<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, April 30, 2007

Judy Ann Santos at Jolina Magdangal sa Ouija ng GMA Films

Half-sisters ang role nina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal sa Ouija ng GMA Films, kagaya rin ng papel nina Kris Aquino at Claudine Barretto sa blockbuster horror flick ng Star Cinema na Sukob.

Kakabugin kaya nitong Ouija ang kinita sa takilya ng Sukob?

Sagot ni Juday sa tanong namin, "Wala kaming iniisip na pwedeng kabugin. Basta gusto lang namin na mapanood ng mga tao na maayos ang ginawa namin and at the same time, maipakita sa kanila na maganda ‘yung pelikulang ginawa namin at natuloy na ‘yung movie namin ni Jolina together."

Sey naman ni Jolens, "Naku, mahirap po ang mga intrigang ganyan! Basta ang alam ko, hindi gawa-gawa lang itong istorya ng Ouija kundi may pinagbasehan siya na totoong mga nangyayari. Para itong isang psychological thriller na effective ang pananakot."

Dayalog ulit ni Juday, "Nag-research ang GMA Films ng mga nangyayari sa mga naglalaro ng Ouija board. Isang factor ‘yon kaya ko tinanggap ‘tong project.

"Ayokong gumawa ng isang horror film para lang manakot ng tao pero hindi talaga ‘yon ‘yung nangyayari sa totong buhay. Uy, wala akong gustong patamaan doon, ha?!" sey niya, sabay tawa.

‘Ate’ ang tawag ni Jolens kay Juday sa movie dahil mas matanda si Juday. Ang lola nila ang nagmamay-ari ng Ouija board na ginagamit para makipagtalastasan sa mga ispiritu.

"Masarap magpatawa at magpaiyak ng tao, pero nagawa na kasi namin ‘yon dati ni Jolina. For a change, try naming manakot sa big screen. Hopefully, makeri namin!" ani Juday.

Thankful silang dalawa na wala pa silang ghost experience at pareho silang hindi lapitin ng mga multo at ispiritu.

Wala raw silang anumang nakita o naramdaman habang ginagawa nila ang Ouija.

Baka himatayin daw si Juday pag may nakita siyang multo. Si Jolens ay hindi naniniwala sa spirit possession dahil hindi pa raw siya nakakakita sa totoong buhay ng taong sinasapian ng masamang ispiritu.

May kasama silang prayer warriors sa set at tuwing bago sila mag-shoot ng mga delikadong eksena ay nagdarasal muna sila.

Tsika ni Juday, nu’ng mag-shoot sila sa Camiguin ay abut-abot ang dasal nila dahil balitang maraming ligaw na ispiritu roon.

Sa storycon pa lang daw ng movie ay pinakalma na sila ng GMA at sinabihang wala silang dapat ipag-alala dahil safe sila at maraming simbahan ang nagdarasal para sa kanila.

"Nakatutuwa dahil after every scene eh, tawanan kami nang tawanan sa set at bago kunan ‘yung mga eksena, tsikahan kami nang tsikahan ni Jolens.

"Parang hindi horror movie ang ginagawa namin! ‘Pag mag-isa lang kaming kukunan, doon pa lang namin maiisip na horror pala ang sinu-shoot namin.

"At kahit nagsu-shooting, nagpa-punchline-an pa rin kami ni Jolens! Ha! Ha! Ha!" tawa ni Juday.

"Kahit nagba-blocking na kami para mag-take, tawa pa kami nang tawa ni Juday. Kaya ‘yung floor director, sinasabihan kami na, ‘Game na, tama na ang tawanan!’ Naglolokohan kami palagi. Masaya ‘yung set namin kaya siguradong hindi kami papasukin ng masamang ispiritu! Ha! Ha! Ha!" bungisngis ni Jolens. Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites