<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, February 14, 2007

Richard hindi suot ang hikaw ni Angel

Naging rebelasyon ang baguhang aktres na si Rhian Ramos sa pang-Valentine offering ng GMA Films at Regal Films, ang The Promise na dinirek ng baguhan pero very promising director na si Michael Tuviera, anak ng TAPE, Inc. (producer ng Eat Bulaga) big boss na si Tony Tuviera na pinagbibidahan ng magka-loveteam na Richard Gutierrez at Angel Locsin.

Natural si Rhian umarte kaya kami man ay nagulat sa kanyang ipinakitang akting sa naturang pelikula na nagkaroon ng matagumpay na press preview sa The Podium nung nakaraang Biyernes ng gabi.

Maganda ang role ni Rhian ganundin si TJ Trinidad pero masyado pang mababaw ang acting ni TJ lalo na sa mga eksenang mabibigat. Kung napunta raw ‘yung role ni TJ kay Dennis Trillo, tiyak daw na lutang ang akting nito.

Second directorial movie pa lamang ni Michael Tuviera ang The Promise (una ang TXT) pero nakakitaan na ito ng promise sa pagdidirek. Si Ryan Eigenmann naman ay effective na kontrabida sa nasabing pelikula. Anak nga siya ng kanyang mga magulang na sina Gina Alajar at Michael de Mesa na hindi na puwedeng pagdudahan ang husay pagdating sa larangan ng pag-arte.

Sa ikatlong pagkakataon ay muling sinugalan ng GMA Films at Regal Films ang tambalan nina Richard at Angel sa pelikula matapos silang i-launch sa Valentine’s presentation ng dalawang kumpanya nung taong 2005 sa pamamagitan ng Let The Love Begin na naging malaking hit sa takilya. Ito’y sinundan ng I Will Always Love You nung nakaraang taon na matagumpay din sa takilya.

Tiyak na magugulat ang mga tagahanga nina Richard at Angel dahil sa pelikulang The Promise ay kakaibang Richard at Angel ang kanilang mapapanood. Ito bale ang kauna-unahang pagkakataon na nagpaka-daring ang dalawa laluna pagdating sa kanilang mga passionate kissing scenes na talaga namang bigay na bigay.

Samantala, kung ipinahiram o ibinigay ni Angel kay Richard ang kanyang diamond earring nung nagsu-shooting sila ng The Promise, hindi na ito binawi ni Angel. Sa halip, sinorpresa siya ni Richard nung Biyernes ng isang pares ng diamond earrings nung Biyernes ng gabi bago ang press preview ng movie nila sa Podium. Hindi na ibinalik ni Richard ang kanyang hiniram na hikaw kay Angel at sa halip ay pinalitan niya ito ng mas magandang hikaw na magsisilbing regalo niya sa kanyang perennial screen partner. Souvenir naman ni Angel kay Richard ang hiniram nitong hikaw na hindi na niya binawi sa binata.

Samantala, hindi suot ni Richard sa isa niyang tenga ang hikaw ni Angel nung birthday ng kanyang daddy na si Eddie Gutierrez nung nakaraang Pebrero 6. Dahil kaya naroon ang kanyang girlfriend na si Georgina Wilson? Nung presscon at press preview naman ng The Promise sa podium ay suot ni Richard ang hikaw ni Angel. Hindi kaya namamangka si Richard sa dalawang ilog?

RATED A Ni Aster Amoyo
Ang Pilipino STAR Ngayon 02/14/2007

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites