<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, April 13, 2007

Julia Lopez vs Keanna Reeves

Si Julia Lopez daw ang itatapat ng Siyete kay Keanna Reeves ng Dos.

Sa pagkakasama ng una sa bagong sitcom ng GMA-7 na Who’s Your Daddy Now?, hindi nagkakalayo ang role na ginagampanan nila ni Keanna, na nasa Aalog-alog naman ng ABS-CBN 2.

Hindi tuloy naiwasang pagkumparahin sila ng press people na dumalo sa ginanap na presscon ng WYDN, na ipapalit sa Lagot Ka…Isusumbong Kita sa Lunes.

Ani Julia, malayo ang agwat ng edad nila ni Keanna at ’di hamak na mas maganda raw siya rito.

“Original po ang lahat ng parte ng katawan ko kumpara sa kanya (Keanna). Mas bata at mas maganda rin po ako,” pagtataray niya.

Ano pa raw ba ang hahanapin ng isang lalaki sa kanya? Size 38, cup D ang upper bumpers niya, 24 inches ang waistline at 39 naman ang balakang.

Dati nang nagsu-showbiz si Julia, pero panandalian siyang nawala dahil aniya, naging busy siya sa pagpu-produce ng shows here and abroad.

Siyanga pala, crush daw ni Julia si Raymart Santiago, isa sa lead stard ng WYDN. Ang iba pang nasa cast ay sina Joey Marquez, Celia Rodriquez, Paolo Contis, Alynna Asistio (anak ni Nadia Montenegro) at Jean Garcia.

Hindi kaya pagselosan siya ni Claudine Barretto oras na makarating ang tsikang matagal na niyang iniilusyon si Raymart? Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites