<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, March 06, 2007

Marc Pingris, lumuha sa kasal nila ni Danica Sotto

Sa iisang hotel (Vivere Suites, Alabang) nag-stay sina Marc Pingris at Danica Sotto bago sila nagpakasal nung Sabado nang hapon pero magkahiwalay sila ng kuwarto at hindi sila nagkita.

Naabutan namin nu’ng Sabado nang umaga si Marc na pasilip-silip sa kuwarto ni Danica habang mini-meyk-apan ito.

Bawal daw silang magkita bago magpakasal kaya hindi ito pinapalapit sa kuwarto ng babaeng aasawahin niya.

Bago nagbihis si Marc ay kinausap muna namin ito at medyo emotional ito.

Napaiyak si Marc nang itanong namin sa kanya ang tungkol sa kanyang ama.

Nakatanggap daw sila ni Danica ng bulaklak galing sa kanyang ama na nasa France.

Tumawag daw ito kinagabihan at iyak nang iyak daw si Marc sa sobrang kaligayahan dahil sa mga payong ibinigay ng kanyang ama.

Malaki ang pasasalamat ni Marc dahil nakilala niya ang kanyang ama bago siya nagpakasal.

Napaluha rin si Marc habang nagpapahayag ng mga pangako niya para kay Danica. Aware daw silang hindi lahat ay sarap at kasiyahan ang pagdadaanan nilang mag-asawa kundi may mga pahirap din at mga pagsubok na maaring sumira sa kanilang pagsasama.

Lagi raw nilang isaisip na dapat ang Diyos ang laging nakagabay sa kanila.

Pangako ni Marc, kahit tumaba, pumangit at hindi na magpaka-active si Danica sa showbiz, nandiyan pa rin siya at hindi niya ito iiwan.

Inaayusan naman si Danica at si Dina Bonnevie nang pinasok namin ito sa kanyang kuwarto. Parang walang masabi si Danica sa sobrang excitement.

Simple ang kanyang gown na gawa ni Veluz pero naloka kami sa ipinasuot sa kanyang korona na ang sabi, ipinahiram iyun ng isang kaibigang may jewelry shop. Worth P13M daw ang koronang iyun kaya may nakabantay sa kanya habang suot ito.

Hindi naman pala niya ito suot sa mismong kasal kundi ipina-pictorial lang.

Ayaw ni Danica na masira ang mood pero nagpasaring pa rin siya sa mga taong nagkakalat na nag-break sila ni Marc at hindi na matutuloy ang kasal.

Kilala raw niya kung sino ang nagkalat nito. Nagtataka raw siya, bakit parang sure na sure pa raw ito kung magkalat ng ganu’ng balita.

"Iyun talaga ang nakaiinis dahil kini-claim pa niya na totoo ang balita. Sinabihan lang ako ni Marc na huwag nang sagutin. Mapu-prove naman daw namin na mali sila pagdating na ng kasal," pahayag ni Danica.

Parang kilala namin kung sino ang tinutukoy nito pero hindi na lang namin kinalkal. Iniiwasan kasi ni Danica na mairita dahil fully-made-up na siya.

Nung Biyernes nang gabi ay kinausap ni Dina si Danica. Hindi raw kalilimutan ni Danica ang bilin ng Mommy niya na huwag nilang itulog ni Marc ang away.

Dapat na magkaayos daw muna sila bago matulog para walang dinadalang sama ng loob o galit sa isa’t isa.

Hanggang ngayon ay Sir at Ma’m pa rin ang tawag ni Marc kina Vic Sotto at Dina bilang paggalang daw iyun at parang nahihiya pa rin daw siyang tawaging Daddy at Mommy.

Sa The Palms Garden sa Filinvest, Alabang ginanap ang Christian wedding nina Marc at Danica. Mahigpit ang security dahil bawal ang media sa loob kaya hindi na kami nakapasok.

Maraming salamat sa kanilang official photographer at videographer na si John Ong na nag-provide sa atin ng litratong kuha sa kasalang iyun.

Ang pagkakaalam namin, hindi dumalo si Pia Guanio dahil may LBM daw siya. Ang nakarating sa aming kuwento, sinadya niyang huwag dumalo dahil moment iyun nina Bossing Vic at Dina na magulang ng ikakasal.

Kahapon ay umalis ang bagong kasal patungong Boracay, Doon muna sila magha-honeymoon dahil kailangang bumalik agad si Marc gawa ng magsisimula na ang PBA. Balak sana nilang pumuntang France para dalawin na rin ang ama ni Marc pero hindi pa pwede sa ngayon. Please visit original post.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites