<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, March 28, 2007

Starstruck final judgment, hindi nito napuno ang venue

Tumugma ang hula namin kung sino ang apat na winners sa batch 4 ng Starstruck The Next Level na nag-final judgment nung Linggo sa Marikina Sports Complex.

Sina Mart Escudero at Kris Bernal ang tinanghal na Ultimate Loveteam, si Aljur Abrenica ang Ultimate Hunk at si Jewel Misch ang Ultimate Sweetheart.

May nag-text tuloy sa amin na baka may leakage na nakarating sa amin.

Sa anim na survivor, ang daling piliin para sa mga titulong ito ng Starstruck 4. Halatang-halata mo na kung sino ang malakas sa fans at sa council.

Medyo nagduda na lang kami nung bandang huli dahil ang lakas na ng dating ni Prince Stefan at nagkaroon pa ng demerits si Mart dahil kinunan nito sa cellphone ang pag-ihi ng isang staff ng Starstruck.

Maganda ang inihanda ng Starstruck 4 sa kanilang final judgment, kaya lang, hindi ito kasinlakas ng mga nakaraang Starstruck.

Nung nakaraang taon ay napuno ang Marikina Sports Complex kahit apat lang ang naglaban.

Ngayong anim ang survivors, hindi nito napuno ang venue at in-occupy na lang ang oval sa loob. Hindi halos nangalahati ang mga taong nakaupo sa bleachers.

Ilang beses pang nagpaalala ang floor director sa audience na pumalakpak nang malakas dahil hindi sila ganun kainit sa Survivor 6.

Maganda ang palabas lalo na ang opening number na sinalihan ng mga taga-Starstruck mula batch 1 hanggang 3 at avengers ng batch 4.

Hinati-hati sila base sa kanilang talent at kung anong image sila pina-package.

Sina Jennylyn Mercado at Mark Herras pa rin ang sobrang lakas ng dating. Lutang na lutang ang dalawa at sila pa rin ang tinitilian ng fans.

Malakas din ang dating ni Yasmien Kurdi dahil sa Bakekang siguro. Bigay na bigay si Yasmien sa pagkanta at pagsayaw kahit may katabaan pa rin siya.

Sa grupo ng sexy babes, angat na angat si Katrina Halili at ibang-iba na ang dating niya.

Sa hunks ay tinalbugan ni Dion Ignacio si Tyrone Perez kahit nagbida na ito sa Twilight Dancers. Ang sexy sumayaw ni Dion at tamang-tama na itong isali sa isang sexy movie.

Kahit alanganin pa rin ito sa sagot ni Dion kung handa na ba siyang magpa-sexy, tingin namin ay hinog na hinog na siya para isabak sa paseksihan. Visit the source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites