<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, March 31, 2007

Inamin na ni Polo Ravales?

Inaamin ni Polo Ravales na nagkakilala sila ni Zara Lopez (isa sa Viva Hotbabes) two years ago sa Embassy bar sa The Fort.

Kasama pa raw niya si Ara Mina nu’ng time na ‘yon, pero hindi pa sila mag-on at nagdi-date-date pa lang sila ni Ara.

Ani Polo, ilang linggo bago lumabas ‘yung isyu sa kanila kamakailan ni Zara ay nakita niya ito na may mga kagrupong lalake sa Embassy.

Lumapit ito sa kanya at nagpapiktyur. After a few days ay lumabas daw ang nasabing picture sa isang showbiz column at may kasama nang kuwento tungkol sa one night stand umano nila sa parking lot.

Sabi-sabi, nagpa-BJ si Polo kay Zara.

Sey ni Polo, ayaw na niyang pahabain pa ang isyung ‘yon kaya bahala nang mag-isip ang mga tao ng gusto nilang isipin.

"Maraming tao ang nakakakilala sa akin at kayang idepensa ang pagkatao ko.

"Sa tagal ko sa showbiz, ngayon lang ako naintriga ng gano’n. Sa tingin ko, may respeto naman ang mga tao sa akin," ani Polo, na kaagaw ni Richard Gutierrez kay Rhian Ramos sa Lupin.

Idinagdag pa ni Polo na hindi siya basta-basta pumapatol sa babae at inaalam niya muna ang pagkatao nito.

Hindi na raw niya tinangkang kausapin si Zara tungkol sa isyu, na pakiramdam niya ay nagamit siya.

Posible aniyang gusto lang siyang sirain ng sinumang nagpalabas ng tsismis na ito.

Aminado si Polo na nagpupunta siya ng Embassy pero kadalasan daw ay kapag may event lang na naiimbitahan siya.

May time din na gumigimik siya roon pero para mag-enjoy lang daw with friends at hindi para mamikap ng babae.

Kahit break na sila ni Ara ay apektado ito sa isyu kaya nag-sorry raw sa text si Polo na nadamay ito sa intriga.

Siniguro niya rin kay Ara na never niya itong niloko nu’ng sila pa at nang ma-meet niya umano si Zara ay hindi pa sila mag-MU ni Ara.

"Mahirap magsalita kung magkakabalikan pa kami ni Ara. Basta ang mahalaga, magkaibigan kaming dalawa at hindi kami magkaaway.

"Hindi naman siya nagalit sa akin, pinagsabihan niya lang ako na mag-ingat sa mga taong nakakasa-lamuha ko," sey ni Polo.

Hindi rin daw totoong iniwasan siya ni Ara kaya wala ito sa press launch ng Lupin. Nasa taping ito ng Bubble Gang sa Boracay kaya hindi nakarating sa Lupin launch. Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites