<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, January 23, 2007

Princess Charming starts on Tuesday

Ngayong Tuesday ang presscon ng Princess Charming at sana present si Mylene Dizon dahil marami kaming itatanong sa kanya. Kapapanood lang kasi namin ng digi film na Romeo and Juliet nila ni Andrea del Rosario at nagulat kami sa marami nilang kissing scenes as in, laplapan talaga. Plus may shower scene pa sila at nagsasabunan talaga ng katawan.

Tsitsikahin din namin ang aktres sa set-up nila ni Paolo Paraiso na kahit hiwalay na sila, libre pa rin itong matulog sa bahay niya dahil hinahanap ng anak nilang si Tomas. Gusto ng bagets na kayakap ang mga magulang ‘pag natutulog.

Gusto rin ni Mylene na ‘pag nagkaanak uli siya, si Paolo pa rin ang ama para buo na magkapatid ang mga anak niya. Mahirap lang itong mangyari ngayon dahil as of now, malabo silang magkabalikan ng ama ng kanyang anak.

Sa January 29 na pala ang pilot ng Princess Charming at sa Dramarama sa Hapon ito ilalagay ng GMA-7 at ‘di primetime. Si Argel Joseph ang director ng soap na bida sina Crystal Reyes (former Jolina Marie Reyes) at Charming Lagusad (Eunice Lagusad) dati.

ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles
Ang Pilipino STAR Ngayon 01/23/2007

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites