<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, February 17, 2007

Asian Treasures update

Parehong bakasyon sa taping ng Asian Treasures sina Robin Padilla at Angel Locsin. Kanya-kanya sila ng lakad, pero kailangang nasa Manila na sila sa Linggo, dahil sa Surigao ang location nila ng next taping schedule.

Umalis for Thailand noong February 15 ang actor para ihatid ang mga anak na sina Queenie at Kylie na mag-aaral ng Muay Thai sa Muay Thai Institute. Six months doon ang mga bagets at sasamahan sila ni Eva Cariño, ina ng actor, at dadalawin na lang ng ama.

Si Angel naman ay sumali sa Nivea Water Sporst Event sa Pili, Camarines Sur para makapagpahinga sa sunud-sunod na trabaho.

Humataw ito sa promo ng The Promise at nag-mall tour pa sila ni Richard Gutierrez sa opening ng movie.

After Surigao, sa Thailand na magti-taping sina Angel at Robin. Sa March 11 ang kanilang alis at one month silang mawawala dahil didiretso sa Mongolia. Naikuwento ng actor na minsan, four days straight silang walang tulog mapaganda lang ang mga eksena. ’Pag nakitang nanghihina na ang mga kasama’y sinasabi raw niyang mabuti nang mapuyat kesa magutom.

Ipinagmamalaki nitong ang lahat ng eksena nila’y big scene at siya na lang ang sumusuko at in-expect na bigger action scenes at stunts ang gagawin nila sa Thailand at Mongolia.

Ayaw daw paawat ng GMA-7 at gusto’y sa ilog sila maghabulan. By: Nitz Miralles

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites