<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, April 28, 2007

Angel Locsin, walang utang na loob sa Siyete?

HOW true na nagiging sakit ng ulo sa trabaho si Angel Locsin dahil kabi-kabila ang pagtanggap ng political endorsements at iba pang commitments?

Hirap na hirap daw i-schedule ang aktres sa GMA-7 projects, dahil bukod sa political commitments, sumisingit din ang iba pa niyang natanguan, tulad ng trabaho for Angels, ang initial venture ng production outfit nila ng manager na si Becky Aguila.

Kung ganu’n, parang ang bilis namang nagbago ni Angel at lumalabas na mas priority pa ng aktres ang ibang trabaho kesa sa mother network.

Nakapag-komento tuloy ang aming kausap na tila hindi na binibigyang-halaga ni Angel ang istasyong nagbigay sa kanya ng malalaking break.

Matatandaang nagsimula si Angel bilang one of those lang sa Click at Love to Love. Tapos, binigyan sila ni Richard Gutierrez ng solo lead roles sa Mulawin.

Pagkatapos nito, sumunod ang Darna, Majika at ito ngang Asian Treasures nila ni Robin Padilla.

Dugtong pa ng kausap namin, sana nama’y ginagabayan si Angel ng manager niyang si Becky Aguila para hindi naaapektuhan ang mga trabaho ng alaga sa Kapuso Network.

Hindi kaya maging dahilan ng kanyang pagbagsak ang pagiging pabaya ni Angel sa assignments sa Siyete?

Mahirap pa namang magsisi, dahil lagi itong nasa huli. Tandaan sana ni Angel na maraming nakaabang na i-build up ng network. Ano ba namang mag-unahan ang mga ito kapag ipinatawag ng GMA-7 execs?

Kaya, huwag maging ungrateful sa istasyong gumawa sa iyo, Angel. Or else… Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites