaibigan ang dalawa at nakiusap pa sa press na bigyan ng time and space ang ex-lovers para makapag-isip at respetuhin ang kanilang desisyon.

Nagbiro si Bing na ang ganda-ganda at sexy naman niya kung inihahambing siya kay Angel at ituring na third party sa break-up ng dalawa. Unfair naman daw kay Oyo na ma-link sa kanya dahil 36 years old na siya at nasa early 20s ang actor.

Ang ganda ng message ni Bing kina Angel at Oyo. Sabi nito: "As long as the friendship is still there, whatever makes them happy. For now, bigyan natin sila ng space and respect that they deserve."

Hindi rin naniniwala si Vic Sotto sa isyung Bing-Oyo at nalaman naming close ang una sa mag-ama noon pa. Madalas siyang imbitahan ng mga ito sa bahay nila sa Ayala, Alabang kaya, ‘di nakakagulat kung nakikita ang young actor sa bahay niya na tiyak alam ni Janno Gibbs dahil back-to-back ang kanilang bahay.

Hindi lang sina Bing Loyzaga at Kristine Hermosa ang na-i-involved sa break-up nina Angel Locsin at Oyo Sotto. Ang latest na nasasali sa isyu ay si Alessandra de Rossi na ex-girlfriend ng actor at nanatiling kaibigan up to now.

Ang sabi’y tinawagan ni Oyo si Alex para ikuwentong wala na sila ni Angel, pero naniniwala raw ang actress na magkakabalikan din ang dalawa at oras lang ang kanilang kailangan para bumalik ang relasyon. Link to article.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites