<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, March 08, 2007

Rhian Ramos vs. Ara Mina

Nagngingitngit ang fans ni Rhian Ramos kay Ara Mina dahil sa isyung inisnab daw ni Rhian si Ara sa nakaraang 7th anniversary party ng YES! magazine sa NBC Tent.

Super-react ang Rhianians sa news item na lumabas sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na naibulalas ni Ara ang pagkaasar at pagkairita nito kay Rhian.

Ayon sa kuwento, nag-uusap sa nasabing party sina Ara at Polo Ravales, tapos ay biglang lumapit si Rhian at bumati kay Polo.

Hinipo pa raw ni Rhian ang semi-kalbong ulo ni Polo matapos bumeso, tapos ay tsinika-tsika nito si Polo na hindi man lang tinitingnan ang katabing si Ara, na parang hindi nito nakikita.

Naasiwa raw si Ara sa eksena lao pa’t hindi man lang siya in-introduce ni Polo kay Rhian.

Nabanggit din ni Ara na nagkasama sila kamakailan ni Rhian sa pictorial ng Lupin pero ni hindi siya tinitingnan nito. Pakiwari ni Ara ay hindi siya feel ng young star.

Nag-init daw ulo ni Ara dahil feeling niya ay nabastos siya. Hanggang makaalis sa party ay iritada pa rin si Ara at nag-text pa ito kay Pilar Mateo na napikon siya sa ‘babaeng ‘yon’ na ang tinutukoy ay si Rhian.

Ngayon ay todo-depensa ang supporters ni Rhian at si Ara ang binuweltahan nila ng panlalait.

Grabe ang mga nabasa naming reaksyon nila sa email at kami ang naawa kay Ara sa tindi ng pang-aalipusta ng mga nagmamalasakit kay Rhian.

Kung saan-saan na napunta ang isyu. Nandiyang sabihin nilang sobrang KSP (kulang sa pansin) si Ara at feeling superstar ito.

Pati ‘yung insidente with Joma Sison sa Netherlands ay naungkat, maging ‘yung mga lumang isyu noon kay Ara.

Tulad nating lahat ay tao lang si Ara at normal na minsan ay napipikon tayo at naiinis. Hindi ‘mortal sin’ ang reaksyon niya kay Rhian.

Masyadong foul at sobrang below the belt ang pang-aalipusta nila kay Ara na feeling namin ay hindi nito deserve.

Magiging magkatrabaho ang dalawa sa Lupin ng GMA. Ang pangit tingnan kung mag-aaway sila at magbabangayan.

Madre pa mandin ang role doon ni Ara habang si Rhian ay isa sa tatlong heist girls ng bidang si Richard Gutierrez.

by ALLAN DIONES

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites