<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, March 29, 2007

Georgina Wilson, nabubulol

Naalala namin na bago pa sinimulan ang Lupin ay gusto ng Siyete na kunin ang real-life girlfriend ni Richard na si Georgina Wilson para gumanap sa karakter ng true love at babaeng pinakasalan ni Lupin na si Angeli Villavicer.

Hindi natuloy si Georgina sa nasabing role at napunta ito sa 2007 Bb. Pilipinas 1st runner-up at Best in Swimsuit na si Abigail Lesley Cruz, kaya kinantiyawan namin si Richard na malamang siya ang umayaw na tanggapin ito ng kanyang pretty girlfriend.

"Gusto talaga niya. Hindi ako ang may ayaw. Pero kasi, kayong lahat eh, pinipilit n’yo siya nu’ng time na ‘yon (sa birthday party ni Tito Eddie Gutierrez) so, parang wala siyang choice. Ang lagay namang sabihin niyang, ‘Ayoko!’ Siyempre, nakiki-ride on din siya na, ‘Okay, okay…’

"O sige, eto ang totoo… she really thought about it, okay? At siya ‘yung gusto sana talaga ng production people. Pero dapat sinabihan siya a long time ago pa.

"Eh hindi niya naayos ‘yung schedule niya sa school. Umalis na siya pabalik ng Australia, magti-taping pa lang kami.

"She was open to it, pero habang pinag-uusapan namin… lalo na nu’ng ipabasa ko sa kanya ‘yung script, ang haba ng mga linya na Tagalog! So, tawa kami nang tawa! Sabi ko, ‘Paano natin gagawin ‘to?’ Ha! Ha! Ha!" natatawang tsika ni Richard.

So, hindi siya ang kumontra sa nasabing ideya?

"Honestly, hindi ko kinontra. I was just being realistic, na nag-aaral siya at ‘yun ang priority niya. At sabi niya rin sa akin, she’s not really an actress.

"Eh, ‘yung mga eksena namin, intense drama. At ‘yung Tagalog lines, nabubulol siya. Kaya sabi ko sa kanya, ‘Alam mo, bago natin gawin ang eksena, magtatawanan tayo!’ Biruin mo, magda-dramahan kaming dalawa? Tatawa kaming dalawa for sure! Ha! Ha! Ha!"

Pumasok din ba sa isip niya ‘yon na bongga sana kung natuloy si Georgina sa Lupin?

"Oo, maganda talaga ‘yung idea na ‘yon. Pero sana lang, na-plan earlier. Sana, nasabihan siya earlier para nasabi niya sa family niya. Hindi naman niya pwedeng sabihin sa parents niya na she’s not going back to Australia, ‘di ba?

"So ‘yun ang nangyari. Sayang, ‘no? He! He! He! Nanghinayang din ako, pero personally… at sa kanya na rin, ayaw niya talagang mag-showbiz. Baka gumulo lang kasi ‘yung buhay namin ‘pag pumasok siya sa showbiz, eh!

"Alam niya ‘yon. Alam niya rin kung gaano ka-draining ‘yung trabaho ko and I don’t think she wants to be involved.

"Okey na ‘yung private life niya. She’s doing good in school, modelling… ako na lang ang sasabak sa giyera. Huwag na siya! Ha! Ha! Ha!" tawa pa ni Richard. Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites