<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, February 13, 2007

The Promise

Tuwang-tuwa si Richard Gutierrez sa magandang feedback sa The Promise ng mga taong nanood ng VIP premiere ng pelikula sa Podium noong Biyernes.

Very proud nga si Richard dahil sa mga papuring natatanggap tungkol sa pelikula.

"Pinaghirapan naman kasi talaga namin ni Gel (Angel Locsin) ang pelikulang ito. Medyo kabado nga kami noong una dahil first mature movie namin ito, pero ‘yun nga, ang saya-saya namin dahil maganda ang feedback na natatanggap namin.

"Lalo nga kaming nae-excite ni Gel sa showing ng pelikula sa Valentine’s day dahil marami nga ang nagsasabing maganda ang The Promise.

"Actually, before ng VIP premiere ng The Promise last Friday, pareho kaming kabado ni Gel. Pero pagkatapos ng screening ng pelikula at nagko-congratulate na ang lahat ng mga nanood, tuwang-tuwa na kami.

"Pati sina Rhian (Ramos) at TJ (Trinidad), ang galing din nila sa pelikula," pahayag ni Richard.

Noong manood nga kami ng VIP premiere ay tinutukso ng mga tao sa loob ng sinehan ng Podium sina Richard at Angel dahil sa kanilang love scenes at kissing scenes. Bigay na bigay kasi silang dalawa.

"At least okey namang lumabas ang love scenes at kissing scenes namin. Marami naman ang nagsabing maganda ang dating dahil very passionate ang mga ‘yon.

"And I think, nakatulong sa mga eksenang ‘yon ang pagiging close talaga namin sa isa’t isa ni Gel. Siguro kung iba ang ka-love scene at ka-kissing scene ko, hindi ganoon ka-passionate lalabas ang eksena," dagdag pa ng binata.

Mamayang gabi nga pala ay public premiere ng pelikula sa SM Megamall at dahil sold-out na ang tickets sa Cinema 9, magkakaroon din sila ng screening sa Cinema 10.

Si Mike Tuviera nga pala ang direktor ng The Promise. by Jun Lalin

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites