<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, February 18, 2007

Congrats, Richard Gutierrez

Kahit puyat dahil maghapon at magdamag na nag-shoot para sa isang TV commercial noong Huwebes, ang ganda-ganda pa rin ng mood ni Richard Gutierrez kahapon sa pictorial/OBB shoot ng Lupin III.

Pagdating pa lang kasi ni Richard sa venue ng pictorial/OBB shoot ay panay na ang congratulate sa kanya ng lahat dahil sa magandang resulta sa takilya ng pelikula nila ni Angel Locsin na The Promise.

Binati rin siya ng staff ng Lupin III dahil sa magandang akting niya sa The Promise.

"Ang saya ng feeling kapag may mga nagsasabing magaling ako sa The Promise. Siyempre, thankful ako sa mga papuring ‘yon.

"I’m also very thankful dahil maganda ang resulta ng The Promise sa takilya," pahayag ni Richard.

Lalo pang sumaya si Richard dahil sa balitang patuloy na nananalasa sa takilya ang The Promise.

Sabi ng isang GMA Films executive kay Richard, baka lalo pang lumaki ang kita ng pelikula ngayong araw na ito at bukas.

Pinakabonggang pelikula raw ng GMA Films ang The Promise dahil sa first day gross nito na P10.65M (walang padding ‘yan dahil ayaw ni Ms. Annette Gozon-Abrogar na nagpa-padding at baka makarma pa raw ang GMA Films).

Dahil sa tagumpay ng The Promise ay nagbabalak na ang GMA Films ng bagong pelikula na pagtatambalan nina Richard at Angel. by Jun Lalin

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites