<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, January 31, 2007

Gladys Guevarra vs 4 loveteams ng ABS-CBN!

Isang malaking hamon at napaka-flattering na rin para kay Gladys Guevarra ang Magic Kamison, pinakabagong telenovela ng GMA7 na magsisimulang mapanood sa Linggo, Peb. 4, pagkatapos ng SOP.

Hindi lamang isang napakalaking break ang ipinagkaloob sa kanya ng network, malaking tall order din ang makipagsabayan siya sa apat na mga sikat na loveteams ng ABS CBN na makakatapat ng Magic Kamison, ang Your Song nina Gerald Anderson at Kim Chiu, John Prats at Heart Evangelista, Sarah Geronimo at Carlo Aquino at Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Interesado rin dito ang mga TV viewers dahil balik tambalan sina Sarah at Carlo (Bituing Walang Ningning) at John at Heart, idagdag mo pa ang boxoffice tandem nina Juday at Ryan.

As it is, tila kinakasihan ng swerte si Chuchay, palayaw ni Gladys, sunud-sunod ang mga intriga at kontrobersya ang kinakaharap niya na may kasamang luha na maaring ituring na gimik ng marami para sa MK pero hindi ito sinasadya ni Gladys.

Tulad ng sinasabi niyang nag-resign siya ng Eat Bulaga para magpahinga dahilan sa isang imperfection sa kanyang likod na araw -araw ay kinakailangang mabigyan ng therapy, yun pala ay tatanggap siya ng isang bagong palabas.

Once a week ang taping ng MK kumpara sa anim na araw niya sa Eat Bulaga.

"Mayro’n akong panahon na magpahinga at sumailalim sa therapy kundi baka tuluyan nang bumaluktot ang aking katawan. Pinakamalaking break ito sa aking career kaya di ko na pinalampas pa. Pero, nang tanggapin ko ito ay nakaalis na ako sa EB," paliwanag ni Chuchay.

Kasama ni Chuchay sa MK sina Alfred Vargas, Nadine Samonte, Carmi Martin, Joy Viado, Iwa Moto, Tia Pusit, Mike Gayoso at si Pilita Corrales, bilang boses ni Magic Kamison.

Malaking sugal din kay Chuchay ang MK dahil one season lang ito na posibleng ma-extend kung ito ay mag-rate pero kung hindi… Ang tagumpay nito ay naka-atang sa balikat niya.

SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio
Ang Pilipino STAR Ngayon 01/31/2007

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites