<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, April 15, 2007

Elizabeth Oropesa, faith healer na

SPEAKING of Showbiz Ka, kakaloka ang ilang relevelations ni Ms Elizabeth Oropesa na siyang guest nang maimbitahan ang yours truly on the set.

Halos tumigil na pala siya sa pag-arte at iba na ang mundong ginagalawan niya ngayon — ang pagi-ging faith healer!

Yes, isa lang sa revelations nito na nagpapagaling na pala siya ng may sakit. As in parang psychic na rin na may third eye.

Ayon kay La Oro, bata pa siya ay naramdaman na niyang may kakaiba siyang feeling o “special gift” na ito.

“Matagal ko na dapat ito na-practice pero ngayon lang ako nagka-chance,” banggit ng multi-awarded actress. “Parang ang na-feel ko kasi, ‘yung 50 percent ng buhay ko, inilaan ko na sa showbiz, ‘yung other 50 naman, ‘yung makapagpagaling ng mga taong may sakit.”

Off the air bago ang show, naikuwento ni Elizabeth na wiz nga niya feel i-advertise ang kanyang ipinatayong Healing Center nu’ng December 2006 sa Fairview (kung saan malapit ang bahay niya).

“Napansin ba ninyong naipromote ko ito? Ayoko talaga, kaso, naimbitahan ako dito at napapag-usapan lang natin,” say ni Elizabeth off the air.

Sinabi ng aktres na 30-50 katao ang nagpupunta sa kanyang healing center araw-araw at siya mismo ang nagsabing halos lahat ay gumagaling.

“Word of mouth ang nangyayari, kaya dinadayo tayo. Pero kasi, ‘pag gift mo galing sa Diyos, masaya ako na nakakapagpagaling ako.”

Tatalikuran na ba niya ang showbiz?

“Mahirap talikuran yan dahil pag artista ka, mahirap talaga mag-shift, dahil baka isipin ng tao, hindi totoo. Pero nandito ngayon ‘yung fulfillment ko eh.”

Hindi naman aniya siya namimili ng roles na gagam-panan, pero kung wala rin lang daw matinong offer ay huwag na lang.

Nagbiro pa nga on air ang aktres na “may nakikita siya” sa kapaligiran na hindi nakita ng nasa studio at kinalibutan kami du’n, huh, dineadma lang namin. Ha-ha-ha!

Kaya pala bihira na nating mapanood ang isang Elizabeth Oropesa sa TV man o movies, eh, iba na ang trip nitong gawin sa buhay.

Huling pelikulang ginawa niya ay last year ipinalabas, ang Apoy sa Dibdib ng Samar ni Maynard Lapid. Source.

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

panalo ka kapatid good samaritan thats true only the catholic church lang naman ang hindi Favor jan....they belive in the holy spirit na tinatawag nila pag my mga prayer meeting pero ang healing faith healer di sila nag elive

7:27 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites