<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, February 05, 2007

Lupin III ni Richard Gutierrez

This Monday na ang start ng taping ni Richard Gutierrez ng Lupin III, ang bago niyang show sa GMA-7.

Tinapos lang nito ang shooting ng The Promise at sasabak na naman sa panibagong trabaho.

One week lang muna siya magti-taping at after ng showing sa February 14 ng movie nila ni Angel Locsin, magbabakasyon siya for two weeks.

Hindi pa niya alam kung saan pupunta’t kailangan ’di masyadong malayo’t two weeks lang ang bakasyon niya. ’Di pinagbigyan ang three weeks na kanyang hinihingi.

Apat ang kapareha ni Richard, pero sina Katrina Halili, Rhian Ramos at Ehra Madrigal pa lang ang alam at sorpresa ang isa.

Bibigyan din siya ng Channel 7 ng sariling stylist at narinig namin ang pangalang Jerry Santos. Ito ang mag-aalaga ng mga isusuot, ayos ng buhok at total look ng actor.

Samantala, ayaw magpa-pressure ni Richard na mapantayan ang P110-million gross ng Let the Love Begin. Ang gusto lang nito’y panoorin at magustuhan ng tao ang The Promise.

“Kung malalampasan ang gross ng LTLB, matutuwa kami pati ang GMA Films at Regal dahil talagang pinaghirapan namin ito. Ibang preparation ang ginawa ko at may breakdown pa ako ng sequences ko at five times inaral ang script,” sabi nito.
* * *
Tinapos ni Direk Mike Tuviera ng 16 days ang shooting ng The Promise at nagpapasalamat ito sa cast at staff ng movie dahil ’di siya binigyan ng problema.

Hindi ito ang first project niya sa GMA Films, pero na-shelve ang dapat first movie niya at ito ang ipinalit.

Idol ni Direk Mike si director Carlitos Siguion-Reyna, director ng Hihintayin Kita sa Langit, na kanyang napanood 16 years ago at pinagbasehan ng The Promise, kinausap niya ito.

Nag-promise ang huli na panonoorin ang bagong version ng HKSL.

“I got his support ang blessings. Also, watch out for Angel and Richard for their first complicated and most mature role. This is their best performance. Iba ang mapapanood sa kanila at sulit ang tiket ng moviegoers,” paniniyak ni Direk Mike.

Hindi pala maiwasang pag-usapan ang Lupin III dahil si Direk Mike rin ang director ng live series ng GMA-7.

Excited ito sa project, na pinaghalong action at comedy at based sa French version. Pinaghalong Mission Impossible at Ocean’s Eleven daw ito at mala-James Bond dito si Richard.

First gap pa lang, umaatikabong action na at may binanggit itong chopper scene at maraming stunts si Richard.
By: Nitz Miralles

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites