<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, March 25, 2007

EB Babes, cover ng FHM sa Abril

Natutuwa ang fans ng EB Babes dahil ang nasabing girl dance group ng Eat Bulaga ang cover ng FHM sa Abril.

Mala-Pussycat Dolls ang concept ng pictorial na ginawa sa Embassy at Cuisine bars sa The Fort.

Sexy pero hindi malaswa ang mga kuha sa kanila ng fashion fotog na si Jay Tablante.

Puring-puri ng mga taga-FHM ang mga miyembro ng EB Babes dahil bukod sa mga bagets at fresh ang dating ng sampung girls, halos lahat daw ay maganda at malakas ang sex appeal.

Ipinakita sa amin ang isang spread pictorial nila at base sa nakita namin, ang pinaka-pretty sa sampu ay sina Lian, Mergene, Angel at Mae. Si Joyce ang pinakamakinis.

Nai-cover din noon ng FHM ang Sexbomb nu’ng kasikatan nila, pero apat lang sa Sexbomb girls ang nasa cover at ‘yung iba ay sa inside pages lang may picture.

Sa kaso ng EB Babes, naka-gatefold ang FHM cover kaya apat na girls lang ang nakapronta pero kapag binuksan ito ay silang sampu ang covergirls ng nasabing men’s mag.

Malakas ang March issue ng FHM na si Angelica Panganiban ang cover at umaasa silang hahataw rin ang sales nito sa Abril.

***

Napanood namin kamakailan ang EB Babes sa isang dance concert sa Zirkoh-Greenhills kasama ang iba’t ibang dancers. Nagulat kami dahil ang lakas ng hiyawan sa kanila ng audience.

Naaliw kami sa mga lalake sa crowd, lalo na sa mga bagets boys, dahil titig na titig sila at para bang natutulala kapag gumigiling na ang EB Babes sa stage.

In fairness ay magandang pagmasdan ang sampung girls lalo na ‘pag tinamaan na sila ng ilaw sa entablado.

Parang ang kikinis nilang lahat at ang seseksi sa suot nilang maiiksi at hapit na hapit na maong shorts.

Klik na klik sa boys ‘yung mga pa-cute at pa-girl nilang dance moves, lalo na nu’ng humataw sila ng nakaiindak na Itaktak Mo ni Joey de Leon.

Pagdating sa kantahan ay nakalalamang si EB Babe Belle na ang husay bumirit. Paborito naming binabanatan niya ang Stand Up For Love ng Destiny’s Child.

Napansin namin na si EB Babe Lian ang pinakamabenta sa fans dahil ang daming boys na lumalapit sa kanya para magpapiktyur.

Siya ‘yung natsismis noon kay Janno Gibbs at nali-link ngayon kay Mark Herras.

Sa isang interview ay nabanggit ni Lian na parang mag-MU na raw sila ni Mark. Pero nu’ng tanungin si Mark about Lian, ang sagot nito ay sobrang busy raw siya at walang panahong mag-girlfriend.

Hindi namin sure kung sino sa grupo ang syota ni Yexel Sebastian na ex-boyfriend nina Rochelle Pangilinan at Iwa Moto.

May nakakita kamakailan sa ilang EB Babes na sakay ng kotse ni Yexel at mukhang isa sa kanila ang nobya nito ngayon. Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites