<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, March 11, 2007

First gay role ni Wendell Ramos

First gay role ni Wendell Ramos ang ginagampanan niya sa Happy Hearts bilang dyowa ng klosetang bading na karakter ni Rustom Padilla.

Sa pelikulang Sex Drive nila noon nina Maui Taylor at Katya Santos ay may twist sa ending na ipinakitang baklita pala ang karakter niya pero ito ang first ni Wendell na ladlad siyang bading at nagmu-mujer.

Masaya na mahirap daw ang kanyang experience. Medyo nahihirapan siya kapag take na at kailangan niyang magpa-girl pero na-challenge siya sa kanyang role.

Sa eksenang nagba-ballet sila ni Rustom complete with tight-fitting ballet outfit ay nagsuot daw sila ng supporter cup na pam-football.

Smack lang ang kanilang kissing scene sa movie pero nakaramdam ng pagkailang si Wendell dahil pareho raw silang lalake ni Rustom at ang daming nanonood sa kanila. Originally ay intimate bed scene ang nasa script at kung natuloy ‘yon ay wala raw problema kay Wendell basta kailangan sa pelikula.

Alam niyang open na ang kabadingan ni Rustom pero hindi niya naramdaman na tipong may pagnanasa sa kanya si Rustom o kung anuman.

Ani Wendell, first time nilang nagkatrabaho at ang tingin niya pa rin kay Rustom ay ‘yung dating Rustom na hindi bading.

Pormal daw sila sa set at nandu’n ‘yung respeto pero pag pareho na silang naka-mujer ay nagkukulitan din sila at nagtatarayan kung sino sa kanilang dalawa ang mas maganda.

Sa tanong namin kung sa totoong buhay ay naranasan na niyang makipag-‘brokeback’-an, ang sagot ni Wendell ay marami siyang kaibigang bading pero marunong siyang pakiharapan ang mga ito at hindi na niya pinapaabot sa puntong kailangan nilang magpilitan o kung anuman.

Aniya, alam niya kung paano irespeto ang mga bading kaya nirerespeto rin siya ng mga ito.

Marami raw siyang kilalang bading na mababait at hinahangaan niya dahil hindi nagti-take advantage ang mga ito.

Siya raw ay never niyang naramdaman sa sarili niyang may tendency siyang maging bading.

Tatlo na ang anak ni Wendell na puro panganay. Kahit medyo naaasiwa ay naitsika niya ito sa press dahil inuusisa siya tungkol dito.

Wendell Xavier ang pangalan ng panganay niyang 10 y/o (nasa Amerika na ang ina), Wendell Saviour ang name ng pangalawa na 7 y/o (mula sa dati niyang pinakasalan na annulled na) at ang bunso niyang 4-month-old ay si Tanya mula sa non-showbiz girlfriend niyang 3 to 4 years na niyang karelasyon. LINK

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites