<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://draft.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, March 26, 2007

Ending ng Bakekang

Ayaw idetalye ni Sunshine Dizon ang ending ng Bakekang para ‘di ma-preempt ang viewers, basta maganda ang ending at perfect mix ng tuwa at lungkot. Ayaw din nitong magbigay ng clue kung sino ang mamamatay at ikakasal sa major characters ng teledrama.

Natatawa ang actress ‘pag tinutuksong ang haba ng hair ni Bakekang dahil pinag-aagawan ng dalawang guwapong lalake: sina Christoph (Jay Manalo) at Herman (Victor Neri) at sasaya ang kinikilig na viewers sa magiging pagtatapos ng kanilang love triangle.

Ano ang napatunayan niya sa Bakekang?

"I hope I became a better person and actress at very wonderful experience for me na sa akin ibinigay ang project. Not everyone is given the chance to portray a 40 year old woman at may dalawa pang anak, eh 23 years old lang ako. Sana, hindi ko sila na-disappoint."

Pinasasalamatan ni Sunshine ang co-stars niya, staff, utility, writers, GMA-7, directors Gil Tejada and Khryss Adalia, direk Carlo Caparas at Donna Villa na dumating sa special show na ibinigay nila sa viewers ng teledrama na sumubaybay sa seven months nila sa ere. Nasa audience rin sina Annette Gozon-Abrogar and husband, Wilma Galvante, Lilybeth Rasonable, Marivin Arayata at iba pang taga-Ch. 7.

"We can’t ask for more. God is good to us. Maganda ang rating namin mula nang mag-umpisa ang show hanggang ngayong matatapos na," pasasalamat nito.

Umiwas din si Sunshine na pag-usapan ang Impostora, pero nalaman naming sa April 11 na ang story conference nila at kundi April 15 ay Apr. 16 ang first day taping. Reunion nila ito ni direk Maryo J. delos Reyes at Iza Calzado na una niyang nakasama sa Kung Mawawala Ka at Encantadia/Etheria. Nasa cast din daw si Alfred Vargas at marami pang iba. Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites