<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, March 15, 2007

Dennis Trillo napikon

Loveless pa rin si Dennis Trillo. Tsika sa amin ng binata sa press launch ng kanyang self-titled debut album under indiMusic kamakalawa nang gabi sa Virgin Café, Tomas Morato, QC, nauubos ang oras niya sa pagbi-videogames at pagtambay mag-isa sa kanyang condo dahil wala siyang girlfriend.

Minsan ay nag-iimbita siya ng mga kaibigan sa kanyang bachelor pad, pero ine-enjoy niya raw ngayon ang buhay-single dahil masarap maging binata.

Ayon kay Dennis, hindi pa sila nagkakausap ng kanyang ex-girlfriend na si Carlene Aguilar kaya hindi niya diretsong ma-deny o makumpirma kung totoong buntis ito.

Kamakailan ay napabalitang buntis umano ang 2005 Binibining Pilipinas-World na si Carlene at si Dennis ang itinuturong ama.

Itinanggi na ito noon ni Dennis sa kanyang mga interbyu pero ang sagot niya sa amin ngayon ay hindi niya raw sigurado.

"Hindi ko alam. Hindi ko sure," ani Dennis.

So, pwedeng buntis nga si Carlene?

"Hindi ko alam… ayoko lang magsalita."

Pero hindi niya dini-discount ‘yung possibility na puwedeng preggy si Carlene?

"Posible siguro... hindi ko alam, eh! Wala talaga akong alam," sagot niya pa.

Hindi ba siya nag-attempt na kausapin si Carlene tungkol dito?

"Hindi, eh! Ayoko kasing... kasi unang-una, nu’ng unang lumabas ‘yan, tinawanan ko lang talaga, eh! Ayoko nang i-confirm o ano kasi, kilala ko naman ‘yung tao and alam ko ‘yung mga pwede niyang gawin at alam ko ‘yung mga hindi niya pwedeng gawin…"

So, posible pa ring buntis si Carlene?

"Hindi ko alam. Ayoko na lang magsalita. Huwag na lang nating pilitin, ‘di ba?" bulalas ni Dennis, na tila naiirita na sa pangungulit namin.

Kung sakaling buntis si Carlene, paninindigan ba niya ito?

"Kung ako ‘yung ama! Pero kung hindi, bakit naman, ‘di ba? Huwag na nating pag-usapan ‘yan, wala namang koneksyon ‘yan sa pagri-release ko ng album, eh!" halatang pikon nang dayalog ni Dennis, pero hindi pa rin namin siya tinantanan.

Hindi man lang ba niya tinawagan si Carlene para alamin kung ano ang totoo tungkol sa buntis issue?

"Hindi ko pa siya nakakausap talaga. Ganu’n lang kasimple ‘yun!" maiksing sagot niya.

Wala ba siyang balak kausapin si Carlene?

"Hindi, kasi… hindi naman kami, eh! Wala naman kaming... hindi naman kami official na ano, ‘di ba? Magkaibigan kami, pero hindi kami!

"Matagal na kaming hindi nag-uusap. Huling usap ko sa kanya, nu’ng February pa, nu’ng Valentine’s Day!" mariing hirit niya.

Kahit sa text lang, hindi niya nagawang tanungin kung totoong buntis si Carlene?

"Hindi, eh! Kasi, mas maganda siguro kung ano...

"Ayoko naman ‘yung ako ang magsasabi. Hindi ko naman alam, eh, ‘di ba? Bakit hindi siya ‘yung interbyuhin n’yo, ‘di ba? Hindi ko talaga alam!" iritadong sagot ni Dennis, na medyo tumataas na ang boses.

So, wala siyang dine-deny o kinu-confirm sa totoong kalagayan ngayon ni Carlene?

"Wala. Kasi, hindi ko alam! Ganu’n lang kasimple ‘yun!" maigting na bulalas ni Dennis, na kitang-kita sa mukha na naiinis na siya sa mga tanong tungkol kay Carlene.
Please visit the link.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites