<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, March 19, 2007

Dennis Trillo, nagpakatanga sa pag-ibig

Aminado si Dennis Trillo na hindi panghabambuhay ang showbiz kaya bukod sa nabili niyang bahay at kotse ay naisipan niyang mag-invest sa isang negosyo.

Kasosyo niya sa kanyang first business venture na Barrakz (sa Morato Ave., QC) sina Allan K, Alfred Vargas, Katrina Halili, Diana Zubiri at limang iba pa.

Ani Dennis, mala-Pier One ito na pwedeng tambayan ng magbabarkada hanggang 6:00 AM. Nasa finishing stage na ang construction ng Barrakz at nakatakda na itong magbukas pagkatapos ng Semana Santa sa Abril.

Hanggang ngayon ay tila hindi pa rin makapaniwala si Dennis na isa na siyang full-fledged singer at recording artist.

Minsan daw ay kinikilabutan siya dahil hindi niya naisip na isang araw ay magiging singer siya.

Ini-release na ng indiMusic label nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ang self-titled debut CD ni Dennis na kung pagsasama-samahin ay mga tatlong buwan niyang binuno bago natapos.

May isang kanta rito si Dennis na may pamagat na Tanga (kinompows ni Viktoria) at ayon kay Dennis, minsan ay tanga siya pagdating sa pag-ibig.

"Maraming tao ang nakalilimot sa sarili at hindi na iniisip ang ginagawa nila ‘pag umiibig. Ganu’n ang nature ng tao ‘pag nainlab, nagiging tanga.

"Minsan, tanga rin ako pagdating doon. Normal lang naman ‘yun, eh! Kasi, madalas nakalilimot ka talaga at minsan, hindi mo na alam na kagaguhan na ‘yung ginagawa mo o hindi mo naiisip ‘yung kalalabasan ng mga action mo, mapasaya mo lang ‘yung babaeng mahal mo!" sey ni Dennis.

Huli raw siyang naging tanga sa pag-ibig nu’ng high school siya na kahit may ibang boypren na ‘yung girl ay patay na patay pa rin siya dahil sobrang mahal niya. Source

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites