<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, February 08, 2007

Jennylyn Mercado, happy kay Patrick Garcia

Hayagan nang inaamin ni Jennylyn Mercado ang relasyon nila ni Patrick Garcia.

"Once and for all, inamin ko na para matapos na ‘yung mga haka-haka ng mga tao," sey ni Jen nang matsika namin siya sa press launch ng bagong drama-adventure ng GMA na Super Twins kamakalawa sa Metro Bar.

Nang itanong namin kung gaano katagal na silang mag-on ni Patrick, isang mabilis na "That’s too much!" ang sagot ni Jen.

"Okey na po ‘yon na inamin ko na, huwag na nating halukayin pa," kaswal na pag-iwas niya.

Masaya ba siya sa piling ni Patrick?

"Oo naman! Kasi, he’s a true gentleman at saka mabait po talaga siya. Sobrang sincere at sobrang caring."

Eh, bakit nu’ng mag-guest sila kamakailan sa Startalk, hindi maamin nang diretso ni Patrick na sila na?

"Nag-guest po kasi kami roon para mag-promote ng Super Twins (magkasama sila ni Patrick sa show). Nabigla po kami dahil hindi namin ine-expect na ‘yun ang itatanong. Pero mas maganda na po ‘yung maging tahimik na lang kami."

Mahal niya ba talaga si Patrick?

"Hindi naman magiging kami kung hindi, ‘di ba?" sagot ng dalaga.

Anong pinakanagustuhan niya kay Patrick?

"Sweet po kasi talaga siya, eh! Pero huwag na po natin siyang pag-usapan. Basta, inamin ko na po na kami na…"

Anong plano nila sa Pebrero 14 na first Valentine nila bilang magsyota?

"May Valentine show po ako with Janno Gibbs sa Zirkoh-Timog. Hindi ko po alam kung may plano siya (Patrick). Baka manood lang po siya ng show.

"Pagod na ako pagkatapos no’n, so hindi ko po alam kung anong mangyayari."

Kumusta na sila ni Mark Herras?

"Okey kami! Okey kami as in okey! Friends po kami. Since naghiwalay kami ni Mark, wala kaming naging problema. Sinusuportahan ko siya kung meron man siyang girlfriend… I’m happy for him. Wala talaga kaming problema!"

Eh, sina Patrick at Mark na mukhang nagkainitan at nagbantaan pa raw sa text? Bati na ba ang dalawa?

"Wala naman ‘yun, eh! Wala silang away…"

So, hindi magsasapakan ang dalawa ‘pag nagkita?

"Hindi po. Hindi ganu’n si Patrick!"

Eh, si Mark?

"Hindi ko alam. Pero si Pat, hindi papatol ‘yon! Good boy ‘yon. At saka walang rason para mag-away silang dalawa, eh! Friends talaga kami ni Mark. Tapos na ‘yun, ‘no! That’s so yesterday! Ha! Ha! Ha!"

Mas happy ba siya ngayon with Patrick kesa nu’ng sila ni Mark?

"Oo naman, oo naman! Pero ayoko nang mag-compare! Kasi, it’s not good. Pero mas happy talaga ako ngayon…"

So, may tuldok na talaga ‘yung kabanata nila ni Mark?

"There’s no such thing as forever! So tomorrow, hindi natin masasabi kung anong pwedeng mangyari, ‘di ba?"

Ibig sabihin, posibleng magkahiwalay sila ni Patrick at ang ending ay sila pa ring dalawa ni Mark?

"Hindi ko po alam…" ang tanging nasabi ni Jennylyn, na gumaganap bilang si Sha-sha na nagiging si Super S sa Super Twins na magsisimula na sa Lunes (Pebrero 12) sa GMA Telebabad kapalit ng Atlantika.

by Allan Diones.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites