<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, March 28, 2007

Jolina Magdangal, mukhang batang busog kapag nabuntis

Itinanggi ni Jolina Magdangal na nagpakasal na sila nang palihim ng kanyang nobyong si Atty. Bebong Muñoz.

"Ay nako, hindi ko nga alam kung saan nanggaling ‘yang balitang ‘yan, eh! Tapos, may tsika rin na babalik daw kami ni Bebong ng Camiguin dahil if ever daw magpapakasal kami, doon ko raw gusto!

"Saan naman nanggaling ‘yon? Kelan ko sinabi ‘yon?!" natatawang bulalas ni Jolina nang makatsikahan namin sila ni Bebong over merienda kahapon sa Serye resto sa Quezon Memorial Circle sa QC.

Nilinaw ni Jolens na hindi pa sila nagpapakasal nang civil ng kanyang nobyo dahil gusto nilang paghandaan ito nang husto at sa simbahan nila nais makasal.

Magkaiba ang dream wedding ng mag-sweetheart. Si Bebong ay gustong sa Europe magpakasal kung siya ang masusunod, pero aminado itong malabo ‘yon dahil dito gusto ni Jolina para makapiling ang lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

Ayaw mainitan ni Jolens ang mga dadalo sa kasal niya kaya hindi niya type ang garden wedding. Gusto niyang makasama ang fans niya sa kanyang wedding day o kung hindi man ay magpapa-party na lang sila ni Bebong para sa mga ito.

6 years and 2 months na silang magkarelasyon ni Bebong (Enero ang kanilang anniversary). 33 y/o si Bebong at magtu-29 y/o na si Jolens sa Nobyembre 6. Aniya, kundi later this year ay early next year ang kasal nila.

"Huwag nang sobrang tagal kasi, it’s time!" dayalog sa amin ng happy and in love na dalaga.

***

Napi-picture na ni Jolina ang sarili niya bilang isang maybahay.

Keri na raw niya ang maliliit na bagay tulad ng pag-aayos ng bahay at pagba-budget.

Sa malalaking responsibilidad bilang asawa ay medyo nireredi na rin niya ang kanyang sarili.

May bahay ang pamilya ni Bebong sa Caloocan at sa Quezon City at meron din itong apartment sa Greenhills pero gusto nilang dalawa na magpundar ng sarili nilang bahay kung saan sila bubuo ng pamilya.

"Iyung ibang mga tao, bata pa rin ang tingin nila sa akin hanggang ngayon. Kaya ‘yung iba, nagugulat na, ‘Ha? Magpapakasal ka na??’

"Parang feeling nila, nagmamadali ako! Hindi po ako nagmamadali. Late na nga po yata ako, eh! Ha! Ha! Ha!" tawa niya.

***

Mas mauuna silang lumagay sa tahimik kesa sa magsyotang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo dahil bukod sa mas matagal na ang relasyon nila ni Bebong ay mas settled na sila.

"Ako, ang feeling ko, nakakatuwa sila (Juday at Ryan) kasi, palagi silang magkasama. Kami ni Bebong, nagkaroon kami ng challenge at risk noon dahil sa 6 years namin, siguro almost 4 ½ o mga 5 years kaming magkalayo (dahil nag-aral at nagtrabaho si Bebong sa Amerika).

"Feeling ko, kanya-kanyang blessings ang ibinibigay ni God. Kami, mas matagal na, pero nagkalayo kami nang ilang taon. Sila, sandali pa lang pero palagi silang magkasama. Magkaibang sitwasyon pero parehong happy!

"Kaya kami ni Juday, kapag magkakuwentuhan kami, tawa lang kami nang tawa! At saka ‘yung double date namin (nu’ng Disyembre 2006), hindi namin ginawa ‘yon dahil alam naming magkakaroon kami ng movie ni Juday (horror flick na Ouija sa GMA Films).

"Wala pa ‘yung offer na ‘yon, nag-double date na kami. So, sabi ko nga, parang ang ganda naman ng nangyayari sa personal naming buhay, na masaya siya tapos, maayos pa ‘yung career namin, di ba?

"Ang sarap ng feeling! Kaya minsan, nare-reminisce mo ‘yung noong araw na pinag-aaway pa kami ni Juday, di ba? Tapos eto ngayon, ang mga pinag-uusapan na natin eh, malapit na kaming mag-asawa at maging nanay! Ha! Ha! Ha!

"Sabi ko nga, ‘Uy, mareh! ‘Yung mga family natin, palaging magba-barbecue, ha? Ikaw ang magluluto, ako ang mag-e-entertain sa mga bata!" nakangiting pakli ni Jolens.

Ilang tsikiting ba ang gusto niya?

"Gusto ni Bebong, tatlong anak. Ako, kung ilan ang kakayanin ng aking maliit na lalagyan! Ha! Ha! Ha!

"Dyusko, pag nagbuntis siguro ako, mukha lang akong batang busog! At saka magsusuot pa rin ako ng sando kahit malaki na ang tiyan ko! Bakit ba?!

"Maghu-host pa rin ako at talagang ipakikita ko pa ‘yung malaking tiyan ko! Ha! Ha! Ha!" halakhak ni Jolina. Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites