<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, April 28, 2007

Jennylyn-Mark, maayos ang first shooting day

Nagsimula nang mag-shooting ang pelikulang Tiyanak (Regal Films) na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

Noong Miyerkules ang first shooting day nila sa isang lumang bahay sa Apalit, Pampanga. Kuwento ni Mark, kaagad na nakabuo sila ng bonding sa unang araw pa lang nito kasama ang iba pang cast na sina Ryan Yllana, Karel Marquez, JC de Vera at ilang talents ng ABS-CBN.

Okay naman daw sila ni Jennylyn dahil ang iniisip nila ay trabaho iyun. Wala raw silang problema pero malabo nang lagyan ng love angle ang promo ng pelikula dahil alam daw ng lahat na meron nang Patrick Garcia si Jennylyn.

Pinaunlakan kami ni Jennylyn ng interview at sinabi rin niyang wala silang problema ni Mark.

Alam daw niyang marami silang fans na umaasang magkasama sila sa isang pelikula.

Napag-usapan uli ang tungkol sa pagtanggi ni Mark na makatrabaho silang dalawa ni Patrick. Ipinaliwanag naman ni Jennylyn na sa kanya ay walang problema basta trabaho lang.

Kaya raw niyang paghiwalayin ang personal na bagay sa trabaho.

Kung hindi raw kumportable si Mark na makatrabaho sila ni Patrick, bakit siya raw dati, kahit kasama ang nililigawan at girlfriend na rin ni Mark, wala siyang angal at nagtatrabaho pa rin siya?

Pero tapos na ang isyu, ayon kay Jennylyn. Nagkausap sila ni Patrick at malabo raw gawin ng aktor ang Tiyanak dahil may ibang pelikula na sila na magkasama at nakatakdang umalis si Patrick patungong Alaska.

Gusto lang iparating ni Jennylyn sa lahat na kahit anong problema o isyung papasukan ni Patrick, nandiyan lang siya para sumuporta at ipagtanggol ang kanyang boyfriend. Lalo raw niya itong minahal ngayong nasasangkot sila sa intriga. Source.

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites