<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, January 13, 2007

Sex Bomb Mia kinaaasaran dahil sa pagrereyna-reynahan

TOTOO kaya ang sitsit, masikip daw ang daigdig between Sunshine Garcia at Mia Pangyarihan, kapag nasa set ng Moishi, Moishi, Daisy Siete ng Focus E. Inc.? Balitang hindi natataypan ni Sunshine ang pagrereyna-reynahan ni Mia sa bakuran ng Focus E. Inc. magbuhat noong mapuri bilang bagong Kontrabida Queen dito. Nagpakitang-gilas si Mia at hindi akalain na matalbugan pa si Sunshine buhat nung magbakasyon ito.

Maraming nagagalit kay Mia sa sobrang panglalait nito kay Rochelle Pangilinan sa set ng Daisy Siete. At kung makaasta raw si Mia, akala mo siya ang biggest property ng Focus E. Inc. Hindi kaya dahil nai-spoiled siya kay producer Joy Cancio at direk Pat Perez at asst. direk Cathy Garcia? Sari-saring anggulo kasi ang ibinibigay kay Mia sa set.

“Bakit ko naman isosoli ang title kay Sunshine? Hi-niram ko ba ito? Aber nga?” say ni Mia.

Kasalanan daw bang makuha niya ito buhat noong mag-inarte si Sunshine? Well, imposible raw isoli niya ang title dahil hawak na niya.

Sa biglang pasok naman ni Sunshine, hindi akalaing biglang pumatok ang ka-malditahan nito at tila mag-sosoli nga ng title si Mia. Sabi naman ni Mia, hindi pa tpaos ang labanan ng Season 13, may habol pa siyang ipaglaban ang titulong ipinasosoli sa kanya.

Malaking bagay ang pagtatarayan ng dalawa dahil patuloy sa pagtaas ang ra-ting ng Daisy Siete na nasa 22 percent na. Ang laki ng laban nila sa ibang kasaba-yan nawala na sa ere. Kung kaya naman ang writer na si Suzette Doctolero ay patuloy sa pagpapaganda, kumpara sa nakaraan na kinakantyawan sa rating sa kababawang tema. Si Myka Bautista ay patuloy sa pag-arte bilang dramatikong artista sa Sexbomb girl. At si Louise Bolton naman ay tila pang-action. Kontrabida din ang temang ipinakikita ni Aifa Medina.

Umaasang magkakabati din sina Sunshine at Mia at hindi hahantong sa pag-iiwasan ang kanilang pagganap dahil sa totoo lang umaarte lang naman sila at sinusunod ang director ng Daisy Siete. LINK

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites