<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, February 13, 2007

Four Men ng SOP

Isa pa rin sa inaabangan ng viewers ng S.O.P. ang Four Men na kinabibilangan nina Dennis Trillo, Dingdong Dantes, Gian Magdangal at Jay-R. Good looks plus exceptional talents ang panlaban ng apat, kaya laging kinasasabikan.

Bago lang sa GMA-7 si Gian at natutuwang mabilis siyang tinanggap ng mga dinatnan. Naka-smile daw ang lahat nang ipakilala siya at may kasama pang handshakes. Wala pang pinipirmahang kontrata ang singer, basta masaya siyang mapasama sa show.

Hindi threatened si Jay-R sa pagpasok ni Gian at alam niyang makakatulong ito sa show. Dati na silang magkakilala’t nagkasama sa musicale na Footloose at wala silang competition.

Ibinalita pala ni Jay-R na sa February 21 na ang press night ng Rock Candy Bar nila ng kasosyong si Dee Augerwald at sa Feb. 23 ang grand opening. Nasa Glorietta 2 ang bar na all-white ang pintura hanggang kisame at mala-candy ang motif.

After this, ang recording ng kanyang quadruple album na maglalaman ng 40 songs ang kanyang aasikasuhin. Four CDs ito with RnB, rock, ballad at OPM songs at siya mismo ang producer.

Exclusive talent na Channel 7 si Dennis after pumirma ng three-year exclusive contract at natutuwa ito sa sunud-sunod na magagandang projects na ibinibigay sa kanya. Kabilang dito ang Super Twins na nagsimula na ang airing kahapon.

Kasabay nito, pinaghahandaan din ni Dennis ang launching ng kanyang album under Indi Music sa March 11. May duet sila rito ni Regine Velasquez ng kantang Magtatagpong Muli at sobrang suwerte siyang maka-duet ang Asia’s Songbird. By: Nitz Miralles

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites