<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, February 10, 2007

Cesar Montano, Kapuso na

Mula sa dating pagiging Kapamilya ay magiging Kapuso na si Cesar Montano dahil pumayag na si Cesar na magkaroon ng regular show sa GMA.

Siya ang gaganap sa papel ni Maestro Miguel Apacer na magsisilbing mentor ng bidang si Richard Gutierrez sa bagong action-adventure series ng GMA na Lupin.

Bago ito ay nagkaroon ng cameo appearance si Cesar sa pilot episode ng Asian Treasures nina Robin Padilla at Angel Locsin.

Akala ng iba ay kasama siya sa cast pero guest role lang siya roon. Sa Lupin (na hango sa Japanese anime na Lupin III) kasali si Buboy.

2003 pa ang huling regular show niya sa ABS-CBN -- ang sitcom nila ni Maricel Soriano na Bida Si Mister, Bida Si Misis kaya wala na siyang kontrata sa Dos.

Dahil tinanggap ni Cesar ang nasabing TV project ay malamang hindi na tuloy ang pagsabak niya sa pulitika sa darating na eleksyon.

Nu’ng huli namin siyang makausap ay wala pang kasiguraduhan kung tatakbo siyang senador, governor (ng Bohol) o vice-mayor (ng Maynila).

Bukod kay Cesar at sa tatlong ‘heist girls’ ni Richard na sina Katrina Halili, Rhian Ramos at Ehra Madrigal, kasama rin sa cast ng Lupin sina Janno Gibbs (bilang si Police Inspector Claud na tumutugaygay sa matinik na magnanakaw na si Lupin), Lani Mercado (ina ni Lupin), Ara Mina (sa papel na madre), Polo Ravales, Tirso Cruz III, Ricky Davao, Ramon Christopher, Boy 2 Quizon at Almira Muhlach.

Sa Pebrero 13 ang first taping day nito (last week of March ang airing) mula sa direksyon ni Mike Tuviera.

by Allan Diones

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites