<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, February 03, 2007

Angel Locsin, sponsor sa wedding nina Danica Sotto at Marc Pingris

Hitsurang naka-move on na si Angel Locsin sa break-up nila ni Oyo Sotto nang dumating sa presscon ng The Promise na ginawa sa Dunkin Donut’s SM Megamall. Maaliwalas ang mukha ng dalaga at parang ang gaan-gaan ng pakiramdam.

Ang kawalan din ng boyfriend ang binanggit nitong rason kung bakit nagawa niya nang makatotohanan ang love scene nila ni Richard. "Wala na kasi akong iniisip," sabi nito.

Sa pelikulang ito may pinakamatinding kissing scene at love scene si Angel at inaming kundi si Richard Gutierrez ang kapareha’y, ‘di niya gagawin. Kaibigan at sobrang komportable na siya sa actor, kaya naging makatotohanan ang kanilang mga eksena.

Si Richard ang sumagot sa tanong ng press kung bakit ‘di natuloy sa relasyon ang kanilang M.U. na na-develop sa Mulawin.

"Bata pa ako noon at medyo lost. Hindi ko alam kung anong direction ang gusto kong puntahan. Blessing din na naudlot ‘yun dahil baka ‘di ganito ka-special ang friendship namin dahil lost pa nga ako noon," pahayag ng actor.

Samantala, dadalo pa rin si Angel sa March 3 wedding nina Danica Sotto at Marc Pingris kahit break na sila ni Oyo. Cord sponsor siya at nahihiyang umatras dahil lang sa hiwalay na sila ng kapatid nito.

Tapos na tapos na ang movie at tuloy ang showing sa Febuary 14. Sa Feb. 12 naman ang press

preview sa SM Megamall.
Ang Pilipino STAR Ngayon 02/03/2007

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites